Who's
"Jiyeon, please.. Anak." Yakap yakap ko lang si Sabrina habang patuloy si Mommy sa pag-tawag sa akin at pag-katok ng pinto.
"Please, Open the door. Anak... I'm sorry." Muli niyang katok.
Humiwalay sa akin si Sabrina at naguguluhang naka titig sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sakanya ang lahat. Gayong nalalaman na nilang lahat ang totoo.
"Jiyeon..." Muling tawag ni Mommy pero muli ko lang din niyakap si Sabrina. "Mommy.. Don't cry." Sabi ni Sabrina at niyakap ako ng mahigpit.
Mas lalo lamang akong tahimik na napa-iyak doon dahil sa sinabi ng anak ko. Kahit siya nalang ang matira sa akin, ay kuntento na ako doon. Hindi ko na kakayanin kapag nawala sa akin si Sabrina, hindi.
Ilang oras kaming nandidito ni Sabrina at hindi ko namalayan na parehas na pala kaming naka-tulog. Naka tulog ako sa kakaiyak kung kaya't sobrang sakit ng aking mga mata. Ang bigat bigat.
Sinilip ko si Sabrina na tulog parin hanggang ngayon. Napa ngiti ako at hinalikan ko siya sa kanyang noo. "I love you, baby.." Mahinang sabi ko at bumangon na.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto upang hindi magkaroon ng kahit anong ingay. Lumabas na ako at mahina ko 'yong hinila.
Nadatnan kong patay na ang mga ilaw dito ngunit sa kusina lang ang bukas.
Humugot ako ng malalim na hininga, Marahil umalis na silang tatlo dito. Dumiretso na lamang ako sa kusina upang kumuha ng malamig na inumin.
Pakiramdam ko kasi ay hinigop ako lahat ng mga iyak ko kanina. Ang bigat bigat parin nitong dibdib ko.
Nag-salin ako sa baso at dinala ko 'yon at umupo ako dito sa bar chair at dumukdok ako sa counter dito. Umiinit nanaman ang mga sulok ng mga mata ko.
Inangat ko na lamang ang ulo ko at umayos ako ng upo. "Fck you!" Sigaw ko matapos akong magulat dahil nandidito pa pala si Luhan. He looks so tired. Well, I am too.
Pumungay ang mga mata ko ng makita ko ang mga titig niya. "We talked...about everything." Panimula niya.
Sumimsim ako ng tubig na kinuha ko kanina. Humugot ako ng malalim na hininga. "Hindi siya nakinig, ayaw niya na akong pakinggan. She's really mad at me. Ji." Panimula niya.
Napa buga ako sa hangin dahil sa sinabi niya, Well. Obviously kasalanan ko naman ang nangyari kanina. Obviously kasalanan ko rin kung bakit mas lalo ng lumayo ang loob ni Tiffany sakanya.
"I'm sorry..." nanginginig labi kong sabat sakanya. Umangat ang tingin niya doon sa akin. "No, Ji.. no." Sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"I'm sorry for ruining your life, I'm sorry." Muli kong sabi pero umiling siya agad. "No, this is not your fault. Kasalanan ko pa nga kung bakit kayo nandidito diba? Pinilit ko kayong sumama sa akin. Now, don't blame yourself. Ji." Aniya
Hindi ako sumagot, hindi na ako makaiyak. Pakiramdam ko'y namamanhid na ako. Manhid na ang buong katawan ko.
Kahit 'noong wala pa naman akong anak, pakiramdam ko'y mag-isa na lamang talaga ako sa buhay dahil kahit close kami ni Mommy, ay iba parin 'yong hinahanap niya.
'Nong Graduation ko nga ng high school ay hindi ako naka akyat ng stage dahil late na siya pumunta. Mayroon kasing tumawag sakanya, tungkol sa nawawala niyang anak 'non.
Habang lumalaki akong kasama ko si Mommy, pakiramdam ko ay ako ang pinaka maling nangyari sa buhay niya. Kung nakakapili lang ng anak siguro ay ako ang hinding hindi niya pipiliin.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."