Chapter 41 - Vanilla

32.8K 1K 22
                                    

Pagtapos ng class, mabilis ako lumabas ng classroom at pumunta sa swimming pool area. Ayoko na makarinig ng isa pa na panglalait ni Sage sa akin.

Parang kailan lang, kumakain kami ni Sage ng chicken sandwich dito. Tapos ngayon, biglang nagbago buhay ko sa isang iglap. Nabubuhay na ko sa mundo ng supernatural with fucking ancient royal vampires.


"Andito ka pala, kanina pa kita hinahanap. Anong sabi sayo ni Matthias?" tanong ni Sage sabay bigay sa akin ng Vanilla ice cream pint.


Tignan mo tong creature na to, user talaga! Alam na hindi ko matatanggihan yung ice cream!


"Sa tingin ko, alam niya na kung ano or sino ko. Sabi niya he is looking for an heir who is capable of lifting a strong curse. Ang di ko lang alam kung pareho kayo ng purpose ni Matt. Kung pareho niyo gusto matanggal ang sumpa or gusto niya ko mawala ng tuluyan para forever mag-exist ang mga vampires," sabi ko habang sumusubo ng ice cream.

"Hibernating for five hundred years will only remove my thirst or my need to drink to blood, but it will not deactivate curse. Ang sabi ni Magawen, once na wala na sa system ko ang blood lust, that is the only time that she can remove the curse. The thing is, wala na siyang kapangyarihan para tanggalin ang sumpa."

"Sage, it is 2017 already. Ibig sabihin, alam ng mga royal vampires that you will soon wake up. Baka hanapin ka nila," sabay subo ko sa kanya ng Vanilla ice cream.

"Sabi ni Rusty, hindi lang siya ang naghahanap ng libingan ni Prinsipe Isagani noon. May iba't ibang archeologist sa ibang parts ng world na interested sa libingan ko. They even thought na sa China or Pakistan ako nakahimlay. There's a theory daw na isinakay ng Punong Babaylan ang remains ko sa isang Chinese trading ship. It was indeed a coincidence that Rusty found an old Elder na nagsabi na nasa kabundukan ng Benguet ako nakahimlay. Kung tama ang hinala ko, marahil may lahi silang babaylan kaya nagkaroon sila ng idea kung saan ako nakahimlay."

"Ano tingin mo ang plano ng mga royal vampires sayo?"

"I don't trust Matthias, he is cunning and evil, pero wala ako nararamdaman na threat na galing sa kanya."

"Me too. Pakiramdam ko, he cares for me as if gusto niya ko protektahan."

"The fact na binigyan ka niya ng white blade for your protection, it only means that he does not want to hurt you. Pero it also proves our theory that some people are after you. Rei, ikaw lang ang pag-asa ko para mawala ang sumpa at gagawin ko ang lahat para bigyan ka ng protection."

"Pero Sage, wala ako alam kung paano matatanggal ang sumpa mo. At ang malala pa, hindi pa nawawala sayo ang bloodlust mo."

"Silawin is trying his best to track Magawen. I am certain that she is working under a royal vampire. She's our only hope."

"Di ba siya ang nagturned dun sa tatlong senior students into vampire? Obvious naman na kalaban natin siya. Macoconvince kaya ni Uncle Syl si Magawen to change her side?"

"Magawen is still your ancestor. You are still blood related, that's why I am not giving up."

"And you haven't given up your love for her?" tanong ko sa kanya sabay subo uli ng ice cream sa kanya.

"Masyado ka showbiz magtanong kaya ka nasasaktan eh. Next time, magtanong ka lang ng questions na kaya mo ihandle," sagot niya habang kinakain ang ice cream.

"Feeling mo ba affected ako sa pagtingin mo sa great grand lola ko? Wala ako pakialam kung mahal mo pa siya hanggang ngayon. Go ahead, hanapin mo siya at ipagtapat mo ang pagmamahal mo. Pwede kayo maging royal vampire couple!"

"Yan ba ang hindi affected?"

"Hoy, lalake, wala ko pakialam kung siya ang love of your life. Bagay kayo, pareho kayo blood suckers!"

"Tignan mo, ayan ba ang hindi nagseselos? Eh namumula ka na sa galit eh?"

"Ewan ko sayo, ayoko na ng ice cream! Wala na ko gana!" sabay bigay ko sa kanya ng ice cream pint at tayo sa bench.

"Hoy, anong walang gana pinagsasabi mo? Ubos na eh! Siba mo kumain!" sigaw niya sa akin nung palayo na ako sa kanya

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon