Goodbye
"You rebooked our tickets?" Nabigla kong tanong kay Mommy habang kausap siya sa cellphone. Tinawagan niya kasi ako ngayon na iniba niya ang book ng flight namin ni Sabrina.
"Yes, your sister and I want to go with you two in Sydney." Sagot naman niya.
Well, Hindi naman ako nadismaya. Maayos naman 'yon sa akin at wala naman problema. Nakakagulat lang.
"Oh, okay. Mom." 'Yon nalang ang nasabi ko. Ibinaba niya na ang tawag dahil 'yon lang daw ang sadya niya kaya siya tumawag sa akin.
"Sabrina, are you done?" Tanong ko dito at pinuntahan siya sa kwarto ko. Naabutan ko naman siyang nag-susuklay parin ng mahaba niyang buhok.
"Mommy, Should we go to hair salon? I want cut my hair short." Sabi niya habang nag-susuklay parin.
Lumapit ako sakanya at pinanuod siya sa reflection ng salamin, naka-nguso siya at mukhang naiirita nga sa haba na ng buhok niya.
Sabado ngayon kaya't mag-grocery kami. Pagkain narin namin papuntang airport para makabawas gastos. Saktong sakto lang kasi ang pera ko para sa aming dalawa ni Sabrina.
"Okay, If that's what you want. We'll cut it short." Sabi ko at hinalikan siya sakanyang pisngi. Nilapag niya na ang hairbrush at ngumiti na sa akin.
Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na kami ng kwarto. Dumiretso na kami sa main door at binuksan na ni Sabrina 'yon.
"Dada!" Hiyaw niya. Natulala ako dahil nandidito siya.
Hindi nanaman niya ako tinapunan ng tingin at binuhat niya agad si Sabrina. "Where are you going?" Naka ngiti niyang tanong sa anak namin.
Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa nandidito siya at hindi ako pinapansin. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya't kumapit muna ako sa doorknob.
"Mommy and I we'll go to groceries store and to hair salon. I want my hair to be short. Can you come with us Dada?" Naka ngiting sabi ni Sabrina at humalik sakanyang pisngi.
Bahagya akong nanganga ng tumitig siya sa akin pero agad naman niya 'yong inalis. Okay, I understand.. alam ko. Masakit, ramdam ko. Tanggap ko kung galit na galit siya sa akin ngayon.
Tahimik lang ako dito sa loob ng sasakyan niya, sila lang dalawa ni Sabrina ang nag-uusap at minsan naman ay kapag tinatanong ako ni Sabrina doon nalang ako nag-sasalita.
Hindi ko namalayan na, naka-hinto na pala ang sasakyan niya at bumaba na kaming dalawa. Pinuntahan niya agad si Sabrina at pinag-buksan niya ng pinto.
Sumunod na lamang ako sa kanilang dalawa, nandidito na kami sa groceries store. Si Tao ang nag-tutulak push cart at naka upo doon si Sabrina sa maliit na upuan.
"Sabrina, you want this?" Tanong ko sa anak ko habang naka-sunod silang dalawa sa akin.
Mas papaboran ko na lang siguro ang hindi pag-pansin at pag-kausap sakanya. Alam ko naman na masakit ang ginawa ko sakanya, talagang masakit.
He sacrificed many things just for me, I know that he is really inlove with me at ganoon rin naman ako. Pero hindi ko lang talaga makakaya kapag mayroong ginawa si Zeberina sakanyang sarili at sa magiging anak nila.
Tumango doon si Sabrina. "Maybe, you should ask Dada too, Mommy." Sabi ni Sabrina.
Napa luhok ako at nilagay ko na lamang ang strawberry biscuit sa cart. Nag-uusap lang silang dalawa ng kung ano ano habang naka-sunod sa akin.
Minsan nga ay mayroon na akong naririnig na bulong o di kaya'y pinag-mamasdan kami ng ibang tao dito sa store.
Mas lalo naman siya, mapa-bata o mapa-tanda ay nababali ang leeg kapag nadadaanan niya. Naririnig ko nga minsan na sayang daw mayroon na atang anak. O di kaya'y payag sila kahit mayroong anak si Tao.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."