Chapter [57]

73 1 1
                                    

Begging

"Sige, mag-ingat ka." Yon nalang ang sinabi ko ng mag-paalam siya sa akin na mayroon siyang gagawin sa opisina niya. Mamaya pa naman ang discharge ni Sabrina.

Pero ako ang mag-babayad ng hospita bills mayroon naman akong ipon kahit papaano.

"Just call me, if you need anything." Sabi niya.

Seryoso niya akong tinititigan, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba 'yon sa pag-uusap namin kagabi? Nagka-intindihan ba kami kagabi? Tingin ko naman ay oo.

"Okay.." Sagot ko. Tumango na lamang siya at hinalikan ako sa aking noo ng madiin.

Hindi ako kumibo. Pinag-masdan ko na lamang siyang lumabas ng kwarto ni Sabrina.

Pagka-labas niya ay muli na akong bumalik sa pag-aayos nitong mga gamit na i-uuwi namin mamaya sa condo ko. Bahagya kong hininaan ang tv dito dahil parehas na tulog si Chi at si Sabrina.

Tumunog ang cellphone ko at dinukot ko agad 'yon sa aking bulsa. Tatlong text mula kay Tao, kay Lance at sa company.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at ang una kong binasang text ay mula kay Tao.

Tao:

I'm one call away, Okay? Just call me. Please. If you need anything.

Parang mayroong bumara sa aking puso ng mabasa ko ang text mula sakanya, Hindi ko alam kung bakit? Para bang nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya, Hindi ko maipaliwanag naguguluhan ako.

Mayroong parte sa akin na naniniwalang mahal niya talaga ako, mahal niya kami ni Sabrin. Mayroong parte sa akin na naguguluhan siya ngayon sa sitwasyon namin.

Ngayon ay maayos kami. Pero paano mamaya? Paano bukas? Sa isang araw? Sa isang linggo? Sa isang buwan? Sa isang taon?

Hindi ko nga sigurado, kung mayroon pa kami ni Tao sa mga susunod na araw. Kung ganito parin kami, ayoko parin umasa na kami ang pipiliin niya. Ayoko. Natatakot na akong masaktan muli.

Sunod kong binasa ay ang text mula kay Lance. It's been a long week, since 'nong huli kaming mag-kita. Pagkatapos ng operasyon ni Sabrina 'non ay hindi ko na siya nakausap pang muli o nakita 'man lang.

Lance:

Can we talk? This is important. It's about you and me.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinindot ko nalang ang delete message. That is rude, I know. Pero ayoko nalang kasi ng kung ano pa.

Wala naman talagang kami. We're just acting dahil sa sinabi lang ng company na pinagta-trabahuhan naming dalawa.

Sunod kong binasa ay ang text mula sa company. Text mula kay Mr. Chua

Mr. Chua:

Jiyeon, Your side and our side. Already know the truth, We will be having a private meeting. Between you, Lance and Zeberina. That is your scandalous night. Hope you make it right. Thanks.

Napa buga ako sa hangin dahil sa aking nabasa, Well. Yes, hindi ko pa nga nakakausap ang management tungkol doon sa nangyaring 'yon dahil naging magulo ang lahat 'non.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon