Chapter 12 - History

44K 1.4K 27
                                    


Noong unang panahon, bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may isang maunlad na kaharian na pinamumunuan ni Rajah Gatlan. Dahil sa husay ng kanyang pamumuno, ang ibang Datu at Sultan sa kalapit bayan ay nakikipagkasundo sa kanya para maging kaanib ng kanilang bayan. Simula noon, si Rajah Gatlan ang naging pinuno ng sampung kaharian.


Ang kanyang nag-iisang anak na si Prinsipe Isagani ang nahirang na tagapagtanggol ng kanilang nasasakupan sa mga lingkod ni Kadiliman.


Si Prinsipe Isagani ay lumaking mabuting anak at may takot kay Bathala. Hinubog siya ng kanyang ama na maging isang maasahang pinuno para sa kanilang bayan. Sinanay siya ni Silawin, ang punong kawal ng kanilang sandatahan, na maging isang magiting na mandirigma.


Ang Punong Babaylan na si Magawen ang personal na nagbasbas kay Prinsipe Isagani bilang isang Alagad ni Bathala. Siya ay biniyayaan ng kakaibang bilis at lakas para sugpuin ang mga Kampon ni Kadiliman.


Ang matahimik nilang buhay ay naglaho nang bumalik sa bayan si Miraya, ang kakambal ni Reyna Araya. Si Miraya ay isang babaylan na naglakbay sa iba't ibang lugar para maipamahagi ang aral ni Bathala. Ngunit ang dating mapagmahal na kapatid ni Reyna Araya ay naging isang taong balot ng poot at kasakiman.


Simula ng bumalik si Miraya, nagkaroon ng sunod sunod na sakuna sa bayan. Ang mga tanim na gulay at prutas ay unti unting nalalanta. Ang mga alagang hayop ay dahan dahan din na pinapawian ng buhay. 


Ayon sa ibang babaylan, si Miraya ay napariwara ng landas at naging lingkod ni Kadiliman. Dahil sa mga pangyayaring ito, nagpagkasunduan ng sampung pinuno at ng Punong Babaylan na paalisin si Miraya sa bayan.


Labag man sa kalooban ni Reyna Araya ang desisyon na ito, kailangan niyang sumunod dahil hindi maikakaila ang pagbabago ng kanyang kakambal.


Lumipas ang buwan at bumalik ang sigla ng bayan. Kasabay nang pagkawala ni Miraya, nawala din ang mala sumpang dagok na naranasan nila. Taon ang lumipas at nakilala si Rajah Gatlan sa ibang pang lugar bilang isang napaka husay na pinuno.


Isang umaga sa gitna na isang pagtitipon ng mga pinuno ng iba't ibang bayan, binalot ng kadiliman ang langit. Gumuhit ang kidlat sa kalangitan at umingay ang dumadagundong na kulog. 


Sa isang kisap mata, biglang lumitaw si Miraya at mabilis na pinagpapaslang ang mga pinuno kasama si Rajah Gatlan. Dahil sa nasaksihan na kamatayan ng kanyang ama, sinugod ni Prinsipe Isagani si Miraya at mabilis na ibinaon ang isang punla sa kanyang dibdib.


Mabilis na nanghina si Miraya at lumisan sa kanilang bayan. Pero bago tuluyang umalis si Miraya, sinumpa niya si Prinsipe Isagani na magiging isang prinsipe ng kadiliman at maghahasik ng lagim sa sangkatauhan.


Pag dating ng gabi, nakaramdam ng kakaibang uhaw si Prinsipe Isagani. Uhaw para walang tigil na pumatay at uminom ng dugo ng tao. 


Tulad nga ng sumpa ni Miraya, naging isang halimaw si Prinsipe Isagani...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon