Eyes on me
Mas nauna akong umuwi ng Manila kaysa sa kanila, dahil 'yon ang nakalagay sa ticket ko. Kalalabas ko lang ng terminal 2 at hindi ko alam kung ano ang gagawin kong kilos.
Ang bigat bigat nitong dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula, kung saan ako pupunta.
Ibinigay ko ang mga naiwan niyang gamit sa mga kaibigan niya. Dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang makausap o makita 'man lang.
Dumiretso ako sa bahay namin nag-pasundo ako sa driver ko. Pagka-rating ko agad doon ay hinanap ko agad si Mommy ngunit wala siya.
"Amina na po, gamit niyo. Ma'am." Sabi ng isang katulong doon. Wala sa sarili kong binigay ang mga 'yon sakanya.
"Where's mom?" Nanghihina kong tanong. "Umalis po, Ma'am. Mayroon daw siyang hahanapin." Sagot niya.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sakanya. Wala sa sarili kong tinungo ang kwarto niya. Unti unti kong pinihit ang doorknob nitong pinto ng kwarto niya.
Pumasok ako doon at walang nag-bago. Dumiretso ako sa closet niya at binuksan ko 'yon. Mayroong itim na kahon doon at kinuha ko.
Nanginginig ako habang dala dala 'yon patungo sa aking kwarto. Ito ang sagot sa lahat ng mga tanong ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ko 'yon. Inilapag ko 'yon sa aking kama at inalis ang takip 'non.
Puro mga litrato ng mga kabataan niya doon. Maging ang picture ni Daddy ay nandodoon pati narin ang akin. Pero nangunot ang noo ko ng mayroong isang baby picture doon.
Probably it's not me dahil hindi naman ako 'yon.
Tao's father raped me when I was in elementary, at hindi ako pinaniwalaan ni Mommy doon kahit kailan. My Mom ruined Tao's family.
Kaya ba ginawa niya akong fckbuddy dahil gagantihan niya ako? Ginagantihan niya ako?
Napa tingala ako at hinayaan kong tumulo ang aking mga luha sa aking pisngi. This past few days.. gusto ko na.
Gusto ko ng maniwala na totoo na lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sa akin. The way he touched me, the way he kissed me. The way he said those words to me.
Ang sakit.
Bakit ako nasasaktan gayong ang gusto ko naman talaga una palang ay si Luhan? Baka gusto ko lang siya dahil gusto ko lang siya. Fck!
Pilit akong nag-susumbong 'non kay Mommy pero hindi siya naniniwala sa akin. Pilit niyang sinasabi na kaya ko lang 'yon sinasabi sakanya ay dahil hindi ko tanggap ang Ama ni Tao!
I wonder if he knew what his father did to me. Marahil siguro'y Oo? Diba.
Nandidiri ako.
Nandidiri ako ngayon sa buong pagka-tao ko! Sa sarili ko.
The screams, the scratches, the tears! Fck. Everything is so vivid! Muli ko nanaman naalala ang pangyayaring 'yon.
Ako lang ang mag-isang nagpa therapy sa aking sarili 'non dahil hindi ako pinaniniwalaan ng lahat!
Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, hindi ko na alam kung sino ang tatakbuhan ko. Dahil wala. Wala akong kakampi sa mundong ito.
Kaya pala ganoon nalang ang asta niya 'nong nag-kita sila ni Mommy sa condo ko. And My mom didn't notice him? Fck.
Paano niyang nagawa ang lahat ng 'to? Planado niya ba ang lahat ng 'to? Sa bar. 'yong una naming pag-kikita? Sinadya niya ba 'yon?
Lahat ba ng nangyari sa amin ay planado niya lahat? Dahil siguro'y gusto niyang ipag-higanti ang Ina niya?
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."