Chapter 3 - Sage Elizalde

60.1K 2.1K 285
                                    

Viral ngayon ang balita about sa vampires...


Meron ilang insidente na kung saan ang mga kababaihan ay inaatake sa gabi at walang silang maalala sa mga nangyari. Ang tanging naiiwan na trace ay ang bite marks sa kanilang leeg.


May ilan cases din kung saan namatay ang mga biktima. Same bite marks at massive blood loss. Madami haka haka at tsismis na vampire talaga ang umaatake sa kanila, pero wala pa rin sila makuha na kahit anong proofs.


As I have mentioned in chapter one, hindi ako naniniwala sa vampire so dedma lang ako sa mga gantong mga supernatural na balita..


"Class, class, please be quiet!" sabi ni Professor Aurelia pagpasok niya sa classroom. Isa siya sa pinaka mabait na professors sa akin. Siguro kasi, crush na crush niya si Uncle Syl nung nameet niya during my enrollment.

"Class, I want all of you to meet Sage Elizalde. He will be joining us starting today," pakilala niya sa aming bagong transfer student.


Sage? Anong klaseng pangalan ba 'yon? Halaman o gulay ba 'yon?


"He is a transfer student from London. Please make sure to welcome him and make him feel at home."


London? Ay hindi ko to kakausapin 'yan ever! Mauubusan ako ng English!


Pagpasok niya ng classroom, biglang humangin ng malakas at nagsitaasan ang mga palda ng mga kababaihan. Pati ang kalalakihan ay napaluhod sa harap niya.


Joke lang 'yon!


Pero parang ganun ang effect ni Sage Elizalde nang pumasok siya sa classroom. Para siyang isang majestic being at anak ng isang royalty. Pag pasok niya, kulang na lang may sumigaw ng - Hail to the Crowned Prince! Kahit ang mga kalalakihan ay napapatulala sa kanya.


Matangkad, kayumanggi, matipuno ang katawan at mapungay ang mga mata. Hindi maikakaila na pogi si Mr. Transfer Student.


Nagpakilala si Sage at prominent ang kanyang British accent. 


Nosebleed! Parang galing sa Hogwarts!


Di naman ako interesado masyado sa mga pogi, kasi alam ko out of reach sila pero bakit parang hindi mapigilan ng mga mata ko ang tumitig kay Sage na para bang isa siyang magnet? Anong meron dito sa lalakeng to at kahit ayoko siya tignan, parang naka auto focus ang mga mata ko sa kanya?


"Miss Manahan? Are you okay?" tanong sa akin ni Professor Aurelia.

"Ha? Ano po 'yon?"

"Sabi ko, ikaw ang mag-oorient kay Mr. Elizalde about our school policies dahil ikaw ang class president. Pwede mo siya tour sa campus later para makita niya ang facilities natin."

"Yes, professor," sabay ngiti para hindi mahalata na napipilitan.


Bakit ako na naman nakita nitong professor na to? Ayoko nga kausapin si pogi dahil nosebleed ang accent.


Bukas, magbabaon talaga ako ng English Tagalog dictionary!





Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon