Chapter 53 - First Love

31.1K 1K 54
                                    

"Balita ko sabay tayo maglunch?" tanong ni Matthias nang lumabas ako ng classroom.

"Ha?"

"Tingin mo hindi ko narinig yung pag-uusap niyo ni Sage? Baka nakalimutan mo, may sonic hearing din ako," natatawa niyang sabi.

"Di ko lang feel na makasama muna si Sage. Feeling ko mag aaway kami palagi dahil kay Magawen. And uunahan na kita, di ako nagseselos."

"You know that I can stop seeing you if he asked me to, right? He can easily compel me. And I am bound to serve him."

"Ginagawa ko lang naman din ito para matulungan siya."

"Because you love him?"

"Hindi dahil matanda ka ng vampire, madali mo na ko mababasa. I don't love him. I felt responsible lang dahil nasa dugo ko na protektahan siya," sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ok fine. Sabi mo eh," nangingiting niyang sabi sa akin.

"Ikaw ba nainlove na? Makapagsabi ka sa akin about love parang based sa real life experience mo."

"Iba iba ang effect ng vampire blood ni Prinsipe Isagani sa amin. I was a good soldier and I think I was a nice man a long time ago kaya mas na absorb ko yung personality niya as Alagad ni Bathala. Kaya siguro innate yung nararamdaman ko na protektahan siya," sabi ni Matt habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Ang tanong ko, nainlove ka na ba Mr Ancient Vampire?"

"Simula nang maging vampire ako, it became my mission to protect Prinsipe Isagani and also to support ang kagustuhan niyang maging tao. Dun lang umiikot buhay ko at siguro kay Lena. But then I met a girl and I fell at in love with her the first time I saw her. I knew it right then and there that I want to be with her."

"Wow naman. Love at first sight! And what happened?"

"I lost her. I tried to find her pero di ko na siya mahanap. Akala ko attraction lang ang nararamdaman ko kaya sinubukan ko siya kalimutan."

"You lost her? Nasabi mo ba sa kanya feelings mo?

"I don't even know her name back then. I just saw her one time crying on a bridge nung mapadaan ang sasakyan ko sa kanila. Akala ko magpapakamatay siya pero tumakbo lang siya papunta sa bahay nila. Bumalik ako after ilan days and she's​ gone. She moved to another place."

"Aww sad. Nahanap mo ba siya uli?"

"I found her, yes. But she's with someone else already."

"Did you even bother to tell her na nainlove ka? Like hoy babae ka, do you know that I fell in love you at wala ka kaalam alam. Yung ganern?"

"No not yet. But I'm planning to."

"Ayun naman pala. Gora na. And tanda tanda mo na torpe ka pa?"

"I'm afraid she might reject me."

"Matt, you're a good man. Gwapo pa. Tanga lang ang hindi ma-iinlove sayo."

"Eh bakit ikaw hindi ka naiinlove sakin?"

"Ako? Eh tanga ko. Saka focus ako sa studies at vampire shit. Malay mo someday."

"Reichel, aasahan ko yan ah?"

Natapos ang lunch namin ni Matt saka dumating si Sage...

Ayoko nga siya makasama, bakit siya andito?

"Sage," bati ni Matt sa kanya.

"Sabi ni Rei, matutulungan mo daw siya sa rituals dahil sa mga manuscripts na naretrieved mo sa mga ibang babaylan ng Mountain Province. Why don't you visit our house for dinner and bring those manuscripts with you?"

What? Kaya nga ko sasama kay Matt dahil gusto iwasan si Sage eh! 

Tumingin ako kay Matthias at nagsignal to say no...

"Sure, Sage. I'm grateful for this dinner invitation. I'll bring the manuscripts this weekend if that's alright?"

"Yeah that's fine. I want to keep an eye with Rei for the mean time but during my slumber period, take care of her for me."

"Ano ka ba Sage? No need to ask Matthias. He's very much willing to take care of me. Di ba Matt? I will definitely be safe kapag kasama ko siya."

Tumango lang si Sage at umalis. He's so dominant na para bang pag aari niya ko pero wala naman siya tiwala sa akin...

"Matt, di ba sabay tayo uuwi?" sabi ko kay Matt nung uwian na.

"Ayaw pumayag ni Sage. His Majesty talked to me at mas mabuti na daw na siya ang kasama mo kaysa ako. And he's right. You're safer with him. Walang iba na may alam na vampire siya. Or maybe he's jealous?" natatawang sabi ni Matt habang naglalakad kami palabas ng university building.

"Tsk! Jealous? Di nga daw niya ko type kahit maghubad pa ko harap niya tapos jealous?" naiinis kong sagot kay Matt.

"Wala ako magagawa. Sage is my boss and I believe that it is reasonable. Delikado pag ako ang kasama mo."

"Ingget lang yun kasi ikaw ang kasabay ko hindi siya!"

"Rei... About dun sa story na sinabi ko about my first love?"

"Hmmmm? Ano yun?"

"I found her in this university. That's the reason I also decided to study here."

"Talaga? Kilala ko ba yan? Anong year? Almost lahat ng students kilala ko. Sabihin mo lang, ilalakad kita."

"Classmate natin."

"Whoah! Classmate natin tapos di ka pa nag the the moves? Torpe mo naman chong."

"Mukhang in-love siya with someone else," malungkot na sabi ni Matt ng marating namin ang parking lot.

"Aww may jowa na?"

"Not really. Pero I can sense that her heart is owned by someone else."

"Sus! Wag ka papatalo. Matt, I'm sure mas gwapo at matalino ka dun. Subukan mong sabihin yung feelings mo. Taob yung jowa nun."

"Taob? I doubt it," malungkot niyang sabi.

"Alam mo, kahit transfer student ka, walang laban sayo ang ibang mga lalaki dito. Lamang ka sa talino, looks at siyempre mabait ka. May laban ka dyan sa karibal mo."

"Kahit karibal ko ay ang isang prinsipe?"

"Prinsipe? Like... Prinsipe Isagani?"

Huli na nang napagtanto ko na ako yung tinutukoy ni Matt...

I remembered that there was a time na umiiyak ako sa bridge nung kamamatay pa lang ng magulang ko. The next day, kinupkop na ko ni Uncle Syl at nilisan ko ang squatters area namin na bahay.

"Matt... Is it..."

"Yes, it's you Reichel. See you tomorrow," mahinang sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon