Chapter 31 - In Pain

34.5K 1.1K 37
                                    

Pagkatapos ng usapan namin tungkol kay Magawen, umalis na si Uncle Syl at kasama niya si Sir Rusty. Kailangan nilang mahanap si Magawen as soon as possible. As long as she is free, I am in great danger.

"Simula ngayon, sabay na tayo papasok. Di ka na din titira sa amin. Narinig mo naman siguro si Silawin," sabi ni Sage sabay akyat sa grand stair case papuntang second floor.

Ano problema nito? Bakit badtrip ata?

"Hoy, Sage. Pumayag na ba ko na dito titira?" tanong ko habang tumatakbo at hinahabol siya.

"Di ba Silawin already decided that you'll be under my care? He needs to deal with Magawen and he needs to focus with his mission. Rusty will help him so I am in charge of protecting you," seryoso na sabi ni Sage sabay pasok sa kwarto niya.

Bakit bigla tong naging suplado? Drastic mood change?

"Eh bakit ang sungit mo naman? Meron ka ba?"

"Get out Rei. Gusto ko magpahinga," sabi niya sabay higa sa kama niya. 

Anak ng tokwa? Suplado mode activated?

"Are you kidding me? Kailan pa napagod ang isang vampire tulad mo?"

"Rei, please. Just leave me alone. Gusto ko mapag-isa."

"I think I know why you're acting this way," mahina ko sabi sa kanya sabay upo sa tabi niya.

"Get out, Rei. Do I have to repeat myself again?"

"Sage... you loved her right? Magawen?"


Isang cold stare lang ang natanggap ko sa kanya which serves as a confirmation ng hinala ko

Fuck, it hurts!

"Mahal mo siya di ba?" mahina kong tanong sa kanya.

"Kababata ko si Silawin at Magawen. Minahal ko sa malayo si Magawen dahil alam ko na si Silawin ang mahal niya. Sa batang edad, siya ay naging Punong Babaylan. Sila ni Silawin ang naging mentors and trainers ko."

"At ngayon na buhay siya, do you think there's a chance for both of you dahil pareho na kayong vampires?"

"Bakit mo ko tinatanong ng mga ganyang tanong?"

"I don't know. Curious lang siguro ako," mahina kong sagot sa kanya.


I can't tell him na I am curious and I want to know the truth because I love him. I want to know kung mahal pa niya si Magawen.


"Rei, I thought she's dead, but knowing that she's alive and turned into a monster hurts me like hell. It's my fault. Kasalanan ko kung bakit siya naging halimaw tulad ko."

"No, Sage. It was never your fault," sabi ko sa kanya sabay lapit sa kanya.


I know Sage is really in pain. I can feel his torment. The same agony na naramdaman niya noong una niyang nakuha ang sumpa ni Miraya. I touched his face with both of my hands. Alam ko na gustong tumulo ng mga luha niya. The emotional side of Sage is facing me right now.


"Sage o Prinsipe Isagani o kung sinong halimaw ka man, hindi mo ginusto na manakit ng kapwa. Dala lang ito ng sumpa. Sa dugo ko dumadaloy ang dugo ni Magawen, gagawin ko ang lahat para mapa walang bisa ang sumpa na nagdadala ng lungkot sa iyo," sabay halik ko sa noo niya.

"Rei..."

"Hindi man ako makapangyarihan tulad niya, pero gagawin ko ang makakaya ko para makalaya ka."


Niyakap ako ni Sage at hinayaan ko lang siyang umiyak. This man is indeed alone in his own dark world. And I will stay with him for as long as I can...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon