"Five hundred years?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Hindi ka naman siguro imortal para mabuhay five hundred years ago. Tell me, how did you know na kamukha ko si Isagani?"
Isinalaysay ko kay Sage kung ano ang aking nasaksihan sa visions. Tahimik siyang nakikinig sa akin na para bang hindi weird ang sinasabi ko.
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang malaking gate sa loob ng isang exclusive subdivision. Alam ko mayaman si Uncle Syl, pero kung eto ang bahay ni Sage, higit na mayaman sila kay Uncle Syl.
Pinababa ako ni Sage at pumasok kami sa kanilang bahay. Tama nga ang hinala ko, sobrang grande ng loob ng bahay.
"Sage, asan tayo? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko pagpasok namin sa bahay nila.
"Di kita gagawan ng masama, kung yan ang iniisip mo."
"Sinabi ko ba yun? Grabe ka mag-assume! Bawal ko ba tanungin kung bakit mo ko kinaladkad dito?" sabi ko sa kanya habang iniikot ang paningin ko sa loob ng mala royal castle nilang bahay.
Inirapan lang ako ni Sage at umakyat sa grand staircase papuntang second floor. Di ko alam kung saan siya pupunta at wala naman ako choice kundi sumunod sa kanya.
"So di mo ko sasagutin kung bakit tayo andito? Silent treatment tayo? Ganern? Wala ako pera, Sage. Yung Uncle ko meron. Malay ko ba kung kidnap for ransom to," sabi ko habang naglalakad kami sa second floor.
Hindi ko alam ngunit biglang nakalapit sa akin si Sage. Yung parang nakafast forward at nasa harapan ko na siya. Kanina naglalakad lang siya ilang metro sa harap ko.
"Mukha ba kong kidnapper?" sabi ni Sage sabay hawak sa chin ko. Sobrang lapit niya sa akin at kulang na lang halikan niya ko.
Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi mukhang kidnapper ang kaharap kundi mukhang prinsipe.
"Masyado kang pogi para maging kidnapper," mabilis kong sagot sabay talikod sa kanya. Ayokong makita niya na namumula ang mukha ko.
"Do you trust me Rei?" bulong niya sa mga tenga ko habang nakatalikod ako sa kanya. Hinawi niya ang mga buhok ko at kulang na lang halikan niya ang leeg ko.
Do I trust him? Yes, definitely. I don't know why but I am sure that will do anything for this stranger.
"I am asking you, Rei. Do you trust me?" mahina niyang sabi habang lumalapit ang mga labi niya sa leeg ko. Unti unti kong nararamdaman ang breath niya sa batok at leeg ko.
Dapat itulak ko siya. Dapat tumakbo ko papalayo. Pero bakit napapikit na lang ako at hinihintay kung anong mga susunod na mangyayari.
"Answer me, Rei. Do you trust me?" mahina niyang tanong sabay dampi ng mga labi niya sa leeg ko.
Fuck? Is he kissing my neck?
Wait, wait wait! No!
He is biting my neck!
Fuck, vampire ba si Sage?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...