Chapter 65 - Chicken Skin

27.7K 939 54
                                    

Hapon na pero nagsimulang magdilim ng kalangitan. Mukhang uulan pa ata at wala pa naman ako payong. Ang tanga ko din. Nagbyahe lang ako, pwede ko naman gamitin yung sasakyan ni Uncle Syl.


Medyo madilim na nang makarating ako kina Sage. Naku, pagagalitan na naman niya ako. Di ko kasi napigilan na kumain ng chicken skin sa labas ng subdivision.


Dapat pag vampire walang hunger di ba? Bakit ako gusto ko pa rin kumain ng madami?


Dahan dahan na pumatak ang ulan kaya mabilis ako pumasok sa mansion nila ni Sage. Tahimik ang buong bahay, wala siguro si Sir Rusty. Gugulatin ko na lang siya para di niya ko pagalitan kaso wala siya sa living room. Using my super human speed, carefully pumunta ko sa study room. Sobrang careful para di niya ko maramdaman kaso wala din doon si gago. 


Asan ba siya?


Malamang nasa kwarto kaharap ang laptop niya. May pasalubong ako chicken skin. I am sure mas gugustuhin niya ang chicken skin kaysa pagalitan ako dahil inabot ako ng ulan at dilim. Mabilis ko binuksan ang pinto ng kwarto niya at pumasok ako.


"May pasalubong ako chicken skin!"


Pero bumagsak ang dala kong plastic na may chicken skin at vinegar sauce nang makita ko si Magawen na nasa loob ng kwarto ni Sage. Nakayakap siya kay Sage at nakadikit ang mga labi kay Sage. And the thing is, she is wearing nothing.


Bakit may halikan na nagaganap? At bakit siya nakahubad?


Kung nalate pa ko ng ilang minutes, possibly sa kama ko na sila nadatnan. 

Fuck, feeling ko naka-istorbo ko.


"Rei!" gulat na sabi ni Sage nang makita niya ko sabay tulak kay Magawen.


Hindi ko alam kung magagalit ako kay Sage or kay Magawen na isa ko pa namang ancestor. Pero isa lang alam ko, galit ako sa mga oras na to. Galit na ready sumabog. Galit na hindi ko ata kayang kontrolin.


Alam ko na may feelings si Sage kay Magawen. First love niya si Magawen at di nakapagtataka na maakit siya dito. But this creature now called Mistress Margaux almost killed us and betrayed us. 


At ngayon andito siya sa kwarto ni Sage na walang saplot?


Magawen looked at me and smiled at me na parang nang-aasar. Gamit ang mabilis niyang kilos, lumapit siya sa akin. Since blood ni Sage ang dumadaloy sa dugo ko and my powers are equal to the royal vampires, nabasa ko ang galaw niya. I know that she is about to snap my neck but I moved faster to avoid her attack. Kitang kita ko ang gulat sa mata niya nang maiwasan ko ang plano niya sa akin.


Di ko alam ang mga nangyari, parang reflex or self defense, biglang may lumabas na ball of wind sa kamay ko at itinulak ko to papunta kay Magawen. The ball of wind pushed her forcefully sa life size window sa kwarto ni Sage at tumilapon siya from second floor to first floor. Mabilis na tumayo si Magawen para makatakas kahit alam ko na madaming shattered glass ang bumaon sa katawan niya.


Sage is just standing there speechless. Di ko alam kung namangha siya sa kakaibang kapangyarihan na lumabas sa kamay ko or dahil nakita ko sila na nagmamake out ni Magawen.

Dahan dahan ko pinulot ang plastic na may chicken skin. Sayang din to, pwede ko pulutan later dahil feeling ko mahaba habang inuman ang magaganap mamaya kasama ang mga German Shepherd dogs ko.


"Ihahatid na kita, malakas ang ulan..." mahinang sabi ni Sage nang palabas na ko sa kwarto niya.

"Wag na, malapit lang naman ang bahay namin dito. Kaya ko tumakbo ng mabilis," sabay ngiti ko sa kanya as if walang nangyari.


Mabilis akong lumabas ng mansion nila Sage at naglakad pauwi sa bahay namin ni Uncle Syl. Sa totoo lang, pwede naman talaga ko tumakbo at makakarating ako sa amin in less than a minute dahil same subdivision lang kami ni Sage, pero mas minabuti ko na maramdaman ang pagbagsak ng ulan.


Pag ba tinamaan ako ng kidlat, mabubuhay pa din ako?


Tinago ko ang chicken skin sa bag ko. Buti na lang, waterproof ang backpack ko at secured ang mga notebook ko. Kakain ako mamaya sa bahay ng chicken skin at papadeliver din ako ng pizza at chicken. Sakto, may beer sa fridge ni Uncle Syl, makikipag-inuman ako sa mga aso ko hanggang lunurin ako ng alcohol at makatulog.


Pero kahit subukan ko na ifocus ang isip ko sa pagkain, pasaway ang luha ko at unti unti pa rin na bumabagsak. Buti na lang malakas ang ulan kasi hindi halata na tumutulo din ang sipon ko.


Bakit ba ko nasasaktan? Di ko naman pag-aari si Sage? And besides, alam ko naman na may feelings siya kay Magawen.

Eh ano ngayon kung may mangyari sa kanila? Eh ano ngayon kung maglalapan sila? Eh kung gusto pa rin siya ni Sage, may magagawa ba ko?


"Bakit ka nagpapaulan?" mahinang tanong ni Sage sabay hila ng kamay ko paharap sa kanya. Sinundan pala niya ako ng di ko namamalayan.

"Di naman ako magkakasakit, saka masarap magpaulan," ngiti ko sa kanya sabay hablot ng kamay ko.

"Samahan na kita umuwi," bulong niya habang naglalakad sa tabi ko.

"Naku, umuwi ka na. Kaya ko sarili ko. Isang tumbling lang naman ang bahay namin sa inyo."

"Rei..."

"Sige na, umuwi ka na. Alam ko busy ka at madami inaasikaso. Don't worry, papasok ako sa school bukas at uuwi ng maaga," ngiti ko sa kanya sabay takbo palayo.


Kaya pala hindi pumasok, may kasama sa bahay. Kaya pala busy, ibang babae inaatupag. 


Kaya pala... Kaya pala...


Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na to na parang gusto ko sumigaw. Biglang na lang may orange na light na lumalabas sa kamay ko. 


Fuck! Bakit umaapoy yung kamay ko at hindi nawawala kahit mabasa ng ulan?


Sinubukan ko mag relax. Breathe in breathe out. Kinalma ko ang sarili ko at mabilis naman na nawala ang apoy.


Ano ba tong nangyayari sa akin? Kanina may hangin ngayon naman ay may apoy? Bumalik na ba ang kapangyarihan ng Punong Babaylan sa akin dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon?

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon