You're nothing
Nagising ako dahil sa bigat na naka dagan sa aking tagiliran, Lumingon ako sa kanya. His body covering mine. Balot na balot kami ng puting comforter.
Hindi ko alam pero napa ngiti ako bigla, gumalaw ako at napa dilat siya ng kanyang mga mata. Humarap ako sa kanya at sumiksik sa kanyang dibdib.
"Hmm.." Himig inaantok parin siya.
Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalo niya akong isiniksik sa kanya. "Morning.." Husky voice I heard from him.
I gave him a kiss on his lips, as a reply of his Good Morning, Napa dilat siya ng kanyang mga mata pero hindi ko lamang 'yon pinansin. Yumakap na lamang muli ako sa kanya.
Pang apat na araw na namin dito at bukas ay uuwi na kami. Sabihin ko nalang sa kanya na sulitin na namin mamaya na kahit kaming dalawa lang. O kaya'y ako nalang mag-isa.
Dahil sa nangyari sa amin kagabi ay hindi na namin pang nagawang lumabas para sumama muli sa mga kaibigan niya. Pagod na pagod kami kagabi.
Dalawang oras pa ang lumipas ng mapag pasyahan na naming bumango na dalawa. "I should order our breakfast." Sabi niya habang pumipindot sa telepono.
Kinuha ko na ang puting tuwalya ko at kumuha ako ng pampalit ko. Pumasok na ako sa banyo at nilock 'yon.
Binuksan ko ang shower at lumagasgas na sa aking katawan ang maligagam na tubig. Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi.
Kapag kami na talagang dalawa ay wala na pala talaga kaming pakielam sa mga bagay na naka paligid sa amin. Last night was very amazing.. I was very amaze..
Natapos akong maligo ay dito narin ako nag palit ng damit at pagkatapos ay lumabas na ako. Pagka labas ko ng banyo ay nakita ko ng naka handa na ang blower, napa ngiti nalang ako bigla.
"Five minutes pa daw." Sabi niya kung kaya't lumingon agad ako sa kanya na naka upo sa single couch doon. Habang mayroong tina type sa kanyang laptop.
"Oh.. Okay." Sabi ko at sinimulan ng gamitin ang blower. Sumasabog sa mukha ko ang aking buhok at agad ko naman 'yong hinahawi.
"Why do girls blow they hair?" Pinatay ko ang blower dahil tapos na ako. Sinuklay ko na lamang ang aking buhok gamit ang roll brush dito.
"Why do boys wax they hair?" Balik tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang pag-tawa niyang mahina. Nilingon ko siya at natatawa tawang naka tingin sa screen ng laptop, lumapit naman ako sa kanya doon.
Napansin kong naka connect ang camera niya patungo sa kanyang laptop dahil sa connector nito.
Bahagya siyang umasog paatras at umupo ako sa kaliwang tuhod niya. Niyakap niya sa akin ang kaliwang braso niya.
"Picture ko 'yan ah?" Tanong ko ng makita ko ang picture ko. Ito 'yong gabing magka sayaw kaming dalawa.
Hindi ko alam pero parang mayroon akong naramdamang kakaiba sa larawang ito, ito 'yong gabi na iba ang lahat, na parang kami lang dalawa ang tao sa mundo, na mas maganda pala ang slow dance kesa sa bar dance.
"That time everything was different, very different." Mahinang sabi niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sasagot dapat ako ng mayroong kumatok sa pinto. Tumayo naman agad ako mula sa pagkaka-upo ko sa kanya.
"I think.. that's our breakfast." Komento ko.
Tumango naman siya at inayos ang buhok niya. Ngayon ko lang napansin na naka boxer shorts lang siya!
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."