Chapter [41]

75 3 3
                                    

I have

"Tao.." Halos hindi ko mai-kurap ang mga mata ko ng marinig ko ang boses niya at lumingon ako.

Naka-awang ang labi niya habang ang mga mata niya ay naka-pukol lamang sa akin. Hindi ko alam kung ikukurap ko ang mga mata ko o huhugot ng malalim na hininga.

Pakiramdam ko'y huminto ngayon sa pag-ikot ang mundo ko.

Umiinit ang sulok ng mga mata ko at nararamdaman ko nadin ang pamumula ng bibig at ilong ko.

Unti unti siyang lumalapit unti unti rin akong lumalayo. Nakaawang parin ang bibig niya. Did he heard everything? God!

Tumalikod na ako at tumakbo na pero mabilis niya akong nahapit sa aking beywang. Hinarap niya agad ako sakanya at kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Kunot na kunot ang noo at kilay niya

Kusang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. "Let me go!" Sigaw ko dito habang pilit na inaalis ang mga kamay niya sa akin. "Let me go!" Patuloy parin ako.

"Baby? Who's that?!" Sigaw niya ngunit hindi ko siya sinasagot. Pilit parin akong kumakawala sakanya. "I said, Let me go!" Sigaw ko muli dito habang umiiyak parin.

"Answer me!" Sigaw nito at nakikita kong pumupula ang sulok ng kanyang mga mata. Mas lalo akong naiyak dahil sa pamumula ng kanyang mga mata.

Pilit ko parin nilalayo ang sarili ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit ako ngayon natatakot. "Let me go!" Muli kong utos dito pero hindi niya ako pinapakawalan.

"Just answer my fcking question!" Sigaw niya parin tinutulak ko na siya habang umiiyak.

Pilit ko parin siyang tinutulak pero ang lakas lakas niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

"Hey! Hey! Bro!" Hinila agad siya ni Lance at tinakbo agad ako ni Lance. Ipinunta niya ako sa likod niya.

"Baby.." Mahinang tawag sakanya ni Zeberina habang yakap yakap siya nito. "Ano bang ginagawa mo Tao? Nasasaktan na 'yong Girlfriend ko. Ano bang problema mo?!" Nilingon ako saglit ni Lance at ibinalik kay Tao.

Namamanhid ang buong katawan ko sa takot. Palihim akong humihikbi habang pinag-mamasdan ko siya. Bakit hindi ko masabi? Dahil natatakot ako? Natatakot akong hindi siya maniwala sa akin? Fck!

"Umalis ka diyan, Lance! Jiyeon needs to answer my fckng question!" Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Punong puno ito ng mga tanong at galit.

Humarap sa akin si Lance at hinaplos ang pisngi ko. "You okay? Stop crying." Aniya nito at pinunasan ang basa kong pisngi. "Let's go home." Aniya nito tumango na lamang ako at hinapit niya agad ang beywang ko na para bang hahablutin agad ako ni Tao.

"Stop! Lance!" Sigaw ni Tao habang pinipigilan siya ni Zeberina. "Hush, Baby.." Si Zeberina na patuloy parin sa pag-awat kay Tao.

Habang nag-lalakad kami palabas nitong company. Hinablot niya si Lance kung kaya't nag-kalayo kaming dalawa.

Nilapitan ako ni Tao at hinawakan ang mag-kabilang braso ko ng madiin. Ngumiwi agad ako dahil sa higpit ng yakap niya.

"Answer me, Jiyeon! Answer me!" Sigaw niya at pag-tapos ay bigla na lamang siyang bumuwal.

Tumuli ako dahil doon. "Tao! Ano ba problema mo?!" Sigaw ni Lance. Mabilis na tumayo si Tao at sinuntok din si Lance

Tumili agad ako doon at pinuntahan ko agad si Lance. "Are you okay? Lance.." Umiiyak kong tanong at tinulungan siyang tumayo.

Dumating na ang mga security guards at doon na ako inalis ni Lance doon. Umiiyak parin ako ng maka-rating na kami sa parking lot.

Sumakay agad ako sa sasakyan ko at siya na ang nag-prisintang siya na ang magda drive.

"What was that Jiyeon? Are you okay?" Tanong niya at nag-simula ng mag-drive. Inabot niya sa akin ang tissue box at kumuha naman agad ako doon.

Hindi ko magawang sumagot. Pakiramdam ko'y nabibingi ako ngayon, tanging ang mga mata at emosyon niya lang ang pa-ikot ikot sa aking isipan.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak, hindi ko alam kung bakit natakot ako. Natakot akong malaman niya ang totoo. What if kung kuhanin niya sa akin si Sabrina at ilayo na lamang sa akin at hindi na ipa-kita sa akin.

"Jiyeon, You want to eat? Suggest something. Natatakot na ako sayo." Sabi ni Lance at bahagyang hininto ang sasakyan sa tabi. Malayo layo na kami sa company.

Humikbi ako at kumuha muli ako ng bagong tissue sa tissue box.

"Bakit ba siya nagalit? Did you say something to him? That he will be mad about him? Like his ex?" Lumingon ako sakanya at palihim na lumunok.

"You mean, Anna?" Aniya ko. Umiling agad siya. "Wait. How do you long know him? Wait and who's Anna?" Tanong ni Lance.

Hindi ako sumagot, tumingi  lamang ako sa harap. "I hardly knew Tao, siya kasi umayos ng kaso ng Mommy ko 'non. We've been friends for years and now." Sabi pa ni Lance.

Hindi ako sumasagot habang nag-sasalita siya. Nawala yata ang lahat ng lakas sa aking katawan.

"Ji. Why did he suddenly mad about you? Did you do something or did you say something?" Aniya at humarap sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa mga tanong niya sa akin. "Did you bring up his past?" Hindi ako kumibo.

"Lance, I think we should stop this scene. Itong pag-papanggap natin." Sabi ko ng hindi siya nililingon.

Ramdam ko ang pag-lingon niya sa akin at pag-kunot ng noo niya. "What? Jiyeon why? This is the reason kung bakit gumaganda ngayon ang career mo. Think about it wisely." Sagot niya.

Bumuntong hininga ako. "Mayroon na akong anak, Lance." Matapang kong sabi at humugot ng malalim na hininga.

"I have a child." Sabi ko.

Tumahimik ang buong paligid. Tanging buga lang ng aircon ang naririnig dito sa loob ng sasakyan ko.

"What did you say? Child? You have a child?" Halos hindi niya makapaniwalang tanong.

Dahan dahan akong lumingon sakanya. Humugot ako ng malalim na hininga. "Yes, I have a child. Lance. I have." Sagot ko ng hindi kumukurap sakanya.

"That's why, I want to stop this scene. Ayokong nag-papanggap. Hindi mo ako gusto at hindi rin naman kita gusto." Sabi ko at pinunasan ang mga mata ko na basa dahil sa mga luha.

"Jiyeon... I can't." Kunot noo ko siyang nilingon. "I just can't lose you." Sagot niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "May anak ako, Lance! Hindi mo ba naiintindihan 'yon?!" Inis kong bulyaw dito.

"I don't care! Jiyeon. I don't care! I just can't lose you!" Sigaw niya at hinawakan niya ang likod ng ulo ko at madiin akong siniil sa aking labi.

**

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon