Chapter 4 - Chicken Sandwich

57.2K 2.2K 402
                                    

Natapos ang klase ni Professor Aurelia at ang tanging laman ng isip ko ay ang bagong transfer student. Hindi ko ma-absorb ang aming Chemistry lessons dahil 'di ko maiwasan na tignan si Mr. Pogi.

Kailan pa ko nahumaling sa isang lalake? Ganto ba ang feeling ng paghanga or crush?

Akala ko dati manhid ako sa mga gantong kalandian, hindi pala. Babae pa rin pala ako. Kala ko, punong kahoy ako at walang pakiramdam.

"Shall we?" sabi ni Sage sa akin pagkatapos ng klase ni Professor Aurelia.

"Ha? Anong shall we shall we?" tanong ko sa lalaking laman ng isip ko kanina pa.

"You are supposed to be my official tour guide, remember?" naiiritang tanong ni pogi.

"Ahhh, right right. I am your tour guide nga pala. Follow me," sabay kuha ng backpack ko sa upuan at labas ng classroom.

Tahimik naman na sumunod sa akin si Sage na parang aso, pero hindi niya kayang itago ang pagka-iritable niya. Parang naiinis siya sa akin. 

Ano ba ginawa ko sa kanya?

Marunong naman ako mag English, in fact confident ako dahil may tutor din na hinire sa akin si Uncle Syl. Kaso kapag kaharap ko si Sage, para akong prehistoric na babae na baliko baliko mag-English. Not sure kung kinakabahan ako dahil sa accent niya or dahil pogi talaga siya.

"I am Rei, by the way. What do you want to know about our school?" tanong ko sa kanya with a friendly smile.

"Are there any interesting places here in campus?" sagot niya habang nakatitig sa akin ng matagal.

May dumi ba ko sa mukha? Bakit feeling ko gusto mo ko kainin ng buhay?

"School facilities? Not interesting. School gym? Boring! Library? Haunted! School pool? Very very nice!" English barok kong sabi sa kanya habang naglalakad kami sa corridor.

Grabe ang kaba ng puso ko pag tinitignan ako ni Mr. Transfer student. Kung maganda ko, iisipin ko type niya ko dahil ang lagkit ng mga titig niya kaso 'di naman ako masyado kagandahan.

"Let us go to the pool area then," sabi niya na nakakunot ang noo.

Akala niya siguro ang bobo ko dahil 'di ako makapag-compose ng sentence na may coherence. Barok barok parang Stone Age human.

Pumunta kami sa likod ng gym kung saan nandoon ang olympic size swimming pool. Bihira ang pumupunta dito dahil once a week lang ang swimming classes.

"This is my very favorite place. Very clean and very nice. Very cold and windy. Very soothing just like aloe vera," sabi ko sa kanya habang nakaupo sa mahabang bench.

Napadami ata ang gamit ko ng salitang very sa sobrang kaba ko. Madalas kasi ko titigan ni Sage at naco-conscious ako.

May kulangot ba ko? May panis na laway ba ko?

"I can agree to that, very much," natatawa niyang sabi at may emphasis sa word na very.

"There's no Wi-Fi access here. You can go to the library for the free Wi-Fi access."

"Why is the library haunted?" tanong niya sa akin na umupo din sa tabi ko pero 'di pa rin inaalis ang mata sa pagkakatitig sa akin.

"White lady thingy. You know? The usual haunted stories. The library is not old, but spooky," sabi ko sa kanya sabay bigay sa kanya ng extra chicken sandwhich na baon ko.

Since madalas ako lang sa bahay, ako ang nagpre-prepare ng pagkain ko. Madalas din na pinagluluto ko si Uncle Syl kapag alam ko na wala siyang lakad.

"Where do you live, Rei? I think I saw you a few days ago with someone. A boyfriend perhaps?" tanong niya habang nakatitig sa akin at kinakagat ang chicken sandwich na bigay ko.

Wow! Personal question agad? At bakit ang sexy ng bawat kagat niya sa sandwich ko?

"Ahhh, that is probably my Uncle Syl. I live alone with him. I don't have any boyfriends since birth. Not that pretty, if you know what I mean," sabi ko gamit ang pinakamatigas na English dahil sa kaba ko.

"You are not pretty... But you are beautiful, Rei..." Sage smiled tenderly.

Beautiful daw oh! Bakit parang ang ganda ganda ko pag tinatawag niya ko na Rei?

"Me? Beautiful? You joking me ah! I am gullible. Sige ka, I will believe that!" sabay hampas ko sa braso niya.

Shit, ang tigas ng kanyang....

....muscular arms!

Sarap magpa-hug!

"I am not kidding, Rei. By the way, your chicken sandwich is great, thanks!" sabi niya habang kinakain 'yong sandwich.

"You are most welcome, pogi. Why did you transfer here pala?"

"My dad is an archaeologist. He is based in UK and Middle East, but his work brought us back here."

"Ahhh archaeologist? Like digging dinosaurs and mummy?"

"Yeah, something like that. Anyway, tell me more about yourself, Rei."

"Me? Just ordinary girl, nothing special. No talent, as in nothing. Even a Siopao Bola Bola is more special than me."

"Well, I think that you are a very special girl and I want to know more about you. I hope we can be friends," sabi niya sabay bigay ng kamay for handshake.

Special girl daw oh! Bakit kinikilig 'yong singit ko?

"Sure pogi, friends!" sabay abot ko ng kamay sa kanya.

"Friends, Miss Beautiful," sabay kindat sa akin ni Sage.

Kaso the moment na hinawakan ko ang kamay niya, parang biglang nandilim ang paningin ko. 

Wala ako makita... Anyare?



NOTE:

Paleontology is the study of fossils, while archaeology is the study of human artifacts and remains. Paleontology differs from archaeology, in that it excludes the study of anatomically modern humans.

Rusty Elizalde, the father of Sage Elizalde, is an archaeologist, not a paleontologist. He is studying human history through the excavation of sites and the analysis of artifacts and it excludes dinosaurs.





---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- ChinChin Cruise

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon