Truth
"Bye, Mommy." Paalam ni Sabrina at kumaway pa ito sa akin bago lumabas na ng pinto. Si Kip ang nag-pasyang mag-hatid ngayon sa anak ko.
Si Mommy at si Tiffany ay nandidito sa bahay, wala naman akong ginagawa pero tamlay na tamlay ako. Alam narin nila ang nangyari 'nong isang linggo dito sa bahay. Sinabi ko sakanila ang lahat.
Naiitindihan nila kaming dalawa ni Tao, pero mas naiintindihan nila si Tao kung bakit sinabi at ginawa niya 'yon. Well, I am too. Alam ko naman na masakit ang nagawa ko sakanya. He did everything for me, for us. Pero ano? Paulit ulit ko lang sinasayang palagi 'yon.
Tahimik akong bumangon mula sa aking kama at tinungo agad ang aking banyo para maligo at mag-bihis, pagkatapos. Lumabas na ako at nakita ko naman si Mommy at si Tiffany na nag-uusap at mayroong tinitignan sa cellphone niya.
"Ji, Anak.. We'll prepare some italian pasta for our lunch. Want some other dish?" Tanong ni Mommy ng makalapit ako sa kanila.
"Mommy, I want some shake." Yon ang lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko nga nasagot ang tanong niya. "What kind of shake ate?" Tanong ni Tiffany at bahagyang nag angat ng tingin sa akin.
"Some sour and sweet? I think." Sagot ko at lumapit sa gawi nila.
"I'll prepare Jiyeon's want. Then, Tiffany you cook italian pasta." Sabi ni Mommy. Hindi naman nag reklamo doon si Tiffany.
"I'll make chicken wings." Suhestyon ko.
Wala naman kaming okasyon ngayon, siguro'y nasanay nalang kami na every week ay ginagawa namin ito palaging tatlo. This is how we bond as a family, we cook.
Nag pony ako ng aking mahabang buhok, at sinimulan ko na ang gagawin ko. Kumuha ako sa refrigerator ng parte na wings at drum sticks ng manok.
"Pupunta rin pala si Luhan dito." Sabi ni Tiffany
Bahagyang uminit ang aking puso, pupunta kaya siya? Makikita ko ba siyang muli?
Isang linggo, isang linggo ko na siyang hindi nakikita, hindi nakakausap. Tanging si Sabrina lang ang nakakausap niya at nakikita.
Ang sakit, ang sakit sakit. Totoong, pinalaya niya na ako. Totoong iniiwasan niya na ako, totoong wala na siyang pakielam sa akin. Totoong...
Hindi na ako magiging parte ng buhay niya. Dahil mag-babago na ang mundo niya, malapit na 'yon.
Higit isang oras ng matapos kami sa pag-luluto, naka-ligo narin kaming tatlo ulit. Ininit kasi kaming tatlo 'nong nag-luto kami.
Hinihain nanamin ang mga niluto namin sa dining table, pati narin ang ginawa sa aking shake ni Mommy. Nagawa ko ang iba't ibang flavors ng chicken wings, si Tiffany naman ay Italian Pasta, at si Mommy naman ay baby back ribs barbecue.
"We're here!" Napa lingon agad ako sa nag-salita, tinignan ko agad ang pinto ngunit wala siya doon.
Si Luhan, At si Kai ang nandidito ngayon. Napa hinga na lamang ako ng malalim at nag-lagay na ng mga plato, kutsara at baso.
"Ay, akala mo kasama siya." Harot agad sa akin ni Kai pero inirapan ko na lamang siya.
Kaming dalawa ang tabi ngayon, si Tiffany at si Luhan ay ang nasa tapat namin. Sa gilid nila si Mommy.
"Alam mo, This is Tao's favorite. Well, Lahat naman siguro ng kayang iluto ni Ji. Favorite 'non." Sabi ni Kai habang nag-pipiraso ng chicken wings.
Mahina na lamang doon napa hagikgik si Luhan saka si Tiffany. We all know, Kai. Sadyang ganito lang talaga siya, mas pinipili niya na pagaanin ang paligid kesa mas lalo niya pang pa-lungkutin 'yon.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."