Chapter 40 - One Heir

32.7K 1K 30
                                    

Padabog akong pumasok sa kotse ni Sage. Pinamukha na naman kasi niya sa akin na di niya ko type. 


Di ba niya alam na nakakainsulto sa pagkababae ko yun? Or he is just being damn honest?


Pero di niya maiwasan na mag-taas ng kilay nang makita niya kung anong suot ko.


"At bakit ganyan suot mo?" inis na tanong niya habang nagdridrive papuntang school.

"Pakialam mo ba! Di mo naman ako type di ba? Eh what if sabihin ko sayo na type ko si Matthias? Siya ang epitome ng man of my dreams. May magagawa ka ba?"

"Balak mo ba siyang akitin gamit ang mini skirt mo?" nakakunot ang ulo na tanong niya sa akin.

"Hindi ko siya kailangang akitin. Alam mo naman siguro na binigyan niya ko ng white blade for my defense. It only means that he cares for me."

"He cares for you? Matthias is a five hundred year old vampire, di mo alam kung anong iniisip niya. Wag mo sabihin kaya ka nag make-up at nag suot ng seductive dress para sa kanya? Just so you know, di bagay sayo."

"Tinatanong ko ba fashion opinion mo?"

"Tsk!"


Pagdating namin sa school, mabilis akong iniwan ni Sage at nauna na siya pamunta sa classroom.


Tignan mo tong gagong to! Sasabihan ako na hindi ako type kahit maghubad ako, tapos nagagalit naman nung sinabi ko na type ko si Matthias! 

Bipolar disorder talaga!


"Reichel, good morning," bati sa akin ni Matthias na kalalabas lang din ng kotse.

"Matt, good morning," matamis kong bati sa kanya. I can't let him know na duda ko sa personality niya.

"Lovers quarrel?" tanong niya sa akin. Siguro nakita niya na nakasimangot si Sage at iniwan ako mag-isa.

"What? No, that's nothing," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa university building.

"Sage is your boyfriend, right?"

"Yes and Lena is your... Uhmmm girlfriend di ba? I saw you're always with her during lunch breaks."

"Lena? No no. She's a friend, a companion," sabi ni Matthias sabay tawa na para bang funny ang idea na lovers sila ni Lena.

"So Matt, why did you transfer here? What exactly are your plans?"


Kung meron lang physical na kamay ang konsensya ko, malamang binatukan ko na sarili ko. Masyado personal ang tanong ko at baka mag hinala siya na may alam ako sa katauhan niya.


"Reichel, do you believe in magic?"

"Like David Blaine and Criss Angel magic? Hehehe no eh. Di ba na revealed na ni Masked Magician ang mga tricks nila?"

"I'm talking about ancient sorcery, finest witchcraft and arcane magic."

"I'm a big fan of fantasy novels so naniniwala ako sa mga ganyan. I even believe in the supernatural like Aswang and Vampire shit."


Patay! Nabanggit ko ang vampire! Bakit ba kasi ang daldal ko bigla? 


Siguro part of me really wants​ to know why a royal vampire is here with us.

"I am actually researching an old lore here in the Philippines. It's about a sacred magic of removing an ancient and powerful curse."


Removing a powerful curse? Yung vampire curse kaya ang tinutukoy niya? At bakit nag-oopen up siya sa akin about these stuffs?


"For what? Siguro gusto maging next na JK Rowling or Anne Rice noh? May balak ka maging author ng isang supernatural na book?"


Ang lame ng palusot ko! Sana hindi niya mahalata na namutla ako sa sinabi niya.


"You're smart, Reichel. And you're actually right. I'm actually researching it for my novel."

"Ah writer ka pala. Buti ka pa may talent, samantalang ako, talent ko lang kumain. Saan mo naman balak gawin ang research mo?"

"I actually found a bloodline dated pre-Hispanic times wherein they are capable of such magic. Their lineage is capable of harnessing such powerful magic," sabi ni Matthias sabay titig sa akin as if waiting for my reaction.


Shit! Ako ba tinutukoy ni Matt? Alam na kaya niya na super apo ako ng Punong Babaylan?


"Ows? May ganun dito sa Pilipinas?" kabado kong tanong sa kanya.

"Yep. And there's only one heir to this kind of magic." 


Fuck, I'm doomed. Buking na ko ni Matt!


"One heir? Meaning isa na lang ang capable na gumawa ng magic na sinasabi mo?"

"That's right and she's a student in this school." 


Anak ng tokwa! Bakit ba kasi ko iniwan ni Sage? Di ko tuloy alam kung paano sasagutin si Matthias...


"Weh? Totoo? Wala naman ako nabababllitaan na magical being dito sa university. Alam mo, kung need mo ng magical help, sa Quiapo daw madami ancient warlocks. Ikaw talaga Matt. Writer ka nga, ang dami mo alam," pabiro kong sabi sa kanya.

"I like it when you say my name like that. Please call me Matt from now on."

"Masyado kasi seryoso ang Matthias, parang isang primeval being. Matt na lang para modern."

"That's fine with me, Reichel," sabi niya pagpasok namin sa classroom.

"Sure Matt. See you later," malambing kong sagot sa kanya. 


Mahina lang pero enough para marinig ni Sage. Badtrip pa din ako sa kanya nung iniwan niya ko mag-isa sa parking lot.


"Matt huh? Close na kayo?" mahina na tanong ni Sage pag-upo ko desk na katabi niya.

"Oo and it is none of your business!" mahina kong sagot sa kanya.

"Hindi talaga bagay sayo ang mini skirt at make-up. Magpants ka na lang," nakasimangot niyang sabi sa akin.

"Pakialam mo ba? Pinapakialaman ba kita sa pang ookray mo sa akin? For your information, close na kami ni Matt and I think he likes me."

"Yeah right. He probably likes to suck your blood."


Nilabas ko lang ang dila ko para mag behlat sa kanya na parang bata. 

As expected, isang matalim na irap ang nakuha ko. Natapos ang klase at tinakasan ko si Sage para pumunta sa swimming pool.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon