Chapter 69 - Heilig Family

28.8K 925 18
                                    

(Silawin's Diary)

Matagal ko na hinahanap ang isang mala demonyo na nilalang na puno ng balahibo at may sungay. Kilala sa tawag na horned demon. Ito ay nambibiktima ng pamliya at kadalasan ay babae.

Sa aking paglalakbay sa Austria, nakilala ko ang Heilig family noong 1960's. Ang ina at ama ng pamilya ay di ko na naabutan na buhay. Ngunit ang magkapatid na si Helda at Elias Heilig ay buhay pa at kaharap ang dambuhala na halimaw. Nagawa ko paslangin ang halimaw gamit ang isang espada na bigay ni Andreya. Ngunit ako din ay nakatanggap ng mga sugat na tila di gumahaling at unti unting nagpapahina sa akin.

Pagkatapos namin mailibing ang kanilang mga magulang, si Helda at Elias ang nag-alaga sa akin. Si Helda ay dalawampung limang taon gulang samantalang si Elias ay kotorse lamang. Unti unting lumala ang aking kondisyon kung saan hindi na ako makalakad. Ang maliliit na sugat ay kumalat sa katawan ko na para bang isang nakakahawang sakit.

Napag-alaman ko na si Helda at ang kanyang ina ay may dugo na tinatawag na White Witches. Sinubukan ako pagalingin ni Helda gamit ang kanyang kapangyarihan at spells. Di ako maaring magkamali, ganto din ang kapangyarihan ng anak ko na si Andreya. Mula sa kalikasan, sa araw at kay Bathala.

Lumipas ang buwan at unti unti akong gumaling. Buong puso ako tinulungan ng magkapatid dahil utang nila ang buhay nila sa akin. Sa loob ng isang taon, si Elias at si Helda ang nakasama ko. At sa loob ng maikling panahon, umibig ako kay Helda. Ngunit kami ay nasa magkaibang panahon. Wala akong pag pipilian kundi lumayo sa kanya dala ng aking misyon na pwedeng maglagay sa kanya sa panganib...


Sa aking pagbabasa ng diary ni Uncle Syl, wala siyang binanggit tungkol sa lovelife niya except kay Helda Heilig. Kung totoong White Witch si Helda or may kapangyarihan siya ng babaylan, maari niya akong matulungan.

Sa isang magarang apartment unit sa Vienna ang last known address ni Helda. Pag punta ko sa apartment, isang matandang babae ang sumalubong sa akin. Mahaba at puti ang kanyang buhok, pero ang kanyang magagandang mata ay puno ng talino as if she is full of knowledge and wisdom.

"Good afternoon. Ako po si Reichel Manahan. Apo po ako ni Syl o Silawin. I am looking for Helda Heilig."

"Silawin?"

Ang gulat at tuwa ay bakas sa kanyang mukha nang marinig niya ang pangalan ni Uncle Syl. She did not think twice at pinatuloy niya ko sa loob. Isang mamahalin na apartment unit ang tumambad sa akin.

"Buhay pa ba si Silawin?" tanong niya habang kami ay nasa kanyang veranda for an afternoon tea. Tumango lang ako dahil hindi ko masabi sa kanya na immortal si Uncle Syl.

"Nabanggit niya na isa po kayong White Witch. Yun po ang reason kaya andito ko. I am hoping you may be able to help me." 

Yari ako kay Uncle Syl pag nalaman niya na pinuntahan ko si Helda ng walang paalam.

"At nararamdaman ko na ikaw din ay isang White Witch, ngunit may kakaiba kang kapangyarihan, dark and dangerous."

"Wag po kayo mag-alala. Hindi ko po gagamitin sa kasamaan ang kapangyarihan ko."

"Anong talagang pakay mo dito?" tanong niya habang pinag-aaralan ako.

"Mahina po ang kapangyarihan ko at gusto ko humingi ng tulong sa inyo. May mga tao po na kailangan ng aking tulong."

Umiling ang matanda. Shit, ayaw niya ko tulungan. I am sure she knows that I am a vampire at nararamdaman niya ang vampiric powers ko.

"Hindi mahina kundi nacoconceal ng mas malakas na kapangyarihan ng Kadiliman. Utang ko kay Silawin ang buhay ko at gagawin ko ang lahat para tulungan ka. I can also feel that you have a pure heart, so I will help you."

Dahil malawak ang apartment ni Helda, doon niya ko pinatuloy at tinuruan lahat ng aking dapat malaman. Para tuloy akong may babaylan trainer. From basic herbal spells at elementals spells, mabilis akong natuto. Wala kaming sinayang ni Helda na oras, araw araw ay may makabagong lessons. Araw araw, napakarami kong natutunan. Kahit ang mga hidden at dangerous spells ay pinag-aralan din namin.

Dalawang buwan ako nagstay sa Austria at hindi ako lumalabas ng apartment nila Helda. The moment na lumabas ako, may chance na makita ako ng mga tauhan ni Matt.

"Kailan ka babalik sa university?" tanong ni Helda habang papunta kami sa kanyang kwarto.

"Sa Monday na po. Mamayang gabi na po ang flight ko. Maraming salamat po Lola Helda sa lahat ng tinuro mo sa akin. Promise bibisita uli ako dito."

"At sana, pagbalik mo, wala na yang sakit sa puso mo."

"Ano po yun?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Akala mo ba matatago mo sa akin ang heartache na nararamdaman mo? Ang dami nating spells na ginawa together. I can feel your emotions and your pain," nakangiti niyang sabi habang binuksan niya ang cabinet.

"I am okay, Lola Helda. Nagdadalaga ko kaya ganun. Heartache, part of growing up yan," biro kong sabi sa kanya.

"Basta alagaan mo ang puso mo, Reichel. Wala na akong tagapagmana at alam ko magagamit mo to," sabi niya sabay bigay ng isang small jewelry box na may laman na isang aquamarine necklace.

"Ano po to? Ang ganda parang bluish medalyon ni Sailor Moon."

"Family heirloom ng mga Heilig. You can harness great power from this medallion ngunit para lamang sa kabutihan. It will not work kung gagamitin ito sa kasamaan."

"Sigurado po kayo na ibibigay niyo sa akin to?"

"Ang anak ko na si Martha ay pumanaw ng maaga. Ang apo ko naman na si Adam ay walang kahit anong kapangyarihan ng White Witches. Normally nagmamanifest ito sa mga kababaihan."

"May anak at apo po kayo?" gulat kong tanong habang pinagmamasdan ang medieval looking medallion na may bluish gem sa gitna.

"Bago ko nilisan ni Silawin, hindi niya alam na pinagbubuntis ko na si Martha. Alam ko na alam niya na nagkaanak kami dahil may misteryosong lalaki na nagbibigay sa amin ng pera at malaking bahay ng kapatid ko na si Elias. Alam ko na si Silawin yun. At alam ko din na may natatago siya reason kung bakit siya lumayo. Hindi niya kailangan na magpaliwanag dahil naiitindihan ko."

Mystery man? 

I agree with Lola Helda, very Uncle Syl nga ang peg. Lumayo siguro si Uncle Syl para maprotektahan sila.

Niyakap ko si Lola Helda bago umalis at nagpasalamat. Hindi ko alam kung galit sa akin si Sage pagbalik ko or probably wala siya pakialam dahil si Magawen na ang nagmamay-ari ng puso niya.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon