Chapter 2 - Reichel

70.6K 2.3K 384
                                    

My name is Reichel Amber Manahan or Rei for short. Isang simpleng college student na ang tanging hangad ay makagraduate, makapag trabaho, mag-asawa, magka-anak at magkaroon ng happy ending.


Pinanganak akong mahirap kaya ang hobby ko ay mangarap


Mangarap na magkaroon ng pogi na boyfriend. Mangarap manalo sa lotto. Mangarap magkaroon ng house and lot. Mangarap magkaroon ng sports car, yung red.


Libre naman mangarap, so why not?


Wala na ang aking mga magulang. Nasawi sila sa isang boat disaster bago ko grumaduate ng high school. Isang barong barong sa mala-squatters area na barangay ang tangi nilang pamana sa akin.


Pero sa isang iglap, ako ay naging isang rich girl dahil sa kay Uncle Syl. Si Uncle Syl ay ang younger half brother ng mama ko. Nang malaman niya na nasawi si mama at papa sa isang aksidente, umuwi siya from Europe para kupkupin ako at pag-aralin.


At ngayon, buhay prinsesa na ko sa isang malaking mansion sa isang executive subdivision. Pero boring as fuck ang buhay ko. School bahay, bahay school lang ang routine ko. Madalas, laptop at phone lang kaharap ko. Salamat na lang sa dalawang German Shepherd dogs na kasama namin ni Uncle Syl na nagsisilbing friends at mga bantay ko.


Si Uncle Syl lang ang kasama ko sa bahay, kaso madalas naman ay may extra-curricular activities siya. Nawawala pag gabi at umaga na kung umuuwi.


Part time call boy kaya siya? Vigilante sa gabi? Escort service?


Isang misterio sa akin si Uncle Syl. May secret kwarto pa siya na bawal pasukin. Siguro playroom niya parang Christian Grey.


Gwapo at matipuno ang katawan ni Uncle Syl. Madaming babae napapatingin sa kakisigan niya. Pero wala naman siya jowa at wala din siya dinadala na babae dito.


Gay kaya siya?


I don't care naman kasi he is good person. Wala ako mapipintas dahil sobrang bait, sobrang makalinga at mapagmahal niya. Ilan taon lang ang tanda niya sa akin at utang ko sa kanya ang pag-aaral ko.


Nag-aaral ako sa isang prestige na university na focus sa mga business related courses. Kaunti lang ang estudyante dito at madalas, anak pa ng mga rich businessmen and billionaires.


Third year college na ko ngayon. Akala ko isang boring na semester na naman ang dadaan. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko ang transfer student na si Sage Elizalde, isang instant campus hearthrob.


Ang lalaki na makapagpapabago sa buhay ko...




---

- Sage Elizalde

- /seyj/





Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon