Chapter 52 - Secret Room

32.8K 983 31
                                    

Pagdating namin sa bahay, andun na si Sir Rusty at Uncle Syl sa living room. Dinala din ni Sir Rusty ang dalawang German Shepherd dogs na mukhang napapalapit na din sa kanya.


"Hi, babies. Namissed ko kayo," bati ko sa mga aso sabay yakap sa kanila. Niyakap ko din si Uncle Syl dahil nag-alala din ako sa kanya.

"Uncle, mabuti nakauwi ka ng ligtas. Worried kami dahil di ka namin macontact."

"Reichel, I want you to meet someone."

"Huh? Sino?"


Niyaya kami ni Uncle Syl sa second floor. Gamit ang kanyang passcode, binuksan niya ang kanyang secret room na mahigpit niyang pinagbabawal na buksan.


Shit, eto ba ang secret playroom ni Uncle Syl?


Sumunod lang kami ni Sage at ni Sir Rusty sa kanya papasok ng forbidden room. The whole room is painted in white at windowless. May iba't ibang gamit at wala akong idea kung ano ito. Based sa hitsura, mga armors at weapons. 


Eto kaya ang ginagamit ni Uncle Syl sa pakikipaglaban niya sa kampon ni Kadiliman?


May isa na naman pintuan na binuksan si Uncle Syl at this time, metallic door siya na parang vault. 


May hidden treasure kaya sa loob?


Isang square windowless metal room na may ancient writings sa walls ang tumambad sa akin. Binuksan ni Uncle Syl ang ilaw at may upuan sa gitna. Isang babae with red hair ang nakaupo sa upuan. May metal clasp ang paa at binti niya.


What the fuck? Ano to torture chamber?


Ngumiti ang babae sa amin nang maramdaman niya ang presence namin. Pero she even smiled bigger nang makita ko. Yung smile na cunning at may binabalak na masama.


"Reichel, this is Magawen, your great great great grandmother," pakilala ni Uncle Syl.

"I am so happy that I finally meet you, Reichel," matamis niyang bati sa akin na parang nasasabik na makita ko.


Di na ko nagulat dahil nakita ko na siya noon pa sa visions ko. Si Sage naman ay tahimik lang na nakatingin kay Magawen.


"As you all know, she is now known as Mistress Margaux. I found out that she's the one responsible for the attacks in the city. Siya din ang reason kung bakit nagkaroon ng new vampires dito."

"Silawin, maniwala ka sa akin. Hindi ko yun ginusto. Pinag-utusan lang ako. I was compelled by my maker," sabi niya na nagmamakaawa, but I felt like she's only acting to gain our sympathies. 

"We know who is your maker. Katulad ni Lena, you're probably being forced to do his bidding," sabi ni Sage. 


Deep in my guts, I know that she's lying. We may be blood related but I can smell the darkness within her. Di ako maaaring magkamali, Magawen is now pure evil.


"She's safe here as this room is protected. Kahit sino na kampon ni Kadiliman ang andito, manunullify ang powers dito. Magawen is also willing to teach Rei how to lift the spell," sabi ni Uncle Syl.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon