Chapter [48]

92 3 2
                                    

The breakdown

Tahimik lang ako habang patuloy sa pag-patak ang mga luha ko. Samantalang siya ay naka-yakap lamang sa akin, naka-sandal ako sa dibdib niya.

"Don't sleep, please.." Mahinang sabi niya habang hinahaplos ang braso ko.

Unti unti akong lumayo sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata. Pagod at pangungulila ang nakikita ko doon.

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya. "Sulitin natin ang oras na 'to, na tayong dalawa lang sa mundo.." Nag-tutubig ang kanyang mga mata. "Mayroon akong isang hiling.." Kumunot ang noo ko.

"Pwedi bang mag panggap na meron tayo ulit? Ngayon?" Aniya.

Tipid ko siyang nginitian at tumango tango. Kung pwedi ko nga lang ihinto ngayon ang oras ay gagawin ko agad. Kung pwedi lang...

"Alam mo? Sobrang spoiled na sa akin ni Sabrina. Lahat lahat ibibigay ko sakanya, barbie dolls, playground, a ballet class.." Pinag-masdan ko siya habang naka tingin sa kalawakan.

Muli akong ngumiti dahil sakanyang sinabi. "Tapos.. palagi kayong mag-tatalong mag-ama. Dahil parehas kayong matanong." Parehas kaming natawa ng sabihin ko 'yon.

Ang saya lang na iniisip naming dalawa ang mangyayari sa aming tatlo pag-magkakasama.

Hinalikan niya muli ang noo ko at hinaplos ang braso ko.

"Kung meron 'man akong babalikan. Kayo 'yon.. Ikaw.. at ang anak natin.." Pinunasan ko ang isang butil ng luha niya na pumatak sa pisngi niya.

Pero paano? Ayokong piliin niya kami. Dahil sa responsibilidad, ayokong masira ang future niya dahil sa akin. Dahil sa amin ni Sabrina.

Ngumiti ako ng mapakla habang nangigilid ang mga mata ko. "Iba na ang mundo natin, Tao.." Yon ang nasabi ko.

Napa pikit siya ng mariin at sunod sunod ang pag-patak ng luha niya. "Ikakasal ka na... Bubuo ka na ng pamilya mo." Sabi ko.

Sobrang sa sakit sa akin habang sinasabi ko ang katagang 'yon. Wala naman narin akong magagawa kung si Zeberina na ang mahal niya.

"You have Lance now..." Pagka-tapos niyang sabihin 'yon ay madiin niya akong hinalikan sa aking noo.

Mas lalo akong napa-hikbi.. Bakit? Bakit hindi niya maramdaman na pag-papanggap lang ang lahat ng 'yon? Bakit?

Umiling ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay habang sapo sapo ang aking magkabilang pisngi.

"Hindi.. hindi.." Mariin kong sabi at tinignan siya sakanyang mga mata.

Unti unting kumunot ang kanyang noo at halatang gulong gulo siya sa sinabi niya. "We're just acting because of our work.." Sagot ko at bahagyang naubo.

Wala akong ibang narinig sakanya kundi ang malutong na mura at pag-hikbi. Mas lalo akong naiyak dahil sa inasta niya.

Niyakap niya lamang ako ng mahigpit habang patuloy sa pag-iyak. Muli akong tumugon sakanyang yakap.

"I'm sorry, Jiyeon.. I'm sorry."

Hindi ko alam kung ilang oras kaming ganoon ang posisyon. Hindi namin napansin ang pag-tila ng ulan at unti unting pag-silip ng araw. Tapos na...

Tapos na.. ang mga oras na isa sa pinaka masayang oras sa buhay ko.

"Jiyeon! Jiyeon!"

"Tao! Baby! Where are you?!"

Umalis na ako sa tabi niya at sinuot ko na ang damit ko. Ganoon rin siya. Hindi ko siya magawang tignan sa kanyang mga mata.

"Jiyeon!" Unti unti akong lumabas sa baro barong ito. Sinalubong agad ako ni Lance at mahigpit na niyakap. Nandidito ang ibang mga stylist at talents. Pati si Mr. Chua

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon