Chapter [54]

129 2 2
                                    

You'll be
[SPG]

"Ate, mag-pahinga ka muna. Kami nalang ni Mommy ang mag-babantay dito." Bahagya pang hinaplos ni Tiffany ang balikat ko pagka-tabi niya sa akin dito sa upuan.

Nandidito lang ako sa labas ng ICU, ayokong umalis. Hindi ko kayang iwan ang anak ko. Kahit nga sa pag-ihi o pag-inom ng tubig ay binibilisan ko.

"Hindi rin naman ako makakapag pahinga ng maayos. Kung ganito ang sitwasyon ng anak ko.." Sagot ko at huminga ng malalim.

Umalis muna sandali si Tiffany, dahil bibili daw muna siya ng pweding kainin. Kasama niya si Mommy at Luhan. Naiwan kaming dalawa dito ni Tao.

Parehas lang kaming nag-babantay dito, naka-upo kami sa itim na silya. Naka-halupkipkip siya habang naka-yuko, Simula 'nong isang gabi ay hindi parin siya umuuwi. Pirmis lang siyang nandito sa Hospital at batid kong hindi maayos ang nagiging tulog niya dito.

Lumapit ako sakanya at mahinang tinapik ang balikat niya. Inangat niya agad ang ulo niya at lumingon sa akin, Kagigising niya palang pero mukhang antok na antok parin.

Humawak agad siya sa kamay ko at braso ko. "Bakit? Bakit ano nangyari?" Tanong niya habang pumipikit pikit pa.

Ngumiti ako sakanya. "Umuwi ka muna, Mag-pahinga ka muna.." Sabi ko.

Umiling siya agad at pinag-siklop ang aming mga kamay. Tinitigan ko 'yon. "Hindi rin naman ako mapapakali, kapag umuwi ako. Dito lang ako, dito lang ako sainyo ni Sabrina." Sagot niya.

Tumango nalang ako sakanya dahil naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niyang umuwi, Kahit ako 'man ay ayokong umuwi. Gusto ko dito lang ako, dito lang.

"I'm sorry, Sorry Jiyeon.." Unti unti kong inangat ang tingin ko sakanya.

"Nangyari pa 'to kay Sabrina dahil sa akin. Hindi naman 'to gagawin ni Zeberin--"

Hinalikan ko siya sakanyang labi, hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Lumayo agad ako sakanya at binawi ang kamay ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at dumiretso ng tingin.

"S-sorry, Hindi ko dapat ginawa 'yon. Sorry." Nauutal kong sabi at tumayo. Mabuti nalang dahil palapit na ang doctor ni Sabrina sa amin.

Tumayo rin siya at lumapit sa doctor, Muli niyang inangkin ang kamay ko at wala na akong nagawa pa doon.

"Hinihintay ko nalang ang desisyon niyong dalawa, Sabrina is too young for the neurosurgery. We know that." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Wala na po bang other way para sa sitwasyon ng anak ko?" tanong ko. Nag-sisimula ng humapdi ang aking mga mata.

Parehas kaming tinignan ng doctor at huminga ng malalim. "Kapag nag-tagal pa sa ganoong sitwasyon si Sabrina, maaaring mauwi ito sa comatose, or els--"

"Please, don't say that. Please." Pigil ko agad sakanya dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"I'm sorry." Hingi niya agad ng tawad. "We'll talk to you later, Doc. Jiyeon and I will talk about this again." Singit ni Tao sa amin.

Tumango ang doctor sa amin at umalis na, kasama ang mga iilang nurse na kasama niya.

Binawi ko ang kamay ko at nag-suot ng gown, nag-lagay rin ako ng mask at pumasok sa kwarto ni Sabrina, na ICU Room.

Umupo ako sa puting silya dito at hinawakan ko ang kamay niya. "Anak.. baby ko." Sabi ko at hinalikan ang kamay niya. Nanginginig na ang labi ko habang pinag-mamasdan ko siya.

"Gising ka na, para hindi na gawin sayo 'yon." Matapos kong sabihin 'yon ay naramdaman ko ang kamay ni Tao sa aking likod. Kumuha siya ng puting silya at tumabi sa akin.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon