Sa isang kisap mata, nag swirl ang surroundings ko na para kong pumasok sa isang warp portal.
Inikot ko ang aking paningin at para akong natransport sa isang gubat na may nagtataasan na puno. Wala na si Sage sa aking harapan. Wala na rin ang olympic size swimming pool.
Kakaiba ang hitsura ng paligid. Pero may puno ng saging, niyog, acacia, talisay at puno ng mangga. Kung nasaan man ako, I am sure nasa Pilipinas pa rin ako.
Nasaan ako? Bakit nasa gitna ata ako ng kawalan?
Bigla akong may narinig ang ingay, mga sigawan ng pananaghoy at takot. Dahil tsismosa ako, hinanap ko ang source ng kaguluhan.
Isa, dalawa, tatlo. Hindi, sampung mga lalaki na nakasuot ng weird colorful clothing ang duguan at nakahandusay sa harap ng isang malaking Nipa Hut. Hindi makakaila na literal na dumanak ang dugo sa lugar na to. Parang crime scene, kulang na lang yung yellow barricade tape.
Ang ibang tao, tumakbo papalayo sa bloody scene. Dahil matapang ako, tinignan ko mabuti ang mga walang malay na lalaki. Lahat sila ay mag hiwa sa leeg na probable cause of their death. Para silang mga sinaunang tao ngunit base sa pananamit nila, para silang mga maharlika o mga pinuno ng isang ancient Filipino tribe.
"Ama, ama! Gumising ka ama!" sigaw ng isang binata na umiiyak habang hawak ang bangkay ng kanyang ama.
Para siyang isang ancient version ni Sage. Identical sa lahat ng bagay except sa pananamit at sa accent. Walang traces ng British accent sa lalaking ito.
"Nararapat lang na sila ay mamatay dahil sa pagtaboy nila sa akin! Wala silang puwang sa mundong ibabaw!" sigaw ng isang babaeng nakadamit ng itim.
Scary looking at napapalibutan ng black aura. Para siyang si Maleficent na walang horn. Siya malamang ang pumaslang sa sampung lalaki.
"Miraya! Puno ng kasakiman at kadiliman sa puso mo! Magbabayad ka!" sigaw ng binata.
Pero di ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na nakatayo ang binata na parang may super human speed. Sa isang kisap mata, mabilis siyang nakalapit kay Miraya at biglang sinasak ng puting punla ang dibdib nito.
Imbes na dugo, black gooey stuff ang lumabas sa dibdib ni Miraya. Weird dahil biglang umusok ang katawan ni Miraya na para bang weakness niya ang white na blade.
"Isagani... Bago ako pumanaw, isinusumpa ko na magiging isa kang kampon ni Kadiliman, isang halimaw pagsapit ng dilim," sabi ni Miraya na apparently, may super human speed din at nakalayo kay Isagani.
Kahit duguan, nagawang makatakas ni Miraya at nagdisappear in a blink of an eye.
"Friends, Miss Beautiful," sabay kindat ni Sage sa akin.
Sa isang iglap, nagbalik ako sa real life. Andito na ko ulit sa harap ni Sage. Andito na uli ang dambuhalang swimming pool. Wala na ako sa fantasy world.
Anong nangyari? Bakit may visions na nagaganap?
"Are you okay?" tanong niya nang matulala ako ng ilang segundo.
"Sage, do you know who is Isagani?" naguguluhan kong tanong kay Sage.
Kitang kita ko na namutla si Sage sa tanong ko as if forbidden word ang pangalan na Isagani. Kung sino man si Isagani, I am sure related siya kay Sage dahil magkamukha sila.
"Isagani?" tanong niya sa akin na parang parrot.
"Yeah, do you know any Isagani? You look exactly like him. Like twins, like pinagbiyak na bayabas, ganern."
Tinitigan lang ako ni Sage pero walang expression ang kanyang mukha. Di ko tuloy alam kung anong iniisip niya. After ng ilang seconds na awkward silence, kinuha niya ang kamay ko.
"Come with me," mabilis na sabi ni Sage sabay hila sa akin.
"Wait, Sage! Where are we going?"
Hindi ako sinagot ni Sage. Hila hila pa din ako niya ang mga kamay ko papunta sa parking lot ng university. May ibang mga estudyante na nakatingin na sa aming dalawa. Siguro akala nila mag jowa kami.
"Get in!" sabi ni Sage sabay bukas ng pinto ng kotse. Ako naman si gaga, pumasok sa loob.
"Teka lang, saan ba tayo pupunta?"
"How did you know about Isagani?" seryoso niyang tanong habang nagdridrive.
Dapat matakot ako dahil parang kinidnap ako ni Sage, pero bakit parang naeexcite pa ko?
Ganito ko ba ka-crush si Sage at kahit saan niya ko dalhin, sasama ako?
"Uhmmm. You will find it weird. You will probably think I am crazy," mahina kong sabi.
"Spill it out. Nakikinig ako," sabi niya sa isang British accent.
"Teka lang ha? Nagtatagalog ka?"
"Yeah. Sinabi ko ba na hindi ako marunong mag Tagalog? Pinoy pa din naman ako."
"Sana sinabi mo agad! Kanina pa ko hirap na hirap mag English sa harap mo!" inis kong sabi sa kanya.
"Answer my question, Rei. Paano mo nalaman na kamukha ko si Isagani kung nabuhay siya limang daan taon na ang nakakaraan?"
And it is my turn para mamutla sa sinabi ni Sage. Lahat na ata ng blood sa mukha ko ay nag vanish na parang isang bula.
Sino ba si Isagani? At sino ba si Sage?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...