Thank you for reading!
Your everything
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ng makaramdam akong naalimpungatan. Kumunot ang noo ko ng makita kong naka-titig siya sa akin.
"Bat gising ka pa?" Mahinang tanong ko at tinignan ko ang orasan sa gawi niya. Mahigit alas dose na pala ng madaling araw.
Ngumiti na lamang siya sa akin at hinalikan ang aking noo at hinaplos ang apat na buwan ko ng tiyan. "Craving for something?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Come on, Baby.. spill it. What cravings you want?" Tanong niya at muling ngumiti.
Napa ngiti ako dahil sa sinabi niyang 'yon. It's been two months, ng mangyari ang araw na 'yon. Akala naming dalawa ay tapos na ang problema naming 'yon. Pero hindi pa pala.
Matagal naming pinag-laban ang relasyon naming 'to. Kahit anong bato sa amin ng mga ibang tao na makikitid ang utak ay hindi kami nagpa-talo doon. Lumaban lang kami ng lumaban at ito na kami ngayon, mag-kasama na sa lahat ng bagay.
Aaminin ko, hindi naging madali ang sitwasyon namin 'noon. Pero hinayaan na lamang namin ang mga taong makikitid ang utak na kung ano ano ang sinasabi sa amin. Halos karamihan ay kami ang pinaniwalaan at 'yong iba naman ay si Zeberina. She's in the mental hospital, pero maselan ang kalagayan dahil buntis pa ito kaya't doble ang pag-aaruga sakanya.
Halos higit isang buwan na rin pala kaming kasal, Pero para sa akin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasal na kaming dalawa. Na nag-iisa na kaming dalawa.
Pinag-masdan ko ang aking sarili sa malaking salamin. We want just a simple wedding kaya't I'm wearing a simple wedding gown. We invited our family and closest friends.
'Yon lang ang naisip namin ni Tao, ayaw na namin ng marami pang tao. Mas gusto namin ay kami kami lang.
Katulad ng pamilya ni Kai, Sehun, Luhan, Eunhyuk, Kris, Tiffany, Hyoyeon, Yoona, Yuri. Si Mommy, At ang mga pamilya ng kaibigan ko.
Tatlong photographers at videographers lamang ang aming kinuha. Mas gusto namin ni Tao ang ganito, ayaw namin ng masiyadong crowded. Beach wedding ang aming naging kasal.
Sinuot sa akin ni Tiffany ang flower crown, Ako nalang ang nag-ayos sa aking sarili. Samantala sa buhok ko naman ay ang kaibigan kong si Chi.
Borderie Maxi Dress white ang aking suot suot. Light make up lang ang aking ginawa sa aking make up.
"Ji! I'm so so happy for you!" Naiiyak na sabi ni Chi habang nilaladlad ang aking buhok.
Tumango habang nanggigilid ang aking mga luha. Kung masaya siya para sa akin. Paano pa ako? Ito lang naman ang pangarap ko rin sa buhay.
Ang magkaroon ng isang tao na tatanggap sa akin ng buong buo, tatanggapin ang nakaraan ko. At mamahalin ako ng higit sa pag-mamahal na kaya kong ibigay sakanya.
Bumukas ang pinto at sabay kaming napa lingon doon. "Mommy.." Mahinang tawag ko dito ng maka-tayo ako. Lumapit agad ito sa akin at mahigpit akong niyakap.
"Congratulations, Anak.. Masayang masaya ako." Sabi niya ng basag na tono ng boses.
Nanginig agad ang aking labi, Ibinaba niya muna ang bouquet ng tulips sa lamesa dito sa tabi ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Maiwan muna namin kayo.." Sabi ng dalawa at lumabas na nitong kwarto.
Sinundan sila ng tingin ni Mommy at pagkatapos ay muli niya akong tinitigan. "Nervous?" naka ngiti niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."