Minabuti ni Uncle Syl na sa mansion nila Sage muna ko tumira kasama ang dalawang German Shepherd dogs para makapagfocus siya kay Magawen. Si Sir Rusty ay madalas wala din sa bahay dahil nakikipag coordinate siya kay Uncle Syl.
Si Sage ang kasabay ko pagpasok. Madalas wala kami kibuan. Silent treatment ang peg namin dalawa. Ang pag open up niya about his feelings kay Magawen ay nagsilbing tila malaking wall sa aming dalawa. Nawala ang dating masayahin na si Sage.
"Class, we have new transfer students from Austria. They will join us today and for the rest of the semester. Please welcome Matthias Wolf and Lena Schmidt," pakilala ni Professor Aurelia.
Pumasok ang dalawang transfer students sa classroom. Since Europeans sila, I am expecting them to be white at least, pero they look like a sophisticated beings with Filipino roots. Para silang panlaban ng Pilipinas sa Mr. and Miss Universe as they both look gorgeous.
Lumipas ang klase at walang nangyari na out of the ordinary. Si Sage ay tahimik lang na nakikinig ng lessons. Sabi ni Sir Rusty sa akin, hindi na kailangan na pumasok ni Sage sa school dahil kaya niyang bumasa ng ilang libro sa loob ng ilang minuto. Kaya lang daw pumasok si Sage sa university namin ay dahil sa akin.
"Rei, hintayin mo ko sa parking lot. Kakausapin lang daw ako ng principal. Siguro about sa mga transfer of records ko na naman," sabi ni Sage habang naglalakad kami sa corridor.
"Yeah sure," maikli kong sabi sa kanya.
Iniiwasan niya ko for the last few days. Kahit sa kanila ako nakatira, hindi niya man lang magawa na kausapin ako at mas pinili niya magkulong sa kwarto. Samantalang ako, madalas ay si Sir Rusty ang kasama ko sa study room at ang dalawang aso habang nag-aaral ng mga babaylan related documents.
"Rei.."
"What?" I snapped at him. Medyo napipikon na din ako sa cold treatment niya sa akin. At kung ayaw niya ko kausapin, ibibigay ko ang gusto niya.
"Let's have dinner later."
"Ayoko. Sa bahay na lang ako kakain. Magluluto na lang ako. Magdinner ka sa labas kung gusto mo," sabi ko habang derecho naglalakad. Pero imbes na sumagot si Sage, humarang lang siya sa dadaanan ko.
"Anong trip mo Sage? Lumayas ka nga sa harap ko."
"Bati na tayo. Peace offering ko sayo tong dinner na to. Alam ko nagtatampo ka," malambing niyang sabi sabay ngiti sa akin.
"Kausapin mo yung mukha mo. Ayoko makipag-usap sayo. Hintayin na lang kita sa kotse mo," sabay bahagya ko tulak sa kanya para makadaan ako.
"Is that a yes?"
"No! Wag mo ko kulitin. Maikli lang pasensya ko, Sage."
"Babe, wag ka na magtampo," biglang yakap niya sa akin ng makarating kami sa dulo ng corridor.
"Babe ka dyan! Shooo! Dun ka nga. Baka hinahanap ka na ng principal. Bilisan mo," tulak ko sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"If you'll not say yes sa dinner natin, hahalikan kita dito," seryoso niyang sabi. Wala na ang pilyong ngiti sa kanyang mukha.
"What! Ano ka siniswerte?"
"I told you, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Papayag ka ba sa dinner mamaya or nanakawin ko ang first kiss mo?"
"Fine. Hintayin kita sa baba. Pero wag mo isipin na bati na tayo," sabi ko sabay baba sa stairs.
"See you later babe," nakakaloko niyang sabi sa akin habang bumababa ako ng hagdan.
Sa totoo lang, natutuwa ako at bumalik ang sigla ni Sage. Akala ko kasi matatagalan ang depression mode niya.
Sensitive din naman pala si gago. Aware din siya na nagtatampo ko sa pangdededma niya sa akin...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...