Madalas kami magkita ni Sage sa swimming pool area. Parang secret hide out namin yun. May times na nagkwekwento siya about sa mga nangyari sa kanya sa nakalipas na taon. May times na tinatanong naman niya ako about sa past ko.
"Sage, di ba prinsipe ka dati? Are you engaged to someone else?" tanong ko sa kanya habang nakahiga siya sa hita ko. Ginagawa niya ko pillow at madalas nag-eenjoy naman ako.
"Kung engaged man ako dati, wag ka na magselos kasi five hundred years ago na yun. Ikaw ang girlfriend ko ngayon, period."
"Sino yung fiancee mo? Paano ang engagement noong unang panahon? Alam mo dapat interviewhin na lang kita about ancient Filipino culture at pagka kitaan kita. Magpupublish ako ng book - The interview with an ancient Filipino Vampire."
"Wala ka originality. Meron ng ganun," sabi ni Sage sabay kuha kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Para tuloy ako nakayakap sa kanya.
In fairness, ang hard ng chest ni Sage. At surprisingly, may heartbeat siya? Akala ko deds na siya?
"So di ka talaga magkwekwento ng lovelife mo? Madali ako kausap, Sage," sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. Kulang na lang sabihin ko sa kanya na pag wala siyang kwento, bawal magdrink ng blood ko.
"Daliah. Yan ang name ng isang anak ng Sultan kung saan ako nakatakdang ikasal. I saw her twice. Maganda at sexy. Voluptuous ang katawan unlike you."
"Aba walang hiya kang blood sucker ka! Lalaitin mo pa ko?" hinablot ko ang kamay pero hinigpitan niya lang ang hawak.
"Bago kami ikasal, inatake ni Miraya ang mga pinuno ng sampung kaharian. Ang alam ko, nabalitaan niya na naging vampire ako at biglang pinakasalan ang anak ng isa pa na Datu. Akala siguro niya, hahabulin ko siya."
"You must like her."
"Not really. I like you more," sabi niya sabay halik sa mga kamay ko.
Buti na lang at nakahiga si Sage at di niya nakita ang namumula kong mukha.
Like you more daw? Baka sabihin mo I like to suck your blood more!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...