Drowning
"Thanks, Bro. I had a blast!" Aniya ni Kris dahil nagpapa-alam na sila ngayon. Pare parehas na kaming nasa labas nitong bar.
Akbay akbay niya ako. Bahagya ko siyang inamoy ngunit hindi naman siya amoy alak at hindi naman siya lasing katulad ni Kai! "Man! Ano ba. Umayos ka nga!" Inis na sabi ni Eunhyuk dahil akay akay niya si Kai na halos hilahin nalang nila.
"Mahal ako, ni Yuri. Mahal ako 'non!" Lasing na sabi nito.
Tinawanan na lamang siya ni Tao na naka-akbay sa akin. "You want to go somewhere else?" Tanong niya habang hinahaplos ang braso ko.
Lumingon ako sakanya. "Can I sleep to your condo?" Paalam ko.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang kasama mag-damag. Not that thing! But I just want to be with him always.
Napa-titig siya sa akin at kumunot ang noo niya. Ayaw niya ba? Well. It's okay..
"Are you sure?" Tanong niya. Dahan dahan akong tumango. "Kung ayaw mo naman ay ayos lang." sabi ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at nagpati-una ng mag-lakad. Ngunit sumunod agad siya sa akin at muli akong inakbayan.
"Hey. It's very okay." Natatawa niyang habol sa akin. Hindi nalang ako sumagot pa.
Sumakay narin kami sasakyan niya dahil anong oras na. Pinag-uusapan namin kung saan kami bibili ng mga gamit namin para sa palawan nga.
Though.. ang dami ko namang bagong damit na hindi ko nagagamit pero sabi niya bumili nalang din kami para just in case. Personal things ganoon.
Dumaan muna kami sa aking condo para kuhanin ang iilang mga damit ko doon at inilagay ko sa maleta. Pagka-tapos ay dumiretso na kami sakanyang condo.
Hila hila niya ang maleta ko habang naka sunod ako sakanya. Humahalimuyak parin ang amoy niya. Pinapaligo niya yata ang isang bote ng pabango niya eh!
Tumuloy na kaming dalawa at naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko. I remember that day, galit na galit siya 'non. The masquerade party. Dahil kay Talens.
"If you want to wash up, I'll give you a towel." Sabi niya at nag-tungo sakanyang kwarto para kumuha siguro ng tuwalya nga.
Sinara ko na lamang ang pinto at ni-lock 'yon. Tinignan ko ang oras at alas dose na pala ng madaling araw.
Lumabas siya ng kwarto niya na dala dala ang tuwalya. Kinuha ko 'yon sakanya at sumunod na sakanya patungo sa kanyang kwarto.
Naligo na ako at nag-palit ng kumportableng damit. Pag-labas ko ay siyang naka-upo sa dulo ng kama at nanunuod ng TV.
Naka-ligo narin siya at nakapag-palit narin ng damit. "Hindi ka pa inaantok?" Tanong ko at sinabit ang tuwalya sa sasabitan.
"I'm just waiting for you." Sagot niya at pumunta na sa pwestong kaliwa. "You want to watch?" Tanong niya.
Umiling agad ako doon. Pinatay niya na ang TV at tanging lamp shade nalang ang nag-sisilbing liwanag dito sakanyang kwarto.
Pumunta na ako sa aking pwesto at humiga na doon. Ganoon rin siya.
Saktong pag-harap ko sakanya ay siyang naka-harap din pala sa akin. Napa titig ako sakanyang mga mata na naka titig rin sa akin.
"Thanks for the cake." Sabi niya at bahagyang ngumiti. Sinamaan ko siya ng tingin na ikina-lapad naman ng ngisi niya.
"Are you insulting me?" Sabi ko at kinunootan ko siya ng noo.
Natawa siya ng mahina doon at umiling. "No.." Aniya at hinila ako palapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."