Chapter 85 - Sleeping Beauty

28.9K 928 37
                                    

Days became weeks and weeks became months. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko pero di pa din nagigising si Sage. May times na umiiyak ako habang tinitignan ko siya na natutulog pero after ilang weeks, napagod na din ang mata ko. 


Ang mahalaga, Sage is alive, Sage is safe.


Si Matthias and Lena ay bumalik na din sa Austria. Si Sir Rusty ay bumalik sa isang university para magturo. Si Uncle Syl naman ay pinagpatuloy ang pagiging hunter niya ng mga bad supernatural beings. Sabagay, kahit wala siyang powers na ngayon, he is still strong at sanay sa pakikipaglaban.


"President Rei, graduation na bukas. Sayang di natin nakasama yung boyfriend mo," sabi ng classmate ko habang nag-aayos ako ng mga gamit sa locker na iuuwi ko na.

"Family emergency kasi kaya kailangan niya magstop ng studies," maikli kong sagot.


Di ko lang masabi na si Sage ay nasa bahay nila at natutulog. Every day, dumadaan ako sa kanya para kwentuhan siya kahit natutulog lang siya. May times na doon na din ako natutulog sa tabi niya hoping na magigising siya.


I tried researching about his condition, pero wala ako mahanap. One thing for sure, he is not under a spell or poison, he is just sleeping soundly.


Pasakay na sana ko ng kotse ni Uncle Syl nang biglang matanaw ko si Sage na nakasandal sa kotse niya. Andoon din si Sir Rusty kasama niya.


For months, I was waiting for him and feeling ko ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo nang makita ko siya na gising. My tears are running down my face. Nagmabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya. 


I missed him so much! So much that it hurts!


"Sage!" sigaw ko sa kanya sabay yakap sa kanya. Graduation ko na bukas at ito ang pinaka magandang regalo na natanggap ko.

"Rusty?" naguguluhan niyang tawag kay Sir Rusty pero napansin ko na hindi niya ko niyayakap.

"Sage, ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Sino tong babaeng to?" taas kilay niya na tanong sa akin. 


Di ko alam kung naiinis o naiirita siya dahil nakayakap ako sa kanya. Si Sir Rusty naman ay malungkot na lumapit sa amin.


"Sage, this is Reichel Manahan, your girlfriend."

"Girlfriend? Ikaw?" gulat niyang tanong sa akin.


Bakit parang hindi ako kilala ni Sage? Para akong isang estranghero sa paningin niya?


"Reichel, hindi ka naaalala ni Sage. Almost lahat naaalala niya except you or lahat ng related sayo. Parang lahat ng memories mo nawala sa kanya. Di ko din alam kung bakit, pero siguro dahil sa ritual na ginawa mo para matanggal ang sumpa ni Miraya."

"So ikaw pala ang Punong Babaylan. Wala sa hitsura mo," natatawa niyang sabi sa akin.

"Sir Rusty, tignan mo tong mokong na to. Ilang months ko inalagaan nung natutulog, kung makasagot sa akin, kala mo kung sino. Hoy lalakeng previous vampire, dahil hindi mo na ko maalala, pwes hindi mo na ko girlfriend!"

"Rusty, ganto ba talaga tong babaeng to? Aware ba siya na isa kong dating prinsipe?"

"Uhmm yep. Palagi kayong parang aso at pusa. Anyway, I think mas maganda kung mag-uusap kayong dalawa. Sage, kay Reichel ka na sumabay ng pag-uwi mo."


Nagpaalam si Sir Rusty at naiwan kami ni Sage na may partial amnesia sa parking lot.


"Ang Punong Babaylan pala ang girlfriend ko. Paki sabi nga ulit kung bakit kita pinatulan eh di naman kita type? Did you create some spell para magustuhan kita?" natatawa niyang tanong.


Aba! Ilan ulit ba niya ipapamukha sa akin na di niya ko type? Missed na missed ko siya pero sa mga oras na to, kumukulo ang dugo ko sa hinayupak na to!


"Well, make it ex-girlfriend, dahil simula ngayon, break na tayo," galit kong sabi sabay pasok sa kotse.


Sabagay, may point naman si Sage. Di naman talaga niya ko type. Kaya lang nagkalapit kami noon dahil naaattract siya sa dugo ko. Pero sumunod sa akin si Sage at pumasok din sa kotse at umupo sa passenger seat.


"Hoy, bakit andito ka? Kasasabi ko lang na break na tayo di ba?"

"Graduation mo daw bukas. Gusto mo mag dinner?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Wala ako gana kumain. Kung gusto mo sumabay, ibababa na lang kita sa inyo," sabi ko sabay paandar ng sasakyan. 


Tahimik lang naman na nakasakay si Sage pero palagi siya nakatingin sa akin. Masyado tuloy ako nacoconscious magdrive.

Siguro iniisip niya kung bakit niya ko pinatulan eh di naman ako kagandahan. Gusto kong maiyak sa inis, pero somehow masaya talaga ko at nagising siya kahit di niya ko kilala.


"Did we... you know?" tanong ni Sage nang makapasok na kami sa loob ng subdivision namin.

"Nope!" mabilis kong sagot sa kanya. Alam ko kung anong tinutukoy niya.

"Hmmm, Reichel right? I prefer to call you Rei."

"Wala ko pakialam."

"Aren't you a bit happy that your boyfriend is now awake?"

"Ex-boyfriend. Well, our relationship is quite complicated. Hindi naman talaga kita boyfriend. Nagpanggap lang tayo dahil attracted ka sa dugo ko, but we are not exactly in love with each other."

"Is that so?"

"Yep. Andito na tayo sa tapat ng bahay mo, mahal na prinsipe. Pwede ka na bumaba. Kailangan ko matulog ng maaaga dahil maagap yung graduation ko bukas."


Pero imbes na sumagot, biglang hinatak ni Sage ang batok ko palapit sa kanya at walang paalam na hinalikan ang labi ko. Lahat ng inis ko at kabwisitan ko sa kanya ay naglaho sa mga oras na yun. Wala naman ako choice kundi gumanti ng halik dahil missed ko na din siya. Kaso ibang Sage na kaharap ko ngayon.


"See you tomorrow, babe," nakakaloko niyang sabi sabay labas ng kotse.


Ampotah! Nawalan na nga ng memory, walang habas pa din paglaruan ang damdamin ko!

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon