Chapter [30]

114 3 2
                                    

Goodbye

"Congratulations, Miss Steph. Ang ganda ng anak niyo at ang talino pa!" Bati ng prof ko sa kay Mommy. Though siya ang kasama ko ngayon sa Graduation pero hindi naman kami nag-uusap.

Kinakausap niya ako pero tanging Tango lang ang sinasagot ko sakanya. Pumutok narin ang balita na kapatid ko sa Ina si Tiffany. Wala naman akong pakielam sa mga sinasabi ng ibang tao.

And Luhan's always on my back and comforting me. Pero wala na akong maramdaman na kilig or kahit ano.

"Huwag ka mag Flight Attendant, Jiyeon. Mag Artista ka nalang tulad ng magandang Mommy mo!" Sabi niya pa.

Payak akong ngumiti sakanya at hinarap siya. "Edi sana hindi nalang ako nag-aral ng ilang taon." Bara ko sakanya at lumayo na sakanilang dalawa.

Kasama namin ngayon si Tiffany together with her fake parents. Also with Luhan pero hindi ko siya ganong kinakausap dahil halatang halata naman ang pag-seselos ng dati niyang kapatid na gustong gusto na siya ngayon. Duh!

"Jiyeon!" Napa lingon ako sa tumawag sa akin. Mommy pala ni Chi. Ngumiti agad ako sakanya at lumapit.

"I thought we're late, Si Chi kasi hay nako!" sumbong agad nito sa akin kung kaya't tinignan ko si Chi na umirap at umiling iling na lamang.

Nandidito kaming mga magka-kaibigan pati narin ang parents nila. Lumapit sa amin ang nerd na photographer para kuhanan kami ng litrato.

Ang daming kinuha sa aming pictures ng photographer, mayroong serious, wacky, naka-talikod at candid. Pagkatapos ng picture na 'yon ay mga nagkwentuhan na kami kung ano ang magiging balak namin pag-tapos ng Graduation at Graduation Ball.

"Ji!" Napa lingon ako sa tumawag sa akin. Nangiti agad ako at natawa na.

Si Kai! Hindi ko alam kung bakit naging sobrang close kami ng gagong 'to! Umakbay agad ito sa akin at nag-picture kami gamit ang cellphone niya. "Ganda mo ngayon ah." Bati nito at umalis na sa pagkaka-akbay.

"Ngayon lang?" Aniya ko at tinitigan siya. "Oo, ngayon lang." sagot niya at natawa.

Hinampas ko siya sa balikat niya at natawa rin. "Wait, Girlfriend ko. Si Yuri." Ngumiti sa akin si Yuri, tipid na lamang akong ngumiti sakanya.

Tiffany's friends and I are okay. Naintindihan nila ako kung bakit ganoon ang pakiki-tungo ko sa kaibigan nila. Hindi na nila ako inaaway o kung ano pa 'man. Kapag mag-kasama naman kami ni Tiffany sa bahay ay hindi naman kami nag-kikibuan. Kinakausap niya ako pero nilalayasan ko lang siya.

Hindi ako sanay makipag-plastikan. Kaya umaalis nalang ako kesa mag-away pa kaming dalawa.

"Buti naman. Your dreams came true." Pang-aasar ko sakanya. Natawa doon si Yuri.

Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Kai matapos kong sabihin 'yon. Subalit nakaramdam agad ako ng pagka-hilo kaya huminto ako sa pag-tawa.

Mariin akong pumikit at muling idinilat ang mga mata ko. Marahil sa sobrang puyat ko 'to. Nag face time pa kasi kami kagabi nila Chi tapos kung ano ano pa ginawa ko.

"Hoy, Okay ka lang? Padating naman nadin siya eh." Aniya ni Kai.

Sinapok ko agad ang braso niya. "Bakit? Hindi ko naman siya hinihintay. Gago ka ba." Sabi ko dito at tinalikuran na siya.

Sa pag-banggit sakanya ni Kai, nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib ko at parang nanlalamig ang tiyan kong nangangati na hindi ko alam. I still get excited to him. Everytime I heard his name, about him.

At hindi ko alam kung hanggang anong oras matatapos ang Graduation na 'to. Dahil lahat ng course ay sabay sabay na ga-graduate ngayon.

"Alright, Students and Respective Parents please proceed to our gymnasium." Sabi ng Organizer doon.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon