Tahimik kami na nasa loob ng kotse ni Uncle Syl. Inanyayahan kami ni Sage na pumunta sa bahay nila at surprisingly, pumayag si Uncle Syl. Mabilis ko na binuod sa kanya ang tungkol sa visions ko at sinalaysay din ni Sage ang mga sinabi ng mga newbie vampires na naencounter namin sa university.
"Alam ko may tinatago ka Silawin. Sino si Rei? Anong kinalaman niya sa akin?" tanong ni Sage kay Uncle Syl nang makaupo kami sa living room.
"Reichel is my great great great granddaughter. Hindi totoo na half brother ako ng mama niya," sagot ni Uncle Syl after long silence.
"Ahhhh super lolo kita ganun ba?"
"That's right. I am not really your uncle, but we are still blood related. I am sorry Reichel kung hindi ko pinagtapat sayo. Akala ko, katulad ka ng mama mo na walang kapangyarihan," mahinang sabi ni Uncle Syl.
"So walang magical powers ang mama ko?"
"Magawen and I had a daughter and she's talented. I think she is more powerful than Magawen herself. Pero ang mga sumunod niyang anak ang naging apo ay walang kahit anong manifestation ng kapangyarihan ng Punong Babaylan hanggang sa mama mo," paliwanag ni Uncle Syl. Si Sage naman at si Sir Rusty ay tahimik na nakikinig sa amin.
"Tama nga ang nakita ko sa visions, nagkaanak nga kayo ni Magawen."
"Bago mahimlay si Prinsipe Isagani, ginamit ni Magawen ang dugo niya bilang binding agent sa sleeping spell para masimulan ang pagdisperse ng curse ni Miraya. Magawen is your great great great grandmother. Her blood runs through your veins. It's probably the reason kung bakit attracted si Prinsipe Isagani sa dugo mo."
"May lahi pala ako ni Punong Babaylan? Bakit wala man lang akong ibang powers?"
"It makes sense, Rei. Kaya pala may visions ka. Kaya pala di tumatalab kahit sinubukan ko burahin ang memories mo, ikaw ay may dugo ng Punong Babaylan," sabi ni Sage.
"Pero Sage, wala naman ako na super speed or super strength? Corny naman. Pangarap ko pa naman maging super hero."
"Your visions are just the beginning. You will soon feel the power of Bathala. Kailangan mo lang ng guidance at training," sabi ni Uncle Syl.
"I have some materials about the ancient spells of babaylan. Mga documents na nahukay namin sa kabundukan ng Benguet. Makakatulong sayo yun Reichel," dagdag pa ni Sir Rusty.
"Napreserve ko din ang ibang libro ni Andreya, ang aking anak. Magagamit mo yun. Ang tagal kong hinintay na ibahagi ito sa susunod kong apo. Daan taon ang lumipas at di ko akalain na sayo lilitaw ang kapangyarihan ng Punong Babaylan," masayang sabi ni Uncle Syl.
I can feel na fulfillment para sa kanya na malaman na ang kapangyarihan ng Punong Babaylan ay dumadaloy sa dugo ko.
"I am very willing po na matuto. To be honest, excited pa nga ko. Akala ko isang boring na buhay ang meron ako, pero di ko alam na makikilala ko ang tatlong supernatural creatures na tulad niyo."
"Matagal na namin hinahanap ni Sage ang Punong Babaylan at masaya kami na natagpuan ka na namin," nakangiting sabi ni Sir Rusty.
"Silawin, how about the thirst of the three newbie vampires? Bakit sila attracted sa dugo ni Rei?" tanong ni Sage kay Uncle Syl.
"Oo nga naman. Bakit pati sila mukhang interested sa dugo ko? Feeling ko tuloy in-demand na ko."
"That's just half of the story..." Uncle said and bitterly smiled at us...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...