Chapter [28]

150 2 1
                                    

[Very very SPG]
Home

"Jiyeon, Let's go home." Sabi ni Chi sa akin habang hinahaplos ang likod ko. Fck! Bakit kahit anong inom ko? Hindi mawala wala ang sakit na nararamdaman ko.

Hilong hilo na ako pero gusto ko pang uminom, umaasa ako na mawawala lahat ng hinanakit ko ngayon dahil sa alak.

"Ji.." Aniya. Umiling iling ako. "If you want to go home, then go.. Kaya ko naman eh." Sabi ko at tinungga muli ang bote ng alak na hawak ko.

Pinag-masdan ko ang sarili ko sa salamin, sinukaly ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Mugtong mugto na ang mga mata ko dahil sa iyak at ngayon wala na akong maiiyak.

"Wait lang, Ji." Aniya hindi ko alam pero nabibingi na ako. Bumabagsak nadin ang mga mata ko dahil sa hilo.

"One more." Sabi ko. Napansin kong nag-aalangan pa ang bartender. Pero binigay niya din sa akin ang bagong bukas na bote ng alak.

Tutunggain ko na dapat 'yon pero mayroong pumigil. "Sir!" Tinitigan ko siya ng mapupungay na mga mata. "Keep the change." Aniya matapos niyang bayaran lahat ng bills ko dito but I can pay that!

"Don't touch me.." Mahinang sabi ko habang inaalalayan niya akong mag-lakad. "Ji, mauna na ako ha? Hinahanap na kasi ako ni Daddy." Aniya at humalik sa pisngi ko.

Gaga! Iniwan mo naman ako sa animal na 'to!

Kinawit niya ang kaliwang braso ko sa leeg niya at hapit hapit niya ang beywang ko. Pa ekis ekis na akong nag-lalakad sa parking lot.

Wala ng gaanong tao dahil anong oras naman nadin. "Bitawan mo ako.." Mahinang sabi ko at unti unting inaalis ang mga kamay niya sa akin.

Pilit akong tumayo ng maayos at bahagyang tinulak siya. "Doon ka kay Anna!" Sigaw ko at muli siyang tinulak pero wala lang sakanya 'yon. "Baby.. Let's go home." Mahinang sabi niya.

Napa upo ako at napa hilamos ng mukha. Naramdaman ko ang sunod sunod na pag buhos ng luha ko sa aking pisngi.

"Bakit niloko niyo kong lahat? Bakit ginago niyo kong lahat?" Umiiyak kong tanong habang takip takip ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.

"Nanahimik lang naman ako. Hindi na nga ako nag-sumbong, I kept it all with me." Unti unti kong naramdaman ang mga kamay niya sa balikat ko. "Jiyeon.." mahinang sabi niya.

Inakap ko ang dalawa kong tuhod habang tinititigan ang mga mata niya. "Bakit mo ko sinaktan? Bakit mo ko pinaasa?" Mahinang tanong ko habang umiiyak.

Pumungay ang mga mata niya at pinunasan ang luha kong pumatak sa aking pisngi. "You made me feel that you are my family pero iniwan mo ako sa ere. Ginago mo ko, Tao." Umiiyak kong sabi.

Naka luhod ang isa niyang tuhod habang naka pantay sa akin ng lebel. Hindi ko alam kung lumalabo na ang mga mata ko dahil sa iyak pero nakikita kong namumula ang mga mata at ilong niya.

"Mahal kitang gago ka. Mahal na mahal kita." Humihikbi kong sabi. "Even if your father ruined my life, ruined everything. Mahal parin kitang gago.." Humagulgol ako matapos kong sabihin 'yon.

"What do you mean? Baby.." Aniya at hinaplos ang pisngi ko.

Humihikbi ako habang patuloy parin sa pag-iyak. "Your father raped me when I was young, Alam ni Mommy 'yon. But she didn't listen to me. Because She really loves your Father." Sagot ko.

Gulat na gulat ang ekspresyon niya. Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Takot na takot ako 'non.. Tuwing pag-tulog ko naaalala ko kung ano 'yong ginawa niya sa akin. Kung ano 'yong sinabi niya sa aki.. Tao, takot na takot ako. Tao.." Humihikbi kong sabi na para ba akong isang bata na nag-susumbong sakanyang Ama.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon