Chapter 22 - The Lunch

39.4K 1.2K 31
                                    

Sa buong oras na nagbyabyahe kami, wala kaming kibuan ni Sage. I am waiting na mag-explain siya pero mukhang wala siyang balak.

"Paano mo nakilala si Uncle Syl?" naglakas loob ako tanungin si Sage nang marating namin ang bahay nila.

"Si Syl o si Silawin ang pinuno ng mga kawal ng aking amang si Rajah Gatlan. He is not joking when he told you na kababata ko siya. Naging matalik na kaibigan ko si Silawin. Siya mismo ang nagtrain sa akin maging mahusay sa pakikipaglaban."

"Ha? You mean, si Uncle Syl ay isang army leader noong panahon ni Kopong Kopong?" tanong ko sabay upo sa malawak na living room ni Sage.

"Well, nagulat din ako nang malaman ko na buhay pa siya. I am sure tao siya at hindi vampire. Paano mo nakilala si Silawin?" tanong ni Sage na umupo sa tabi ko.

Sinalaysay ko sa kanya kung paano biglang lumitaw sa buhay ko si Uncle Syl. Kahit ako, di ko alam na may half brother si mama ngunit isang sulat ni mama ang pinabasa sa akin ni Uncle Syl. Base sa sulat ni mama, parang may idea na siya na anytime ay mawawala siya sa mundong ibabaw at iniiwan niya ko sa kalinga ni Uncle Syl.

"When Miraya turned me into a vampire, I can't control my thirst pag dadating ang midnight. I am like an unstoppable killing machine. Humingi ako ng tulong sa Punong Babaylan at kay Silawin na ikulong ako tuwing gabi para hindi makapanakit ng iba pang tao. Ngunit hindi enough yun, dahil sa lakas ko, lahat ng kulungan ay kaya ko wasakin kaya minabuti ni Magawen na ilagay ako sa deep slumber para tuluyang mawala ang thirst ko."

"But that doesn't explain kung bakit buhay pa si Uncle Syl ngayon?"

"Kahit ako, I was surprised to see him. I can see the anger in his eyes when he found out that I am your boyfriend. Baka akala niya gagawan kita ng masama."

"Hindi pa ba?"

"Not yet, babe. Not yet," sabi ni Sage sabay flash ng isang devious smile as if may devious plans.

"Anong not yet? May balak ka masama sa akin no? Gusto mo siguro ko gawing alay sa kalikasan para mawala ang sumpa mo?"

"Di ka tatanggapin ng kalikasan, matakaw ka daw masyado. Naubos mo ata yung dinner na niluto ni Rusty na good for ten people."

"Leche ka! Pero Sage, if you are right, kung si Silawin at si Uncle Syl ay iisa, I think you should take care of yourself. Uncle Syl is a good man pero madalas wala siya sa bahay pag gabi. I have a feeling na he is a vigilante killer or probably a vampire hunter."

"Hmmm? I didn't know na concern ka pala sa akin," sabi niya sabay harap sa akin. Yung mukha na naman niya ay napakalapit at madalas, hindi ako makahinga if he is this close to me.

"Concern? Hindi ah! Ayoko lang kasuhan mo ng attempted murder si Uncle pag nagkataon!"

"So wala ka pakialam sa akin?" sabay hawak niya sa pisngi ko. His simple touch can electrify me. Para akong dormant volcano at kapag hinawakan ni Sage, nagiging active bigla at nag-aalboroto.

"Sage, kumain ako sinigang. Maalat at maasim dugo ko!"

"Who are you Rei? Bakit napapalibutan ng mysterio pagkatao mo?" tanong niya sabay hawi ng buhok ko. Dahan dahan niyang hinaplos ang leeg ko na para bang isang delicate at fragile na bagay na pwede mabasag anytime.

"Sage, uhaw ka na naman ba?" bulong ko sa kanya.

"I told you, I am always thirsty when you are around," mahina niyang sagot.

Nararamdaman ko na lang na unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Yung labi niya nararamdaman ko na sa ears ko.

Kakagatin na naman ba niya ko sa leeg? Naku! Mahihimatay na naman ako nito!

"Sage, why don't you turn me into a vampire?" tanong ko kay Sage nang maramdaman ko ang mga labi niya sa leeg ko. Pero di niya tinuloy ang pagkagat sa leeg ko at biglang lumayo sa akin.

"Di ko gagawin sayo yun. I don't want you to suffer," sabi niya sabay tayo sa sofa.

"Akala ko ba may synthetic blood na? I will no longer need to feed on humans."

"No! I won't do that!" sigaw niya sa akin.

"Paano kung gusto ko!" I shouted back at him equally.

"Kahit maghubad ka pa sa harap ko, di kita gagawing vampire! No way, Rei. I won't take your humanity away from you!"

"Paano kung gusto kita makasama habang buhay?" mahina kong sabi sa kanya.

"The answer is still no. Wait, what did you just say?"

Hindi ko siya sinagot. Kinagat ko bigla ang pulso ko. Dahil manipis ang balat sa part na yun, biglang umagos ang dugo ko.

"Sage, make me a vampire," sabi ko sabay lapit ko sa kanya.

He is trying his best na wag kunin ang kamay ko pero the sight and smell of my blood drove him crazy. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at binaon ang mga fangs niya sa pulso ko. Within seconds, ramdam ko na ang hilo. Any moment ay mawawalan na naman ako ng malay pero biglang binitawan ni Sage ang kamay ko at lumayo sa akin.

"Don't you dare use your blood to your advantage! Alam mo na hindi ko kaya kontrolin sarili ko when it comes to you!"

But Sage is too late, madami na siya nainom na dugo ko and ang tanging naalala ko na lang ang pagbagsak ko sa sofa...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon