Chapter [16]

91 2 2
                                    

I quit

Iminulat ko ang mga mata ko at pinakiramdam ang tabi ko nguniti wala na akong katabi dito sa kama ko. Inakap ko ang kumot at bumangon.

Wala na ang mga damit niya at wala rin akong naririnig na kahit anong kaluskos sa labas. Probably he's out.

Iniisip ko. Kung bakit niya binitawan ang mga katagang 'yon. Is he falling inlove with me? Oh! That's impossible! At masiyado naman siguro akong mag-isip kung ganoon.

Hindi 'yon, Jiyeon. Hindi.

Sinuot ko nalang dito ang nighties ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at lumabas na nitong kwarto.

Tumungo agad ako sa kusina at nakita kong mayroon naka handang pagkain doon at mayroong dilaw na sticky note sa baso.

Agad ko 'yong nilapitan at binasa.

Need to go out early, I cooked for you. Eat well.

- Tao :)

Dahan dahan akong napa ngiti at binuklat na kung ano ang niluto niya.

A fried foods and hot choco. Ayoko kasi ng coffee, dumulog na agad ako para kainin 'yon. I want to text him pero wag nalang siguro.

I have to go to the gym at exactly ten am. Ilang araw narin akong hindi nakakapag gym. Kung kaya't kailangan ko na talaga. Ayokong tumaba. Ugh!

Ilang araw ng tumatawag ang instructor ko at nagte-text pero kahit isa ay wala akong nasasagot dahil sa naging busy nga ako diba.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung mayroong text o tawag at siya ay mayroong isang text.

Tao: Did you eat your food already?

Nag-tipa agad ako ng reply.

Ako:

Yup, I'm eating right now.

Ipinag-patuloy ko ang pagkain ko habang sumasagot sa text niya. Iniisip ko kung nasaan siya kung nasa gym ba siya o nagte training sa basketball.

Tao:

Good. Eat well

Hindi ko alam pero napa ngiti nalang ako sa reply niya. His sweet and caring actually, kaya sigurado ako na marami na siyang naging Girlfriend. At ewan ko kay Anna kung bakit niya pa hiniwalayan.

Ako:

Asan ka?

Saka ko lang napag-tanto sa tanong ko. Lumalabag ako sa rules! Hindi dapat ako nag-tatanong sakanya.

Uminom nalang ako ng tubig na nasa tabi ko habang hinihintay ang text niya. Tumunog na ang cellphone at senyales na nag reply na siya.

Tao:

Training, you? Wala ka bang gagawin?

Ako:

Ah. Magji-gym ako. Ingat! :)

Binaba ko na ang cellphone ko at napag-desisyon ko ng hindi na ako mag-reply sa ire-reply niya sa akin.

Umiiwas akong kausap siya ngayon dahil sa sinabi niyang 'yon sa akin. Ano ba meron at sinabi niya 'yon?

Natapos na akong kumain niligpit at nilinis ko na 'yon. Wala naman akong ibang aasahan sa condo na 'to kundi ako lang. Kaya ayokong pinapapunta dito sila Chi dahil mag-kakalat lang naman ang mga 'yon.

Pag-katapos ko ay dumiretso na ako sa banyo upang makaligo na. Mabilis lang akong naligo at nag-bihis ng pang gym.

I'm wearing a racerback black top and shorts and black rubber shoes.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon