Last Touch
SPG"Ji!" Agad akong napa lingon sa tumawag sa pangalan ko. Kababa ko palang ng sasakyan. I'm wearing a champagne fitted high slit gown at inilugay ko lang ang buhok ko. Hindi naman ako masyadong pala make up.
Sila Chi sinalubong agad nila ako. Nag-tungo naman agad ako sakanila at hindi naman na naka iwas sa mga mata ko ang mga taong pinag-titinginan ako.
Habang papunta ako kila Chi, napa isip ako bigla. Naisip ko what if kung mag-kasama parin kami ni Tao. Siguro sa sasakyan niya ako ngayon bumababa, tapos mag-kasama kaming papasok sa venue then mayroong red carpet kaming lalakadan at may photographer na sasalubong sa amin.
I smiled bitterly because of that thought. Malabo ng mangyari 'yon, at hindi na mangyayari 'yon.
"Oh god, Girl! Buong akala ko hindi ka na a attend. Cuz you're not answering my text, my calls!" Bungad agad sa akin ni Chi.
Umirap nalang ako sakanya at mahinang napa tawa. Isa isa na kaming pumapasok sa loob ng venue dahil marami na ang tao sa loob. Iba't ibang department students ang nandidito.
Hindi ko alam kung nag-titipid ba ang school namin kung bakit sinabay kaming lahat ng isang araw lang.
Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti ng tipid sa photographer sa harap ko. Pagka-tapos 'non ay lumapit na ako kila Chi upang sumama sa kanila para sa reserved seats sa amin. Magkakasama ang mga Tourism Students at Hotel Restaurant Management Students.
Samantalang ang mga BSA, BSBA, Law at iba pa. Ay magkaka-lapit lang din.
Paupo na sana ako ng mayroon humawak sa aking braso. Umusbong agad ang kaba ko sa aking dibdib. Because he doesn't want a revealing clothes.
Lumingon agad ako at hindi naman pala siya..
Si Talens.
"Talens!" Kunwaring masayang bati ko dito. Hinila agad ako nito papunta sakanya at sandaling niyakap. "Grabe, wala na akong masabi. Hands down. Napaka ganda mo!" Aniya nito habang umaarteng nagha hands down nga.
Mahina ko na lamang siyang hinampas sa balikat niya. "Jiyeon will always be Jiyeon." 'yon na lamang ang sinabi ko.
Nag beso nalang kaming dalawa at umupo na ako sa table namin. Round table lahat ng tables dito at pinaka nakakakuha ng atensyon dito ay ang chandelier na sobrang laki at nasa gitna pa.
Nag dim na ang lights at sakto naman na nakikita kong umiilaw ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon at kumunot ang noo ko ng mayroon akong nakitang text niya.
Binasa ko agad ang text niya. Bahagya ko pang hininaan ang brightness ng cellphone ko upang hindi ako mahalata nila Chi.
Tao:
Nice gown.
Nakikita ko ang reaksyon ng mukha niya sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam kung rereplyan ko siya o hindi na. Dahil sinabi ko naman sakanya na no text, calls and emails na. Pero bakit ganito nanaman siya? It because na nakita niya kami ni Talens kanina? It because ganito ang gown ko? Oh God! Too assuming Ji! Stop.
Ako:
Thanks.
'Yon na lamang ang sinabi ko at binaba ko na ang cellphone ko sa harap ko at tinabunan ko 'yon ng pouch ko.
Nag-simula na ang program. Pinapanuod ko lang ang sumasayaw na dance troupe dito. Phoenix all starts what a name! Duh.
Nag-serve na rin ng pagkain at halos sabay sabay lang kaming natapos lahat kumain. Ngayon naman ay ang message ng mga deans bawat department.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."