Announcement
Tinapik ni Kai ang kamay kong balak kumuha sa dala niyang buffalo wings dito sa condo ko. Inis ko siyang nilingon dahil doon, si Luhan naman ay abala pa sa pag-titimpla ng inumin namin.
"Kung dinala mo 'yan dito at ipag-dadamot mo lang. Bibili nalang ako ng sa akin." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko para magpa deliver ng buffalo wings.
Hindi pa 'man rin nagri-ring ang tinatawagan ko, agad niyang hinablot sa akin ang cellphone ko. "Ano ba Kai?!" Inis na sita ko dito dahil sa ginawa niya.
"Bat hindi mo sinabi sa akin agad? Akala ko ba friend tayo?" Aniya at mukhang nagta-tampo pa.
Bahagyang humalakhak doon si Luhan at siya naman ang pinansin ngayon ni Kai. "Isa ka pa, Alam mo na pala hindi mo 'man lang sinasabi sa amin." Puna niya dito.
I just love Kai how he care for me, our friendship is really genuine. Hindi ko naman akalain na magiging mag-kaibigan kami nito.
"I told Luhan that he will not allow somebody to know my secret. I'm sorry, Kai." Punong sinseridad kong sabi.
Maagap siyang tumingin sa akin at bahagya pang umirap. At humalupkipkip at tumayo. "Tagal pa ba 'yan?" Puna niya kay Luhan at hindi pinansin ang sinabi ko.
Well, kung ako 'man rin ang nasa kalagayan ni Kai. Makakaramdam din ako ng tampo. Pero alam kong maiintindihan niya dito kung bakit ko 'yon ginawa.
"Kumuha ka na!" Aniya habang tinutulungan na si Luhan sa kitchen ko. "Alam mo namang hindi kita matitiis." Dagdag pa niya.
Ngumiti na ako dahil doon. "Antayin ko nalang kayo matapos diyan." Sagot ko at inintay nga sila.
Tumawag lang kasi siya kanina na kasama niya daw si Luhan at pupunta daw silang dalawa dito sa condo ko.
Habang si Sabrina naman ay tulog pa. Dahil tuwing tanghali ay nakagawian na namin ang matulog siya sa tanghali.
Natapos sila doon ay dumiretso na sila sa gawi ko. Ginawa nilang dalawa ay red wine na mayroong mansanas, orange at grapes na hinalo nila.
"Thanks.." mahinang sabi ni Kai ng iabot ko sakanya ang wine glass ko. "More apple." Suhestyon ko. Sinunod naman niya agad at tinanggap ko na ang baso.
"Iba din talaga trip mo, Kai. Katanghaliang wine." Aniya ni Luhan at umupo na sa pwesto niya.
Kumuha narin si Kai ng kanya at umupo na sakanyang pwesto. Kumuha narin ako ng buffalo wings at sinimulan ko ng kainin 'yon.
"Yuri made that." Aniya at kumuha rin. Tumingin agad ako sakanya habang nag-hihimay.
"Akala ko, Order mo." Sabi ko habang patuloy sa pag-kain. Umiling lang siya at nag-himay rin siya.
Marami kaming pinag-uusapan, na hanggang sa dumako na kay Tao at sa nangyaring 'yon sa show. Isang linggo makaraan ang nangyaring 'yon. Wala akong balita sakanya, hindi siya tumatawag o kahit anong paramdam ay wala.
"Years ago, I never had a chance to talk to him. Honestly, Ji. Ang laki talaga ng pinag-bago ni Tao, simula 'nong umalis ka bigla." Si Kai
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kung masaktan ba ako o ano. "Dumating naman si Zeberina, kaya alam kong maayos siya ngayon." Payak akong ngumiti matapos kong sabihin 'yon.
Tumikhim siya. "And how do you sure about that? Hindi ko nga alam kung saan at paano niyang nakilala ang babaeng 'yon." Si Kai
"Maybe... In bar? Diba lagi kayong nag-iinom 'non." Si Luhan at muling nag-salin ng wine.
Tumango agad siya. "Sagot naman niya eh. Dalas kaya namin mag-away ni Yuri 'non, akala nambabae ako sa bar kahit hindi naman." Aniya at ipinag-patuloy ang buffalo wings
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."