Pagmulat ng mga mata ko, nakahiga ako sa kama sa loob ng isang malaking kwarto. Mataas pa rin ang araw. Siguro nag pass out lang ako ng ilang minuto.
Shit! Kinagat ba ko ni Sage sa leeg kanina? Siya ba ang vampire na nambibiktima ngayon sa mga kababaihan?
Sinbukan ko hawakan ang leeg ko, pero walang kahit anong sugat.
Isa na naman bang vision ang nangyari? Nananaginip lang ba ko? Kaloka! Ano na bang nagaganap?
"How are you feeling?" tanong ng isang na lalake na naka eyeglasses.
Nakatayo siya malapit sa full height glass windows na overlooking sa malaking garden. Matangkad at payat. Para siyang isang nerd, pero pogi din at possibly nasa late thirties na siya.
Teka, sino naman 'to? Nasaan na naman ba ko?
"Sino po kayo? Nasaan po si Sage?" tanong ko sabay bangon sa kama.
"I am Rusty, daddy ni Sage. Nag-collapse ka a few minutes ago kaya dinala ka niya sa kwarto niya," nakangiting sagot niya.
Daddy ba ni Sage 'to pero bakit mestizo? At saka bakit parang bata pa ang hitsura?
Shit, vampire ba silang dalawa? No, no, no. Hindi totoo ang vampire.
Pero I am sure, kinagat ni Sage ang leeg ko.
Binalot ng takot ang buo ko pagkatao.
Ako na ba ang gagawin nilang dinuguan dinner tonight? Pero bakit buhay pa ko?
Sana deds na ko ngayon kung may masama silang balak sa akin.
"Sage told me that you met Isagani in a vision. Is that right?" tanong niya nang hindi ako kumibo.
"Uhmmm. Parang ganun na nga po, pero hindi ko po ma-explain sa logical na way."
"I am a History and Archaeology professor. It is also my hobby to study ancient supernatural events and the occult. So, naniniwala ako sa mga bagay na hindi kayang explain ng modern science," sabi ni Rusty sabay bukas ng pinto. He motioned me to follow him.
"Paano niyo po ma-eexplain 'yong visions ko or kung ano man na tawag doon?" tanong ko sabay pasok namin sa isang malaking room na puno ng libro. Parang isang library with countless collections of book.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit mo nakita si Isagani sa visions mo. That is actually weird, pero sa mundo na ginagalawan ko, weird is kinda normal," sabi niya sabay bigay sa akin ng isang lumang libro.
Binuklat niya ang libro na naglalaman ng kakaibang characters. Nagstop siya sa isang page na kung saan may drawing ng isang lalaki, si Isagani.
"This is Prinsipe Isagani. Nabuhay siya five hundred years ago. According sa ancient Filipino mythology, si Isagani ay isang dugong bughaw na susunod na taga pamuno sa sampung kaharian. Ang kanilang pamilya din ay binasbasan ng Punong Babaylan para maging tagapagligtas ng kanilang nasasakupan para sa mga Kampon ni Kadiliman. Tinatawag siyang Alagad ni Bathala."
"That explains ang superhuman speed niya noong sinaksak niya si Miraya. Isa pa lang siyang super hero," biro ko kay Rusty.
"Si Miraya naman isa sa mga makapangyarihan na babaylan. I don't know much about her, pero ang sabi sa kwento, napariwara si Miraya during her journey at naging tagapaglingkod ni Kadiliman," dagdag ni Sir Rusty habang pinapakita ang drawing ni Miraya.
Ang larawan ni Isagani at Miraya ay kamukha ng mga tao na nakita ko sa visions.
Bakit ko sila nakita? Anong connect ko sa kanila?
"Sir, you are explaining these things as if nangyari sila sa real life. These are just stories, right? Alamat lang o makalumang kwento?"
"Ikaw, ano sa tingin mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Tingin ko, naapektuhan lang ako ng mga pinapanuod ko about supernatural stuffs. Impossible na may ganyan na hanash sa real life."
"Talk to Sage. Andun siya sa may garden. Magpreprepare lang ako ng dinner, sandwich lang daw ang kinain niyo kanina. Siguro nalipasan ka ng gutom kaya ka nagcollapse."
Sir, kinagat ako ng anak mo sa leeg kaya ako nagcollapse!
Pero hindi ko sinabi 'yon sa daddy ni Sage. Lumabas lang ako ng kwarto para hanapin at harapin ang blood sucker creature na si Sage.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...