Chapter 21 - Vampire Boyfriend

36.5K 1.2K 20
                                    

Sinilip ko ang mango cake at ice cream na dala ni Sage. Sakto, eto yung favorite namin na brand ni Uncle Syl.


"Sage, ok lang ba na Sinigang na Baka ang ulam? May gusto ka pa---"


Di ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko na magkaharap si Uncle Syl at si Sage sa living room. Naka clench ang fist ng ni Uncle Syl at hindi ko maikakaila na galit ang nasa mukha niya. Si Sage naman ay gulat na gulat nang makita si Uncle.


"Uhmm Uncle Syl, this is Sage, my boyfriend," sabi ko para matigil ang massive tension between them. Bigla ko hinawakan sa braso si Sage kasi hindi ko sure kung magsasapakan sila anytime.


Magkakilala ba sila?


Mabilis na nakabawi ng composure si Uncle Syl at inabot ang kamay kay Sage for handshake.


"Sage..."

"Syl..."


Tension. Tension to the highest level ang naramdaman ko sa mga oras na yun. Di maikakaila na they know each other. Paano nila nakilala ang isa't isa?


"Uhmm handa na po yung lunch. Kain na muna tayo. Uncle, may dala din cake si Sage, yung favorite flavor mo," sabi ko sabay hatak sa kamay ni Sage papunta sa dining room.


Isang tahimik at awkard na lunch ang nangyari sa harap ng hapag kainan. Ang tanging ingay na maririnig ay yung kaba ng dibdib ko. 


Shit, problema to!


"Magkakilala po ba kayo?" binasag ko ang nakakabingi na katahimikan.

"Yes, we met a long time ago," maikling sagot ni Uncle Syl.


Long time ago? Paano nangyari yun?


"We're friends before, right Syl?" sabi ni Sage sabay kindat sa akin.

"That's right. Old friends."


Old friends? What the fuck? Di siguro alam ni Uncle Syl na alam ko ang pagkatao ni Sage. Pero paano naging old friends sila? Alam din kaya niya na vampire si Sage?


"Saan naman kayo nagkakilala?" curious kong tanong sa kanila at huli na nang mapagtanto na dangerous ang tanong na binitawan ko.

"Magkababata kami ni Sage," maikling sabi ni Uncle Syl.


Magkababata? Impossible! 

It is either nagjojoke lang si Uncle Syl or isa rin siyang ancient supernatural creature tulad ni Sage.


"Would you mind if I will borrow Rei after lunch? I promised to take her sa Ocean Park today," tanong ni Sage kay Uncle Syl, pero it sounds like inuutusan niya si Uncle Syl.


Wala naman kami plano pumunta sa park today. Sage is probably looking for a excuse para makaalis kami. It took a while bago nakasagot si Uncle Syl. Hesitant siya na makasama ko si Sage. I guess he knew what kind of creature Sage is.


"That's fine. Make sure na andito na siya bago mag hating gabi," sabi ni Uncle Syl.


Gusto ko sana magjoke na parang ako si Cinderella kaso wala sila sa mukha nila ang interested sa joke sa mga oras nato.


Sa wakas, natapos ang awkward lunch namin. Nagpaalam na si Sage at wala din kami kibuan sa sasakyan. Akala ko revelation of the century na ang pagiging vampire ni Sage. Di ko alam na magugulat pa pala ko sa malalaman ko about kay Uncle Syl.


Ano ba tong pinasok kong gulo? May vampire boyfriend ako at mysterious uncle


Kaloka talaga!

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon