Dumating kami sa airport kung saan nakapark ang isang malaking Gulfstream G650 Aircraft. Para akong nasa isang lobby ng isang expensive hotel pagkapasok ko sa private plane ni Matthias.
May four cream colored seats facing each other at may fold-out wood table sa gitna. May mahabang white sofa at iba pang recliner seats in 1-1 configuration. Andoon na din si Sir Rusty at si Uncle Syl nang dumating kami.
Mahaba ang byahe at konting usapan lang ang nagaganap. Si Uncle Syl ay kausap ni Lena at tahimik na nagtatawanan. Lena looks happy. Sabagay, nabanggit na ni Matt sa akin na commanding officer niya noon si Uncle Syl and si Lena ay may lihim na paghanga dito noon pa.
Sir Rusty and Matt are busy reading books, mga nerds! Samantalang si Sage ay tahimik lang na nakapikit.
"Ok ka lang ba?" bulong ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Kanina pa kasi siya hindi kumikibo. Pero imbes na sumagot, tumango lang siya sa akin.
"Masakit ba ngipin mo at di ka nagsasalita?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Alam ko na, di ka pa nagtotoothbrush noh?" tanong ko ulit pero inirapan niya lang ako.
Kung ayaw mo ko kausapin, eh di wag. Kung gusto mo ng space, fine with me!
Tumayo ako sa upuan at nagsimulang maglakad papunta sa likuran. May small portion na may sink, fridge, microwave oven, coffee maker at cabinets, parang small kitchen. Pagbukas ko ng fridge, ang daming laman na imported chocolates boxes.
Godiva Dark Chocolate Truffles, pangalan pa lang, expensive na! Sakto, dadamihan ko kain ko bwahaha!
Isang kagat ko pa lang, parang gusto ko ng magtumbling sa tuwa. Sobrang delicious ng chocolate na to. After ilang minutes, bigla naman lumitaw si Sage sa kitchen na tinaasan ako ng kilay. Siguro alam niya na nakaubos ako ng one dozen na dark chocolate balls.
"Sage, gusto mo chocolate?" sabay abot sa kanya ng box.
"I am not hungry," maikli niyang sagot.
"Ahh nagsasalita ka pala. Kala ko naputol na yung dila mo. Sige ka, mapapanis laway mo."
Pero di ako sinagot ni Sage at nakatingin lang sa akin. Sa isang kisap mata, biglang may dark steamlike aura na lumabas sa kanya. Yung buhok niya, biglang humahaba ng mabilis. Tinignan ko si Sir Rusty, Uncle Syl pati si Lena at si Matt, ngunit wala silang napapansin na kakaiba.
Without warning, ang black steam na lumabas kay Sage ay parang hangin na unti unting bumalot sa akin. Para akong nasa loob ng isang black whirlwind. Gusto ko sumigaw, pero walang lumalabas sa bibig ko.
I found myself inside a dark cave, hinawakan ko ang walls ng cave at tumagos ang mga kamay ko. I am in vision again...
Sinimulan ko maglakad towards sa dulong bahagi ng cave kung saan madaming nakasindi na candles. Creepy looking place.
Asan na naman ba ako? Kaninong past or future tong napuntahan ko?
Sa tapat ng mga candles, may isang babae na nakasuot ng itim at ay itim na belo. Katabi niya ang isang lalaki na nakaitim din. Nakaluhod sila at magkahawak sila ng kamay as if nagdadasal. May sinasabi sa wikang di ko maintindihan, pero parang may hint ng Latin.
Namatay bigla ang mga kandila at biglang bumukas ulit. Tatlong beses nagpatay sindi ang mga kandila. Paano nangyari yun? Wala naman na hangin?
Dahan dahan ay lumabas ang itim na usok at nag-anyong isang lalaking may long silver hair. Parang out of thin air, nagmaterialize ang mala Greek god na lalaki na walang kahit anong saplot. Mabilis na tumungo ang babae at lalake sa harap niya as if they are worshipping this beautiful being.
Maya maya pa ay dahan dahan tinanggal ng babae ang kanyang belo at hinubad ang kanyang damit. Maging ang lalaki na katabi niya ay hinubad lahat ng saplot sa katawan. Napatakip na lang ako ng bibig nang makita ko ang kanilang pagtatalik sa harap ng silver haired being. Parang isang ritual ang nagaganap.
Biglang tinaas ng silver haired being ang kanyang kamay at lumabas sa kanyang bibig ang isang maitim na usok ang pamalibot sa babae at lalake. Pagkatapos ng ilang sandali, unti unting lumaki ang tyan ng babae. Within minutes, para na siyang isang buntis na ready na maglabor.
Akala ko hindi na ko magugulat ngunit, biglang humiga ang babae at mabilis na inilabas ang batang sanggol. Hindi lang isa, ngunit dalawang sanggol na lalaki. Parang achievement ang nangyari at ngumiti ang silver haired creature at biglang naglaho, pero bago siya tuluyang mawala, kitang kita ko ng ang anino niya ay may dalawang sungay at mahabang buntot na parang isang demonyo.
"Rei, talk to me," sabi ni Sage na nakahawak sa magkabila kong pisngi. Nasa kitchen pa din ako pero nasa lapag na ako. Mukhang nawalan na naman ako ng malay.
"Anong nangyari?" tanong ko sabay bangon. Si Uncle Syl naman ay nasa likod na ni Sage at inalalayan ako.
"Well, una, kumakain ka ng napakaraming chocolates. The next thing I know, bigla kang bumagsak sa floor and your eyes turned white, buti nasalo kita. I am sure you are in a vision again kaya hindi ko inattempt na gambalain ka. It only lasted for five seconds."
"Five seconds? I think my vision lasted more than ten minutes and it is fucking scary!"
"What do you mean scary?" tanong ni Lena na mabilis kumuha ng tubig para painumin ako.
Mabilis ko kinuwento sa kanila ang nangyari without leaving any details kahit may awkward na parts.
"I am sure that those twins are Armand and Arvind," seryosong sabi ni Sage.
"I have a feeling that Sage is right and it actually makes sense," sabi ni Sir Rusty.
"Armand and Arvind are product of black magic. Their power is probably rooted from a demon. I think Armand did not inherit the dark magic, but Arvind did. Bata pa lang ako, I know there is also something wrong with Arvind. Armand on the other hand is cunning and intelligent, but his soul is not tainted," paliwanag ni Sage.
"I can also agree to that. I have been studying the supernatural for the last five hundred years and there are few warlocks who existed on earth. They were humans created with a power of dark magic and a blessing from a demon. Once they use their magic, it will consume their life force. And I think, Arvind has an unlimited source of magic when Armand turned him to be a vampire. Yes, Rusty. It now makes sense," dagdag ni Uncle Syl.
"A vampire warlock? How can we even defeat that?" tanong ko sa kanila.
"We can't," mahinang sabi ni Uncle Syl.
"Uncle? What do you mean we can't?"
"There is no way to defeat a warlock. Para sa mga Alagad ni Bathala, we can just wait until they run out of juice. We don't have any known means to defeat them; hence, I avoid any encounter with these creatures for centuries."
"We'll find a way. I am certain the royal vampires are now aware of the vampire warlock's existence," dagdag ni Matt.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...