I'm sorry
Naka upo ako dito sa bleachers habang hinihintay ko silang matapos dahil kinakausap pa silang lahat ng coach nila. Nakapag-palit narin siya ng t-shirt na itim.
Nasa lap ko ang sports bag niya dahil pinahawak niya sa akin 'yon dahil kakausapin nga sila ng coach nila.
"Pasok na tayo sa semi finals. So waiting championship na lamang tayo. Kaya umayos ayos na kayong lahat." Aniya ng Coach nila.
"Yes, Coach." Sagot nilang lahat.
Pinapanuod ko siya habang nakikinig sa coach nila habang umiinom ng tubig.
"At ikaw, Tao. I don't want this to happen again, Mabuti nalang at andyaan 'yong Girlfriend mo." Napa titig ako lalo sakanya ng sabihin 'yon ng coach nila.
Tipid akong ngumiti dahil mga nag-lingunan sila sa akin. Natawa nalang doon ng mahina si Tao at ipinag-patuloy nila ang pag-uusap nila doon.
Saka ko lang naisip ang mga ginawa ko kanina, hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa dahil sa aking ginawa. I just want to cheer him up? Yun lang naman 'yon.
Nag-paalam na sa akin si Chi na mauuna na siyang umuwi dahil sabi niya na kay Tao ako masasama ngayon at hindi sakanya.
Natapos na ang pag-uusap nila at kanya kanya na silang mga mundo. Humarap na siya sa akin at lumapit.
"Tara na?" Hindi ko alam kung naging malambing ang pagkaka-tanong ko sakanya dahil napa ngiti siya bigla. "Do you want to eat?" Tanong niya at kinuha sa akin ang sports bag niya.
Tumayo na ako at hinapit naman niya agad ako sa aking beywang habang sumusunod kami sa mga varsity niya na papalabas nitong court.
"Ikaw ba? O gusto mong kasama 'yong mga teammates mo?" Tanong ko, lumingon ang isa sa akin habang nag-pupunas ng kanyang balikat.
"I want to be with you, not with them." Bulong niya.
Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko at tumango na lamang sakanya.
Nakarating na kami sa parking lot nitong school. "Di mo dala kotse mo?" Tanong niya, tumango na lamang ako.
Pinag-buksan niya ako ng shot gun seat at sumakay naman narin agad ako doon. Ganoon rin siya umikot narin siya papuntang driver seat at nilagay na sa passenger seat ang sports bag niya.
"Hindi ba sila magagalit sayo? Sa akin ka sumama?" Tanong ko. Bahagya siyang lumingon sa akin habang nagma-mani-obra nitong sasakyan.
"No.. I said don't mind them. Magba-bar lang naman 'yong mga 'yon." Sagot niya habang naka tingin na sa daan.
"Oh bat hindi ka sumama?" Aniya ko habang dinudukot ko ang cellphone ko mula sa aking bag. Kinuha ko naman agad 'yon ng makita ko at tinignan ko kung mayroong mga nagtext. "Hindi naman ako babaero." Sagot niya
Napa lingon ako sakanya at humagalpak ng tawa sa sagot niya. Porket magba-bar ba? Mang babae na agad?! Grabe to. "Bar? Babae na agad?" Natatawa kong tanong.
"Once a boy go to the club, without asking a permission to their girlfriend or wife. Mang babae 'yon." Sagot niya.
"Oh bat hindi ka naman sumama? Eh—""
"Cuz I know, You won't like it." Maagap niyang sagot.
Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinagot niya, at saka bakit nagiging ganito na ang pag-uusap namin? Dahil ba 'yon sa pagchi cheer ko sakanya kanina? Fck.
Hindi na lang ako nag-salita pa kahit pa sulyap sulyap siya sa akin habang nagda drive.
"You okay?" Tanong niya habang nililiko ang manibela. Marahan akong tumango at tumingin na lamang sa daan.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Hayran Kurgu"Yes, you're a bad girl. But I love you."