Noong unang panahon, mayroon ng digmaan sa pagitan ng masama at mabuti. Ang mga Kampon ni Kadiliman ay naghahasik ng lagim sa sangkatauhan para sila ay saktan at pahirapan. Samantalang ang mga Alagad ni Bathala ang responsable para protektahan ang sangkatauhan.
Ang mga babaylan ay mga Alagad ni Bathala na nagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan ng sangkatuhan. Sila ay mga tinakda upang protektahan ang mga tao sa kamay ng mga Kampon ni Kadiliman.
Ang pinaka makapangyarihan sa kanila ay ang Punong Babaylan. Ang kapangyarihan ng Punong Babaylan ay nagmumula sa kalikasan, sa haring araw at kay Bathala. Ang Punong Babaylan ay hindi nararapat na mag-asawa, ngunit kailangang humanap ng lalaki upang magkaroon ng anak na magiging tagapagmana ng titulong Punong Babaylan,
Ang Punong Babaylan din ang taga pangalaga at tagasanay sa Lakan o ang lalaking na pinili na maging Alagad ni Bathala.
Ang Lakan ay isang lalaki na may kakaibang lakas, bilis at talino. Siya ang inatasan na lumaban sa mga Kampon ni Kadiliman. Siya ang tagapag tanggol ng tao sa mga masasamang nilalang.
Ang Lakan ay pinipili ng Punong Babaylan sa pamamagitan ng isang pangitain na galing kay Bathala. Ang pinakahuling Lakan ay si Prinsipe Isagani, bago siya bawian ng buhay.
Lumipas ang panahon at ang mga kwento tungkol sa mga babaylan at Lakan ay naging isang alamat na lamang nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa.
Bago matulog, madalas ako nagbabasa ng mga libro sa loob ng study room ni Sir Rusty. Nahuli na ko minsan ni Sage na dito tumatambay at hinayaan niya lang ako. Madalas din, tahimik niya akong sinasamahan sa aking research time.
Pagkatapos namin magshopping, dito na ko tumuloy agad sa study room para pag-aralan ang history at background ng isang Punong Babaylan.
"Anong petsa na?" sabi ni Sage pagpasok sa study room.
"Ha? Bakit? Shit! 9PM na? Di ko namalayan, sorry! Magluluto muna ko ng dinner mo."
"Ako na nagluto, kumain na tayo. Next time mo na ipagpatuloy yang kalokohan na yan."
"Anong niluto mo? Thank you ah, naabala ka pa. Sorry talaga, di ko namalayan past nine na pala," sabi ko habang papunta kami sa dining room.
"Inayos ka na din yung backpack mo na dadalin bukas. Sobrang busy mo."
"Akala ko ba nagluto ka? Eh Jollibee Chicken Joy to eh?" tanong ko sa kanya nang makita ko ang isang bucket ng chicken joy, spaghetti at ilang pies sa dining table.
"Ayaw mo ba? Di wag, kaya ko ubusin yan."
"Enge! Gutom na ko!" sabay kuha ng dalawang spicy chicken sa bucket.
"Ano naman natutunan mo sa pagbabasa mo? Anything na related sa vampiric curse?" tanong niya habang naghahapunan kami.
"Wala pa masyado. More on background lang kung saan nahaharness ang power ng Punong Babaylan. Wala pa ako alam na spells or simple rituals. Di naman ako talented tulad mo na mabilis magbasa."
"Hindi talented? Eh nababasa mo yung puting libro na gamit ang lumang Filipino alphabet at walang translation," sabi niya sabay ngiti sa akin.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Tagalog yun."
"Tignan mo mabuti mamaya yung libro. Hindi siya translated sa Tagalog. It only means na talented ka na din. Yan ang nakukuha mo pag naglalalapit ka sa akin, nagiging talented ka na din. Hoy, dahan dahan ka naman sa chicken, tig tatlo tayo, wag mo ubusin."
Hindi pa rin ako na convinced sa sinabi ni Sage kaya pagkatapos ng aming dinner, bumalik ako sa study room ni Sir Rusty. Tama nga siya, nakasulat ang libro sa ancient Baybayin texts. Kaso effortless ko na nababasa ang mga nakasulat sa text.
"I have read that book before. Just plain history and basic responsibilities ng mga babaylan. But do you know what makes it special? It was handwritten by the previous Punong Babaylan using their own blood," paliwanag ni Sage.
"Dahil blood lang ang ginamit, special agad?"
"Ang dugo ng Punong Babaylan ay makapangyarihan. Why do you think I am so attracted to you blood?"
"Uhmmm, uhaw ka lang or sadyang manyak ka?"
"I felt this urge too with Magawen, I was attracted to her blood. Pero hindi kasing tindi ng thirst ko sayo."
"So ilan beses mo na siya kinagat?"
"Never ako nag-attempt na gawin yun dahil madali ko nakokontrol ang sarili ko sa kanya, pero pagdating sayo, hirap na hirap ako."
"Alam ba niya na may pagnanasa ka sa dugo niya?"
Somehow, nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na hindi kinagat ni Sage si Magawen. Feeling ko magseselos ako pag nalaman ko na ginawa niya yun.
"Yep, I told her. She thinks it is because of her sheer power. She created some sort of ritual para mawala ang thirst ko sa blood niya."
"Wala akong alam na ritual para mawala ang kahibangan mo sa dugo ko. Wala akong choice kundi maging Walking Gatorade mo."
"Eh kahit naman may alam ka, gagawin mo ba? Di ba nag-eenjoy ka naman sa bawat kagat ko sayo?" mahina niyang sabi sabay haltak sa akin palapit sa kanya.
"Dahil pinagluto mo ko ng dinner, care of Jollibee Delivery, ayan na ang dessert mo," sabi bigay ng kamay ko sa kanya.
I am anticipating na kukunin niya ang kamay ko para magdrink ng blood ko pero tinalikuran lang niya ako at lumabas ng study room.
"Matulog ka na lang ng maaga. Maaga din alis natin bukas," sabi niya bago tuluyan na umalis.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...