Chapter 15 - Earthquake

38.9K 1.2K 38
                                    

(POV Rusty - Flashback)


Gerald is right. The cave looks normal. It does not have awesome features like stalactites and stalagmites. Average and plain lang. Walang any indications na ginamit itong burial place ng isang Filipino royalty.


Binuksan ko ang aking bag at sinimulan na tignan ang mga printed photos ng manuscripts na natagpuan nila Gerald sa loob ng mud vases. Puro writings, like an epic story of how Prince Isagani became a monster. Pero walang kasunod kung ano nangyari sa kanya. Ang tanging nasa scrolls ay ang description ng kanyang final resting place.


Without warning, biglang gumalaw ang lupa na aking nasa paanan. Nagsimulang yumanig ang lugar ng ilang minuto.


Is there an earthquake? Bakit kailangang na magka earthquake sakto habang nasa cave ako?


Sinubukan ko tumakbo palabas ng cave ngunit biglang gumuho ang lupa na inaapakan ko at nahulog ako kasabay ng mga bato at lupa pababa. Sigurado eto na ang katapusan ko na dahil walang makakaligtas sa pagbagsak ko. Pero imbes na matigas na lupa ang binagsakan ko, nahulog ako sa tubig.


Buti na lang at may underground river na nasa loob ng kweba. I am sure hindi pa to naeexplore dahil sa Palawan lang ang kilalang Subterranean River.


Medyo hilo pa din ako dahil isang malaking bato ang tumama sa ulo ko kasabay ng pagbagsak ko sa river. Sinubukan kong umahon sa underground river na sobrang linaw kahit bahagya lang ang liwanag sa cave. Kung di ako kikilos, mamatay ako sa blood loss dahil unti unti nang pumapatak ang dugo sa ulo ko.


Sinubukan kong tignan ang pinang galingan ko. I think parang nahulog ako ng three floors at malabong makaakyat ako dahil wala ako equipments. Sinubukan ko maglakad at maghanap ng labasan. The moment na malaman ni Gerald na nagcollapse ang cave, magpapadala siya ng rescue mission.


Naglakad ako ng naglakad kahit nagdidilim na ang paningin ko. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tubig sa river. Baka sakaling galing to sa kalapit na falls. Salamat sa waterproof na flashlight na dala ko na nagsisilbing kong liwanag.


Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, isang malaking rectangular coffin-like structure made of metal ang natanaw ko tulad ng Egyptian coffins. Kaso walang writings or drawings. Just plain and dark.


Eto na ba ang remains ni Prinsipe Isagani?


Kahit sumasakit ang ulo ko, sinubukan kong itulak ang metallic na cover ng coffin. Akala ko mabigat ngunit the moment na naigalaw ko ang cover ng bahagya, parang automatic na device na biglang bumukas ang coffin.


Isang mummified being ang tumambad sa akin covered with linen bandages. A well preserved ancient mummy. This will be the most spectacular discovery in Philippine history.


Biglang lumakas ang kulog at ulan sa labas na para bang nagagalit ang langit. I felt hopeless dahil malabong makarating agad ang mga rescuers sa lugar na to. Sa lakas ng ulan, it will take them days to find me. At malamang, isa na kong malamig na bangkay pag nagkataon.


Dahil isa kong big fan ng Egyptian mummy stories at dahil baka huling oras ko na ito sa mundo, sinubukan kong tanggalin ang bandage na bumabalot sa mummy. Imbes na petrified being, isang lalakeng parang natutulog lang ang nasa ilalim ng linen bandages.


Is this Prinsipe Isagani? Bakit hindi pa nadedeteriorate ang kanyang katawan?


Hindi ko namalayan na biglang pumatak ang dugo sa mga labi ng mummy. Sa isang kisap mata, biglang dumilat ang mummy at hinablot ako ng mabilis papalapit sa kanya.



Ang tangi ko na lang naalala ay ang malalalim niyang pangil na bumaon sa aking leeg at ang kadiliman na bumalot sa buo kong paningin...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon