Chapter [34]

72 4 3
                                    

Welcome back

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa tuwa, Nag-tatalon ako at tumili. "Luhan! Luhan!" Tili ko at tinatakbo ang pinto ng kwarto niya.

Pipihitin ko na dapat ang doorknob pero bumukas na agad ang pinto. At kunot na kunot ang noo ni Luhan na sumalubong sa akin.

"Jiyeon! What happened?! Why?!" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa akin.

Napawi ang tuwa ko at galak ng makita ko ang naging reaksyon niya. "Bat ganyan itsura mo?" Kunot noo kong tanong at kinalma ang aking sarili.

Mas nanlaki pa ang mga mata niya sa akin at nangunot ang noo. "You scared me!" Aniya.

Hinawakan nito ang braso ko at hinila ako paupo sa sofa dito. Umupo kaming dalawa at sumenyas na sabihin ko na ang tinitili tili ko kanina. "You know Elle Magazine, right?" Kahit panimula palang ay sabik na sabik na ako.

Dahan dahan siyang tumango. "Yup.. why?" Tanong niya na naka kunot parin ang noo.

"They want me to model their company. I don't know why, They just email me." Sabi ko.

Ngumiti agad ito sa akin at hinila ako. "Oh, Congrats Jiji!" Aniya nito sa akin at bumitaw sa yakap.

Pinag-usapan parin namin ni Luhan ang tungkol sa Elle Magazine na nga 'yon. Though hindi ko naman talaga ine expect na makukuha ako don dahil nag baka sakali ako 'nong screening nila.

Gusto ko narin kasi mag-hanap ng trabaho gayong lumalaki na si Sabrina, hindi naman pweding naka asa nalang kami lagi kay Luhan. 

Sa pagpa plano naman niyang muling bumalik sa pilipinas ay sinuportahan ko na siya. Dahil 'nong umalis ako ay siya ang kasa-kasama ko. Ang sama ko naman siguro kapag hinayaan ko siyang mag-isang umuwi diba?

And besides.. handa naman narin ako kung ano ang mangyayari sa akin sa pilipinas pag-balik ko. Kung magkita 'man kami. Ayos lang, I will act normal. Dahil ako naman ang umalis sa agreement namin na 'yon. Well, We're just fckbuddies. Kahit nasaktan ako ng sobra sakanya. Ikakasal naman narin siya, hindi na ako papasok sa buhay niya.

Pero hindi ko rin alam. Yes, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Lalo na't nabigyan niya ako ng anak. Kamukhang kamukha siya ni Sabrina, ang nakuha lang yata sa akin ni Sabrina ay kulay ng kutis.

"Sasabihin mo sa media na mayroon ka ng anak?" Tanong nito ng salinan ng juice itong baso ko.

Maagap akong umiling. "I want a peaceful life for my Sabrina, ayokong maging magulo ang buhay niya dahil sa showbiz." Sagot ko.

Tumango tango siya. "You still not decided?" Tanong niya at nag punas ng bibig niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. I really don't know if that's what's the best for my daughter. Oh? Iniisip ko lang ang sarili ko kung kaya't ganoon ang dahilan ko?

"Para saan pa ba para umuwi kami, Luhan?" Aniya ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi. Hindi ko kasi makuha kuha ang dahilan kung bakit pati kaming mag-ina ay uuwi?

It is because dahil ama niya si Tao? What? Ano? Kapag umuwi ba kami sasabihin ko agad sakanya tapos tatanggapin niya agad kami? He's getting married! Kung pipiliin 'man niya kami o ako. Ayoko dahil lang sa responsibilidad.

"Of course! He's Sabrina's father. And besides nagi guilty narin ako, Jiyeon. Tao and I are bestfriends. Tapos alam ko kung nasaan ang mag-ina niya? Come on, Ji." Sagot niya

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "And you surely believe na tatanggapin niya kami? He will surely believe na anak niya si Sabrina? Luhan. I know, Tao. I know him. Hindi siya basta basta manini--"

"Unless, you said it. He will believe it." Sabat niya na nakapag patahimik sa akin.

"Come on, Ji. We've been friends for so many years. Alam ko na size ng brief at boxers niya. Trust me." Seryoso niyang sabi.

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niyang 'yon. Nag-patuloy lamang kami ni Luhan sa pag-usap tungkol nga doon sa pag-uwi din namin ni Sabrina.

Lumipas ang isang buwan, napag desisyunan ko na sumama na ako kay Luhan pauwi sa pinas. Hindi, hindi ko mamadaliin ang mga bagay bagay. If he will know about Sabrina, then go. Wala akong pipigilan o kahit ano.

"Are you ready?" Tanong ko kay Sabrina. Lumingon siya sa akin. "Why are we going to Philippines?" Tanong niya.

Tinitigan ko siya habang nag-lalaro ng pink na teddy bear na binili sakanya ni Luhan. "I don't have friends there." Sabi niya pa.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Mas pinili ko na lamang ang hindi sumagot sa mga tanong niya, dahil wala pa akong nakukuhang sagot.

Bahala na.

Bumukas ang pinto at sumilip doon si Luhan. "The cab, is waiting for us. You guys need help?" Sabi niya at tumuloy pumasok.

Nai zipper kong mabuti ang maleta at hinaba ko na ang handle. "Jiyeon, mauna na kayo doon ni Sabrina." Tumango tango ako.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at inakay na si Sabrina papunta sa cab na nag-hihintay para sa amin. Kasunod na namin si Luhan.

Sumakay na kami, sa passenger seat kaming dalawa at si Luhan naman ay nasa shotgun seat. Nag-uusap lang sila ng Driver samantalang ako naman ay tinitignan ko lang ang mga nadadaanan naming building.

Patungo kaming airport ngayon. Kahit buo na ang desisyon ko, hindi ko padin hindi maiwasan mag-dalawang isip kung tama ba ang naging desisyon kong 'to.

Hindi kilalaunan ay dumating narin ang boarding namin. Tabi tabi kaming tatlo sa seat nasa gitna namin si Sabrina.

Naka-sandal ito sa balikat ni Luhan habang mahimbing na natutulog. Sinilip ko si Luhan na napupungay narin ang mga mata.

Sinuot ko na lamang ang salamin ko at humalupkipkip. Nasa gawing bintana ako kung kaya't pinag-masdan ko na lamang ang kalawakan.

This will be new for Sabrina, Makikilala niya na si Mommy at ang mga kaibigan ko. And I hope.. Tao, too.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Sa ngayong nangyari na ang araw na 'to. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin o mangyayari sa aming tatlo.

"Someone's can't sleep." Napa lingon ako kay Luhan na naka ngisi habang mayroong tinitipa sa cellphone niya.

"Gago.." 'yon na lamang ang nasabi ko na ikinatawa niya.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon