Chapter [63]

78 1 1
                                    

Positive

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at bumangon agad ako dahil amoy hospital. Tinignan ko agad ang aking paligid at lumapit agad sa akin si Mommy at si Tiffany. Pati narin si Luhan.

"Nasaan si Tao? Asan si Tao?" Hinahagilap ko siya ng aking mga mata pero wala siya.

Siya ba ang nag-dala dito sa akin sa Hospital? Siya ba? Dinala niya ba ako dito?

"Sinundan ka namin, Ji. Sa firm niya, bago ka pa bumagsak nakita ka na namin. We took you here. Because You bleeded." Sagot ni Luhan.

Sumisikip ang puso ko. "Asaan siya? Hindi niya ba ako sinamahan dito?" Nanginginig ang labi ko.

Yumuko si Luhan at umiling. Napa hinga na lamang ako ng malalim at napa bagsak ang aking mga balikat, pakiramdam ko isang tulak sa akin ay bubuwal ako dahil sa pang-hihina.

Unti unting bumukas ang pinto at pumasok doon ang doctor. Naka ngiti siyang lumalapit sa aking gilid.

"No need to worry, Misis. You're bleeded because of stress. And your body is weak. Kailangan maging malakas ka.." Naka ngiti niyang sabi.

"You are eating for two. Dalawa na kayo, You're a one month pregnant." Ngiting ngiting sabi niya.

Halos sabay sabay ang pag-lingon namin sakanyang lahat. Maski ako ay napa-nganga sa gulat.

"Am I what?" Kunot noo kong tanong at hindi makapaniwala.

Ngumiti muli ang doctor sa akin. "Yes, you heard it right. Misis. Buntis po kayo." Sagot niya muli.

Para akong nabibingi at nahihilo sa aking naririnig, Kaya ba ganoon ang nangyari sa akin kanina? Bakit hindi ko 'man lang nalaman na buntis ako? Bakit wala 'man lang simtomas o kahit na ano?

Katulad ng pagka bugnutin at pag-lilihi.

Nag-paalam na sa amin ang doctor at hanggang ngayon ay naka-nganga parin ako sa gulat dahil sa aking nalaman tungkol sa kalagayan ko.

Dahan dahan lumapit sa akin si Mommy, "Jiyeon, Anak.." Sabi niya at hinaplos ang aking mga kamay.

Unti unti akong nag-angat ng tingin sakanya. "Wag kang iinom ng kahit anong gamot ha? Aalagaan natin ang magiging apo ko." Ngumiti siya at pumatak ang isang butil ng luha sakanyang pisngi.

Naiiyak akong ngumiti sakanya.

Kinabukasan, ay dumating na ang araw na hinihintay ng lahat. Ang kasal ni Tao at ni Zeberina, hawak hawak ko lang ang tiyan ko habang naka-tanaw sa mga sasakyan at mga gusali mula sa balcony nitong condo ko.

Pumikit ako ng mariin dahil umiikot nanaman ang paningin ko dahil sa hilo. Maka-ilang beses narin akong naduduwal. Malapit narin ang alis naming mag-iina.

"Baby, I'm sorry.. Wala na yatang magagawa si Mommy." Umiinit ang sulok ng mga mata ko habang sinasabi ko 'yon.

Tumagal ako ng tatlong oras dito ng mapag-pasyahan ko na ang maligo. Tamad na tamad akong gumalaw ngayon dahil sa pag-bubuntis ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sakanya ang tungkol sa akin. Pero siguro wag nalang, dahil galit siya. Pinag-tatabuyan niya na ako. Wala na siyang pakielam sa akin. Baka nga hindi niya pa tanggapin ang bata sa aking sinampupunan.

"Hoy, kumain ka na ba?" Halos mapa mura ako ng mag-salita bigla si Kai habang nagse cellphone.

Napa hawak ako sa dibdib ko at ulo. Muli nanaman akong nahilo. "Kai! Ano ba? Wag mo kong ginugulat!" Sita ko dito at siya naman ay tumawa na lamang.

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon