Chapter [37]

83 3 1
                                    

HT056

"Ji! Answer us. Do you have a child now?" Napa tayo si Eun Jung habang hinihintay ang sagot ko sa mga tanong nila.

Napa lunok akong muli dahil sa mga titig nila sa akin. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para sabihin ko sakanila ang totoo. Sabihin sa kanila ang lahat.

"At sino ang ama? Si Tao?!" Pumatak muli ang luha ko ng sabihin 'yon ni Kip.

Nag-babara ang lalamunan ko habang tinititigan silang tatlo. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o iiyak nalang. Nag-uunahan ang pag-tulo ng mga luha ko sa aking pisngi.

"Kaya ba hindi ka naging flight attendant dahil nabuntis ka?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Eun Jung habang unti unting lumalapit sa akin.

Kinagat ko ang labi ko habang patuloy parin sa pag-iyak. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sagutin ang mga tanong nila.

"Jiyeon, Answer us! Mayroon ba kayong anak ni Tao?!" Nanlaki na ang mga ni Kip ng sumigaw siya.

"Oo!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "Oo! We have a child! And her name is Sabrina! Sakanya 'yang mga barbie dolls na hawak niyo! Oo. Mayroon na akong anak at si Tao ang Ama 'non!" Halos mabulol na ako sa pag-sagot ko sa kanila.

Humagulgol na ako.  Nanginginig ang balikat ko habang iyak ng iyak.

"Ji.. so that's the reason kung bakit hindi ka naging flight attendant?" Mahina at nanginginig na tanong ni Eun jung.

Hindi ako naka sagot patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit kapag nalaman na nila ang totoo. Akala ko ay matutuwa ako ngunit hindi, parang bumabalik lahat ang alaala noon.

"He knows about this? And.. and.." Hindi matuloy ni Chi ang sasabihin niya.

"Hindi niya alam na mayroon kaming anak. At hindi ko na babalakin pang sabihin ito sakanya. Para saan pa? Para bigyan agad siya ng responsibilidad? Isisingit ko bigla si Sabrina sa nalalapit niyang kasal? Ganon ba? Ganon ba gusto niyong gawin ko?" Umiiyak kong singhal sakanila.

Napa takip ng bibig si Kip at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. "Kaya ba hindi ka nag-paramdam ng ilang taon dahil dito? Ji.. bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit mo nilihim?" Naiiyak na tanong ni Chi.

Umiling iling ako at napa hilamos sa aking mukha. Habang patuloy sa pag-iyak.

Muli kong naalala kung ano ang naging hirap ko sa ibang bansa. Nong nalaman kong buntis na ako kay Tao.

Noong nalaman kong buntis ako ay hindi na kami nag-uusap 'non dahil nagka-balikan na muli sila ni Anna. At nalaman kong buntis ako ay 'yong pag-tapos ng Graduation ball.

Mag-isa ako sa kwarto ko 'non at hindi ko alam ang gagawin ko 'nong nakita ko ang pregnancy test na mayroong dalawang pulang linya.

Halo halo ang pag-iisip ko 'non. Kung ipag-papatuloy ko ba ang naging bunga namin o ipapalaglag ko na lamang. Takot na takot ako 'non, sobra.

Hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula 'non, hindi ko alam kung mayroon bang tatanggap sa akin na trabaho habang buntis ako.

Hindi ko alam kung makakaya kong palakihin ang bata sa tyan ko habang walang ama. Nag-umpisa ako sa walang wala at ang tanging pera ko lamang 'non ay ang ticket na pinam-bili ko 'non at kaunting pera sa bank account ko.

Inisip ko kung sasabihin ko na ba agad sakanya o huwag nalang dahil hindi niya ako papaniwalaan. Ipag-tatabuyan niya lamang ako.

Dahil binata siya. Fresh graduate, tapos mag-kakaroon agad siya ng responsibilidad sa isang katulad ko lamang?

Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon