Chapter [47]

97 3 1
                                    

How

Naka-tulala ako dito sa malaking stage na rarampahan namin mamaya. Madaming talents at iba't ibang guest ang dadalo sa event na ito. 'Yong iba ay international ceo pa, business man mga ganoon.

Kaya siguro sobrang stress tignan ang organizer ng event na 'to. Lalo naman si Mr. Chua, hindi magkanda-mayaw kung saan siya pupunta para masigurado lang na maayos ang lahat.

Nag message ako kay Chi na siya muna ang bahala kay Sabrina. Sobra ko ng nami miss ang aking anak.. Di bale, pag-tapos ng event na ito hindi na kami mag-hihiwalay pa.

"You still here.." Napa lingon ako sa gilid ko. Si Ava, naka pony tail ang buhok nito at naka white fitted shirt at denim pants at high heels.

Deretso ang tingin niya sa stage. Ibinalik ko na lamang ang mga mata ko sa stage at humugot ng malalim na hininga.

"Thickness of your face, Jiyeon.. Ang tahimik lang dati ng company na 'to. No dirty issues." Palihim akong napa kagat sa labi ko.

"Then now you enter this world, nagkaroon bigla. Gumulo." Dagdag niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. "I really don't know kung bakit ang init ng dugo mo sa akin, Ava? Wala naman sana akong ginawang masama sayo." Sabi ko habang naka titig sa stage.

Mahina siyang napa tawa. "Oh come on, Jiyeon. Stop being nice, Wala tayo ngayon sa television. Nasa reyalidad tayo. Show your true color." Sagot niya. "I'm showing my true color, Ava. Hindi naman ako katulad mo na mabait kapag nasa screen and kapag nandyaan ang mga boss." Sagot ko

Hinablot niya agad ang braso ko at napa lingon agad ako doon sakanya. "I'm the queen of this industry! I am!" Nanggigil niyang sigaw sa akin.

Natawa ako ng mahina doon. "Really? Bat halos ibigay na sa akin ang lahat? You sure? You're the queen?" Ngumiti ako sakanya.

Mas humigpit ang hawak niya. "You..." nanlilisik ang mga mata niya, hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

Binawi ko ang braso ko pero hindi niya 'yon binitawan. Inis ko siyang nilingon. "Always remember this Jiyeon, I'm the queen of this industry. And I will put you where you belong!" Makahulugan niyang sabi at sabay padabog na binitawan ang braso ko.

Napa hugot ako ng malalim na hininga. At lumunok. Umiling na lamang ako.

Umayos ako ng tayo at tinalikuran ko na ang stage, ihahakbang ko na dapat ang mga paa ko pero sunod sunod ang datingan ng talents at mga mukhang mga inis. Kumunot ang noo ko.

"Bakit kasi hindi sinabi agad.." Bulong ng isang lalaking talent.

"Okay! Everyone. This is urgent. No talking! No murmuring! Listen everyone!" Kumunot ang noo ko dahil sa organizer na 'to katabi niya ngayon si Mr. Chua na aburidong mayroong tinitipa sakanyang cellphone.

"Hindi ito ang magiging location natin ngayon." Gumalaw ang dalawa kong mata dahil mga napa buga sa hangin ang mga talents na kasama ko dito. Maski si Ava ay napa irap na lamang.

"Dahil ang gusto ng mga guest natin ay aqua. Remember this talents. We are professional? Okay! Professional. So we don't care even if mahirap siya o hindi! Lagi namin sinasabi sainyo maging professional tayo sa lahat ng bagay!" Aniya ni Mr. Chua

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga. Sayang ang oras at pag-aayos nitong stage kung aqua naman pala ang gustong theme ng mga international na 'yon!

"Pack up! Everyone. Pack up! Kumuha na kami ng private chopper para mabilis ang pag-dating natin doon. No need to go home or everything you want to do. No need." Paliwanag muli ni Mr. Chua

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon