Chapter 29 - Ripper

33.9K 1.1K 14
                                    

Umikot ako sa buong mundo bilang Alagad ni Bathala. Iba't ibang kampon ni Kadiliman ang aking nakilala at pinaslang. Umugong ang balita about sa immortal vampire hunter. Wala akong choice kundi magpalipat lipat ng lugar.

Isang gabi sa London noong 1880's, nakilala ko ang isang Kampon ni Kadiliman na pumapaslang tuwing gabi sa mga kababaihan. Sa isang madilim na alley, doon kami naglaban. Mabilis siya at malakas, hindi katulad ng mga normal na vampires.


"Ikaw pala ang sinasabi nilang Vampire Hunter," sabi niya sabay talon sa roof top isang building.

"At ikaw pala ang sinasabi nilang Ripper," sagot ko sa kanya at mabilis ko siyang nasundan.


Puno ng kadiliman ang gabi at maging ang langit ay puno ng maiitim na ulap. Ngunit sa isang saglit, nahawi ang mga ulap at lumitaw ang liwanag ng buwan. Malinaw kong nakita ang mukha ng sinasabi nilang Ripper.


"Magawen? Ikaw ang Ripper?" gulat kong tanong ng maaninag ko ang mukha niya sa bahagyang liwanag.

"Wala na si Magawen, Silawin. Patay na siya."

"Hindi maari ito, sinunog namin ni Andreya ang bangkay mo!"

"Silawin, mahal ko, isa kang hangal. Nakakasigurado ka ba na iniwan mo ang katawan ko ng isa ng abo? Iyon ang pagkakamali mo!"

"Nagawa mong makaligtas sa apoy?"

"Hindi ako normal na tao Silawin. May bahagyang kapangyarihan ni Bathala ang naiwan sa akin. At iyon ang nagligtas sa aking kamatayan."


Ang Ripper na pumapatay at nambibiktima ng mga kababaihan ay walang iba kundi si Magawen. Wala ng bakas ng babaeng minahal ko sa Ripper na kaharap ko ngayon.


"Patay na si Magawen. Ikaw ay isa na lamang masamang alaala. Isa ka ng Kampon ni Kadiliman. Binalot ng kasamaan ang puso mo!"

"Magagawa mo ba kong paslangin Silawin? Bakit di mo subukan?"


Tumawa lang ng malakas si Magawen nang mapagtanto niya na di ko siya kayang paslangin. Tumakbo siya palayo at di ko siya nagawang sundan.

Years passed and I tried to track her, pero walang kahit anong traces niya. Matalino si Magawen, she manage to hide her tracks completely.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon