Chapter 16 - The Mummy

39K 1.2K 42
                                    

(POV Rusty)

Pagmulat ng aking mga mata, bahagyang liwanag lang ang aking naaninag. Wala na ang sakit ng aking ulo ngunit nakakaramdam ako ng matinding uhaw. Uhaw na di mapaliwanag. Uhaw na kahit ata tubig ay di kayang pawiin.


"Kamusta ka?" tanong ng boses sa akin.


Pagtingin ko sa pinagmumulan ng boses, isang binatilyong lalaki ang ngumiti sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na ang lalaking ito ang siyang kumagat sa leeg ko.


I found myself touching my neck instinctively, pero walang kahit anong trace ng sugat. Kahit ang sugat sa ulo ko ay wala na rin.


"Sino ka?" tanong ko habang bumabangon. I feel thirsty but I also feel lighter and energized.

"Ako si Isagani. Ikaw? Ano ang ngalan mo?

"I am Professor Rustico Elizalde or Rusty for short. Ikaw ba si Prinsipe Isagani? Anak ni Rajah Gatlan at Reyna Araya?" naguguluhan kong tanong.

"Paano mo nalaman ang aking ngalan? Nasa anong siglo na tayo?"

"Taon 1990. Mahigit apat na daan taon ka na nakahimlay kung tama ang nabasa ko na sa manuscripts," mahina kong sagot habang inoobserbahan ang binatang si Isagani na naguguluhan din.

"Hindi maaring mangyari ito. Taon 2017 pa ako dapat magising. Masyado maaga pa. Kailangan ko ng limang daan na taon na pagpapahinga."

"Pwede ka uli matulog Isagani. Isasara ko na lang uli ang coffin mo," sagot ko sa kanya though I am sure it does not work that way.


Dapat matakot ako sa vampire na kaharap ko, pero para akong naaliw sa isang taong galing sa panahon bago dumating ang mga Kastila. Siguro nga, history nerd ako.


"Ang babaylan, asan ang Punong Babaylan?"

"Hindi ko alam, Isagani. Hindi ko sinasadyang mapadpad dito sa himlayan mo. Ikaw ba ang nagpagaling ng mga sugat ko? Does it mean that I am a vampire?"

"Anong ang vampire?"

"Modernong pangalan ng halimaw na nabubuhay sa dugo ng tao."


Biglang tumahimik si Isagani. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na mahina siyang humihikbi. Ramdam ko ang sakit at pagsisisi sa kanyang pag-iyak.


"Patawarin mo ko Rustico. Hindi ko napigilan ang uhaw ko nang maamoy ko ang iyong dugo. At ngayon, katulad na kita, isang halimaw. Hindi ko hinangad na gawin ito. Ang sabi ng Punong Babaylan, mawawala lamang ang uhaw ko kapag lumipas ang limang daang taon. Pero nagising ako ng maaga, kulang pa ang aking pamamahinga."


Nararamdaman ko ang sincerity kay Isagani. Wala sa plans ko na maging vampire, pero wala na ko magagawa. Kung hindi ako naging vampire, malamang patay na ako.


"Alam mo ba kung paano tayo makakalabas dito?" tanong ko sa kanya.


Bata pa si Isagani. Para lang siyang college student at para ko na siyang anak sa edad namin. Kung totoo ang historical accounts sa kanya, naranasan niya ang hinagpis ng mamatay ang kanyang ama at maging halimaw sa paningin ng kanyang ina.


"Ang ilog ay dumederecho sa lawa," mahina niyang sabi.

"Mabuti pang umalis na tayo dito. Hindi matatanggap ng mga normal na tao na buhay o nag-eexist ang isang katulad mo."


Tinapon ko sa ilog lahat ng natirang bandages para walang kahit anong traces na may mummy sa loob ng metallic coffin. Saka ko na eexplain kina Gerald ang nangyari. Ang tanging nasa isip ko noon ay makalabas ng kweba at maprotektahan si Isagani.


Hindi ko alam kung bakit pero the moment he transformed me sa isang vampire, parang nagkaroon kami ng bond na kailangan ko siyang pagsilbihan at protektahan.


Simula noon, tinulungan ko si Isagani na mabuhay sa modernong panahon. Hinanap namin ang kasalukuyan na Punong Babaylan pero as expected, walang ganun sa panahon na ito. Napag-alaman ko na sinadyang itinago ni Prinsipe Isagani ang kanyang himlayan niya para hindi siya magambala at para protektahan ang sarili sa iba pang vampires. Kahit ang Punong Babaylan ay walang alam kung saan ang kanyang hibernation cave.


Dahil sa guilt na bumabalot sa kay Prinsipe Isagani, nagsimula kami maghanap ng mga rogue vampires na pumapatay ng tao at nagkakalat ng lagim. Para kaming vampire na vampire hunters. Sinimulan din namin hanapin kung paano mapapawalang bisa ang sumpa ni Miraya.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon