Chapter 17 - The Origin

41.7K 1.3K 84
                                    

Natapos ang kwento ni Sir Rusty at hanggang ngayon, naloloka pa din ako sa existence ng vampire sa totoong buhay.

"Ikaw at si Isagani ay iisa? Does it mean na ikaw ang origin ng vampire?" tanong ko kay Sage pero derecho pa din sa pagkain. In fairness, sobrang sarap ng luto ni Sir Rusty, comforting and soothing.

"Nung sinumpa ako ni Miraya, naging isa kong halimaw na ang tanging alam ay pumatay ng tao sa pamamagitan ng pagsipsip ng kanilang dugo. At dahil isa kong Alagad ni Bathala, na enhance nito ang kakayahan ko. Lahat ng aking mga biktima noong unang panahon ay naging vampire. Nagkalat na sila ngayon sa buong mundo."

"Alagad ni Bathala? Parang super hero hunter ng mga supernatural bad beings?"

"Parang ganun na nga."

Akala ko aasarin ako ni Sage pero bigla siya nagtransform sa isang malungkot na tao. Malungkot na vampire for that matter.

"Ahhh kaya pala hindi pa ko vampire kasi excessive blood loss lang ang nangyari sa akin? Kailangan ko muna ba mamatay?"

"If I drained your blood and you died, you will wake up as a vampire."

"May balak ka ba na patayin ako someday at gawin akong vampire?" biro ko sa kanya.

"You know Rei, when it comes to you, hindi ko mapigilan ang thirst ko. Pero ginagawa ko ang lahat para hindi ka maging vampire. Kahit si Rusty, ako ang pumaslang sa kanya kaya siya naging vampire. Hanggang ngayon, di ko pa din napapatawad sarili ko."

Back to serious mode na naman si Sage. Di ko alam na puno siya ng pagsisisi sa mga nagawa niya. Sa mga oras na ito, gusto siya yakapin.

"Tinanggap ko to ng buong puso, Sage. Ilan ulit ko ba sinabi sayo na I have no regrets and I am happy to serve you," paliwanag ni Sir Rusty

"Tinulungan ako ng Punong Babaylan na si Magawen para maglaho ang sumpa. Una, kailangan ko mahimbing ng five hundred years na walang dugo na natitikman para mawala ng tuluyan ang aking blood thirst. Pangalawa, kailangan na maisagawa ng Punong Babaylan ang ritwal na tuluyan na magtatanggal sa sumpa. The problem is, hindi namin mahanap ang kasalukuyan na Punong Babaylan."

"Nabaliwala ba ang paghimbing mo dahil ginambala ka na sir Rusty?" tanong ko na parang isang reporter. I must admit, nag-eenjoy ako sa kwento ni Sage, except for the part na naghihinagpis siya sa mga nagawa niya.

"Sa ngayon, I can stay fully functional without drinking any blood for months. It all changed nang makilala kita, Rei. It is like you aroused my hunger for blood."

"Ay sorry, Sage ha? Kasalanan ng existence ko?" masungit kong sabi habang kinakain ang pangalawa kong Pecan Pie.

"Pero kasalanan talaga ng excavation team namin ang nangyari. Ginambala namin ang pagtulog ni Isagani noong 1990. Nagising siya and he drained all my blood. He became a vampire again because of me," malungkot na sabi ni Rusty.

"Gusto ko maitama ang mali, Rei. Kaya nagtutulungan kami ni Rusty na hanapin ang mga uncontrollable vampires para iligtas ang sankatauhan. We heard the news about the careless attacks so andito kami para tigilan ang pagdanak ng dugo," malungkot na dagdag ni Sage.

"Uhmm question lang, pumapatay ba kayo ng tao? I mean paano kayo nabubuhay? Saan niyo kinukuha ang iniinom niyong blood?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Dahil sa ginawang tulong ni Magawen kay Sage, kaya niyang mabuhay sa loob ng ilang buwan o kahit taon ng hindi nag fefeed ng blood. Rei, may blood bags na din ngayon. Moreover, may synthetic blood na umiikot sa black market na mas nakakapawi ng thirst ng vampire kaysa sa human blood. We no longer need to feed on humans because of this. Kaya kami nagtataka kung bakit may vampire attacks dito sa Pilipinas."

"Sir Rusty, I can feel naman na mabubuti kayong vampires. Pero anong kinalaman ko sa inyong dalawa? I mean bakit may visions ako nakikita? Bakit di mapigilan ni Sage na kagatin ang leeg ko? Eh kasasabi niya lang sa akin na di niya ko type."

"What if type pala kita?" birong tanong ni Sage,

"Hoy, wag mo ko landiin. Pogi ka, pero di din kita type. Alam ko na seductive ang mga vampire sa mga stories, pero walang talab yan sakin."

"Rei, you're different. Sage tried to erase your memories twice pero di mga tumalab sayo."

"When I saw you few weeks ago na papasok sa bahay niyo, I don't know pero hindi ko makontrol ang sarili ko sayo. I mean, I can't control my blood thirst. Pumasok ako sa school para malaman kung anong mystery ang bumabalot sayo."

"Mystery? Hindi ba pwedeng mataas lang ang blood sugar ko at masarap?" biro ko sa kanya habang kinakain naman ang new slice ng Apple Pie.

"Rei, I hope you will keep this in secret. I am still trying to check your family history if you are blood related to the Punong Babaylan or even with Isagani himself," pakiusap ni Sir Rusty.

"Sir, mahirap lang ang pamilya namin. I'm sure wala kaming lahi ng royalty or di kami connected sa isang super power priestess. Kinupkop lang ako ng mayaman kong uncle kaya ako nag-aaral sa pang mayaman na university."

"Please allow us to protect you for the mean time. If you have this effect kay Sage, I am sure you are someone important."

Important? Ano bang papel ko sa vampire world na kinabibilangan ni Sage at Sir Rusty?

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon