Chapter 28 - Rose and Michael

38.1K 1.1K 15
                                    

Dahil sa pagbubuntis ni Magawen, naisipan namin na lumayo sa bayan. Ang dating matahimik na lugar sa pamumuno ni Rajah Gatlan ay napuno ng kadiliman at takot. Nagsilisan ang mga tao dahil sa madugong kasaysayan ng aming lugar. 

Lumipas ang panahon at naging isa na lamang tong alamat. Walang naglakas ng loob ng itala ang nangyari sa kasaysayan sa takot na balikan sila ni Miraya o ni Prinsipe Isagani.


Lumipas ang araw at naramdaman ni Magawen na unti unti na naglalaho ang kanyang kapangyarihan bilang Alagad ni Bathala. Nang maipanganak niya ang aming anak, biglang naglaho ang kanyang kakayahan bilang isang babaylan at napag-alaman na lang namin nailipat ito sa aming anak.

Pero hindi doon nagtatapos ang gulo. Ang mga tao na naging vampire dahil sa mga unang pag atake ni Prinsipe Isagani ay patuloy na nagkalat ng dilim. Marami silang naging biktima at napuno kami ng takot dahil si Prinsipe Isagani na dapat namin na tagapagligtas ay nakahimlay na ngayon sa kabundukan.


Isang araw, nangahoy kami ng anak ko na si Andreya. Pag balik namin sa aming kubo ay wala ng araw. At natagpuan namin si Magawen na duguan, walang malay at may kagat sa leeg. Kahit masakit sa aming kalooban, sinubukan namin na sunugin ang kanyang bangkay bago maging isang lingkod ni Kadiliman.

Lumipas ang panahon at lumaki si Andreya na taglay ang kapangyarihan ng isang Punong Babaylan. Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, gumamit siya ng ritwal para maging isa akong Alagad ni Bathala.


Ngunit, si Andreya ay sadyang makapangyarihan at ang aking mortal na katawan ay unti unting bumalik sa pagkabata, sa panahon kung saan ko nakilala ang kanyang ina. Simula noon, ako ay naging isang imortal na Alagad ni Bathala. Nalibot ko ang buong mundo para paslangin ang mga kampon ni Kadiliman.

Samantalang si Andreya ay nanatiling isang mortal. Umibig, nagkaanak at nagkapamilya. Ang kanyang mga naging anak at apo ay inalagaan ko sa malayo. Ang tangi kong maipapamana sa kanila ay ang aking proteksyon. Ngunit ako ay nabigo tatlong taon na ang nakakaraan.


Ang ina ni Reichel na si Rose ay pamunta sa probinsya ng kanyang asawa na si Michael para sa isang pagtitipon. Ngunit hindi na nakarating ng buhay si Rose at si Michael sa kanilang patutunguhan. Isang aksidente daw sa bangka ang nangyari kaya sila nasawi pero hindi ako naniniwala. Ginamit ko lahat ng makakaya ko para malaman ang katotohanan.

Ayon sa isang saksi na tanging nabuhay sa trahedya, si Rose at Michael ay pinaslang ng isang di kilalang lalaki at sinunog ang bangka para walang kahit sinong makaalam ng totoong nangyari.


 Bago pa mangyari ang trahedya, sinubukan akong kausapin na Rose para alagaan ang kanyang anak kung may mangyayaring masama sa kanya. Dahil dugo ng Punong Babaylan ang dumadaloy kay Rose, may kakayahan siyang malaman kung nalalapit na ang kanyang kamatayan.

Hindi ko lang inaasahan na magiging mabilis ang mga pangyayari. Wala ng buhay si Rose nang makabalik ako dito sa Pilipinas.


Ang luha ko ay unti unting tumulo habang nagbabahagi ng kwento si Uncle Syl. Ang akala ko na isang aksidente ay isa pa lang planadong pagpaslang sa mga magulang ko.


"Bakit kailangan na mamatay si mama at papa? Sino ang magtatangka sa buhay niya?"

"Ang iyong ina ay may dugo ng Punong Babaylan. Nasa dugo niya ang susi kung paano mawawala ang sumpa kay Prinsipe Isagani. Pag nawala na ang sumpa, lahat ng mga vampires ay magiging tao muli. Ngunit hindi lahat ng vampires ay katulad ng adhikain ng mahal na prinsipe. They want to stay immortal to gain more power and control," paliwanag ni Uncle Syl.

"Does it mean na nasa dugo ko na ang sagot para maging tao si Sage? Pero uncle, wala ako alam. Wala akong idea sa spells and ritwals ng mga babaylan. Yung College Algebra ko nga bagsak ako, spells pa kaya?"

"Si Rose ay isang tagapagmana, pero hindi nagmanifest sa kanya ang kapangyarihan ng isang Punong Babaylan. Samantalang ikaw, sa batang edad, nakakakita ka na ng pangitain or visions."

"Uncle, sino ang nakakaalam sa pagkatao ko bukod sayo?"

"Hindi ko alam, pero may hinala ako na isa sa mga sinaunang vampire sa panahon ni Prinsipe Isagani ang ang nagtangka sa buhay mo at pumaslang sa mga magulang mo. Matagal ko nang hinihimok si Rose na tumira sa akin kasama ni Michael, pero mas pinili niya manirahan sa isang barong barong. Lumalapit lang siya sa akin kung kailangan niya talaga ng tulong, katulad nung ikaw ay nadala sa ospital noong pitong taong gulang ka. Your mom is a symbol of humility and pure love. Mahal na mahal niya ang iyong ama."

"That does not explain why those kiddie vampires are after her?" tanong ni Sage.

"I have a perfect explanation for that..." sabi ni Uncle Syl.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon