Chapter 42 - Shopping

33K 998 12
                                    

Days passed at wala kami kahit anong balita kay Uncle Syl. Sir Rusty attempted to call him and track him, pero hindi namin siya macontact. Kahit ako, nag woworry na din kay Uncle Syl.

Si Matthias naman or si Lena, they are not making any significant move. Pero hindi pa rin yun reason para hindi kami maging alerto.


"The school trip will be a two-day trip. I have sent the permission letters to your email. Kapag walang approval ng parents, you are not allowed to join the trip," explained ni Professor Chavez.

"Prof, malalaki na kami. College students na kami. Kailangan ba talaga approval?" tanong ng isang estudyante.

"Oo nga, prof. Di na kami elementary students," dagdag pa ng isang estudyante.

"This is not a mandatory trip. Your grades will not be affected. If you are unable to obtain an approval from your parents, feel free to join the field trip next year."


Madami ang umangal sa sinabi ni Professor Chavez, pero in the end, wala naman sila magagawa dahil policy ng school.


"Wala si Uncle Syl, so hindi ako makakasama dyan sa field trip na yan. Sabagay, last year hindi naman ako sumama," mahina kong sabi kay Sage nung pauwi na kami.

"Ginawan na ng paraan ni Rusty yang field trip na yan. Kinausap na niya si Professor Chavez and he explained na nasa amin ka ngayon dahil si Silawin ay nasa important business meeting overseas. Prepare mo na yung gamit mo mamaya dahil maagap aalis yung bus."


Sa totoo lang, gusto ko talaga sumama dahil gusto ko ang mga out of town trips. Two years na ko di sumasama sa field trip at excited ako dahil makakasama ako for the first time.


"Sage, bakit kailangan pa natin sumama? I mean, hindi ba delikado?"

"I will ask you the same thing. Bakit kailangan natin sumama? Saan ba tayo pupunta?"

"Sa beach cove. Teka, don't tell me kaya tayo sasama dahil gusto mo makakita ng mga naka two piece swimsuit na college girls?"

"Alam mo naman pala ang sagot, nagtatanong ka pa."

"Yun lang yung purpose mo? Hindi ba delikado na may student vampires sa school at may ancient royal vampire tayong classmate?"

"Armand and his two minions are not joining the trip. Nag stop na ata sila dahil di sila makakalabas during day time. May swimsuit ka ba?"

"Ha? Wala bakit?"

"Tara, mag-shopping tayo. Bili tayong swimsuit mo para di ka naman mukhang kawawa," hila sa akin ni Sage sa kotse.


Aalma pa sana ko pero narealize ko na shorts at shirts lang ang pang swimming ko. Wala man lang ako kahit rashgard. At tama si Sage, mayayaman ang mga classmates ko. Malamang mag mukha akong kawawa pag nagkataon kung ako lang ang naka shorts at t-shirt sa beach.

Hinayaan ko lang si Sage na pumili ng damit. Kumuha siya ng ilang swimwear at rashgard para sa aming dalawa. Pero gumugulo pa din sa isip ko ngayon ay kung paano ko mawawala ang sumpa ni Sage. 

Hindi niya alam na during my free time sa bahay nila, nasa study room ako ni Sir Rusty para mag-aral ng anything related sa vampire or sa Punong Baybaylan para makatulong sa kanya.


"Sir Rusty, pwede ba ko pumasok sa study room mo? Gusto ko lang sana magbasa ng books about ancient Filipino history, sa mga research mo at sa mga vampires," tanong ko kay Sir Rusty noon sa phone nung pumunta siya sa ibang bansa.

"May old hardbound leather book diyan sa bandang taas. You will notice it kasi dirty white ang color ng cover. That book is everything that I have regarding the lives of ancient Babaylans."

"Nakita ko na po. Ang kapal naman nito Sir Rusty, taon po ata bibilangin ko bago ko mabasa to lahat."

"Ipabasa mo kay Sage, twenty minutes tapos na niya yan. Pakwento mo na lang sa kanya ang mga important details."

"Naku, Sir Rusty. Busy yung anak anakan mo. Busy sa sun bathing. Ano ba trip niya at palagi siya nasa arawan?"

"Nabanggit niya minsan sa akin na mas relaxed siya at mas powerful pag nasisikatan ng araw. Ginagawa niya na yun bago pa siya maging vampire. Sabagay part of him is still an Alagad of Bathala."

"Sir Rusty, tatawagan kita uli pag may tanong ako. Mag-ingat ka diyan sa London. Balitaan mo ko kung may update ka kay Magawen or Uncle Syl."


"Hoy, day dreaming ka ba? Hawakan mo tong pinamili natin. Baka isipin ng mga tao, alalay mo ko," inis na sabi ni Sage sa akin.

"Tingin mo ba sa hitsura mo mukha kang alalay? Eh ako kaya mukhang PA pag kasama mo!" sabi ko sabay kuha ng tatlong paper bags.

"Rei, gusto mo ba ng Vanilla Almonds Ice Cream?" sabay turo niya malapit na ice cream parlor.

"Hehe, tinatanong pa ba yan? Libre mo ko. Yung pinaka malaki ah?"

"Basta may dessert din ako mamayang pag-uwi natin," ngiti niya sa akin sabay kuha sa mga kamay ko.

"Gusto mo talaga lahat may kapalit noh?"

"Aba siyempre, nilibre kita ng swimwear at ice cream, wala ba man lang ako na bloody drinks later?"

"Sige sige, konti lang, baka di ako magising ng maaga na naman."

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon