Sa likuran ng mansion, andun ang isang malawak na garden. Si Sage naman ay nakahiga sa isang white bench at naka sunglasses sa tabi ng isang man-made pond na madaming Koi fishes.
Hapon na ah? Bakit nag susunbathing pa to? Pero kung vampire siya, di ba dapat takot siya sa araw?
Sinubukan ko siyang lapitan at umupo sa katabing bench. Nagreplay tuloy yung scene na kinagat niya ko sa leeg.
"Sage..." mahina kong tawag sa kanya.
"Nag-usap na ba kayo ni Rusty?"
"Nagkwento lang siya about kay Isagani at Miraya. Sabi niya kausapin daw kita."
"Kamusta ka na? Nagcollapsed ka kanina."
"Eh di ba kinagat mo ko?"
"What?!" tanong ni Sage sabay bangon sa pagkakahiga at hubad ng sunglasses.
"Anong what what ka diyan? Di ba kinagat mo ko sa leeg kanina? Pero ewan ko ba, wala naman sugat sa leeg ko. Pero wag ka magdeny, alam ko na kinagat mo ko at sinipsip mo yung dugo ko! Naramdaman ko yung teeth or fangs mo sa leeg ko! Vampire ka ba or fetish mo lang mangagat ng kung sino sino?"
Di ako sinagot ni Sage at tumawa lang ng malakas na parang nasisiraan ng ulo. Hindi pa nga siya makahinga sa sobrang tawa niya.
"Hoy, hindi ako nagjojoke ah? Wag mo ko tawanan!" sabay hampas sa braso niya para tumigil siya sa kakatawa.
"Nakakatawa ka kasi!" tuloy pa rin siya sa kakahalakhak.
"Anong nakakatawa? Sabi ng daddy mo, nagcollapsed ako dahil nalipasan ng gutom, pero naaalala ko ang nangyari Sage, alam ko na kinagat mo ko! Sabi mo pa nga sakin bago ko tuluyan magcollapse - You will not remember this!"
Pero halakhak lang ang sagot ni Sage sa akin. Tawang tawa siya sa sinasabi ko na para bang gumagawa lang ako ng kwento.
"Hoy makinig ka! Tumigil ka nga sa kakatawa mo! Kukurutin kita pag di ka pa tumigil! Napipikon na ko!" hampas ko sa braso niya.
"You are funny, Rei. Alam mo pala na kinagat kita, bakit di ka tumakbo palabas ng bahay namin? Di ba dapat matakot ka? Or gusto mo pa ng isang kagat?" sabi ni Sage sabay lapit ng mukha sa akin. Yung sobrang lapit at biglang nagdikit na ilong namin sa lapit.
"Hoy hoy, wag ka lalapit sa akin!" sagot ko sabay tayo sa bench. Humakbang ako palayo sa kanya.
"Rei, san ka pupunta? Akala ko gusto mo pa ng isang kagat?" natatawa niyang tanong.
"Uuwi na ko habang may araw pa. Ayokong maging dinner mo!" sabi ko sabay ng mabilis na lakad palayo sa kanya.
Nakakaloka ang araw na to! Lahat dahil kay Sage Elizalde!
Pero bago pa ko mainis ng tuluyan, gamit ang kanyang lightning speed, biglang lumitaw si Sage sa harap ko para pigilan ako.
"Hep, hep, hep. Where do you think you are going?" nakangiting sabi niya.
"Uuwi na ko at di mo ko mapipigilan!"
"Ows? You think so?" sabi niya sabay haplos sa buhok ko.
Kung ano mang creature si Sage, one thing for sure, hindi siya tao. And I also doubt na matatakbuhan ko siya dahil sa kanyang superhuman speed. I doubt din na makakalabas pa ko ng buhay sa mansion na to dahil alam ko na isa siyang supernatural creature.
"Papatayin mo ba ko Sage?" bulong ko sa kanya.
"You are a mystery. Why would I kill you?" sagot niya habang lumalapit ang labi sa aking mukha papunta sa aking leeg.
"Kakagatin mo na naman ba ko?" mahina kong sabi habang dumadampi ang labi niya sa leeg.
"I am sorry, Rei. I can't get enough..."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...